Chapter 2: I won't...

175 9 2
                                    

" Why should I feel this way? Why am I thinking that I should leave you? Why am I saying to you that I won't, even though I want to leave you?" - (B)

***NYXIA'S POV***

(Back to present)

Isang araw. Meron akong isang araw para magpanggap na nagpapahalata sa press dahil bukas, ilalabas na ang lahat ng balita. Matatanggap ko na ang mas marami pang death threats.

Tumingin ako sa singsing na nasa aking left ring finger. Binigay ito sa amin ni Tita Lydia. Simpleng singsing lang naman ito dahil binili lang daw ito sa kung saang shop. Pero para sa akin, hindi lang ito isang simple at cheap na singsing. Napakahalaga nito sa akin dahil ito ang sumisimbolo ng pagiging engaged namin kuno ni Kei. Kahit na nagpapanggap lang kami para sa pangarap naming dalawa, hindi ko pa rin mai-alis ang pakiramdam ng isang babaeng malapit nang ikasal. 'Yung walang halong pagpapanggap. Lahat ng babae, pinangarap na magkaroon ng taong magmamahal at magpapahalaga sa kanila. Isa na ako doon. Pero parang malabo nang mangyari 'yun.

Biglang bumukas ang pinto at nandun si Madison na nag-aalburoto na.

"Nyxia, you're so tagal naman! Maganda ka na kaya. Let's go na dahil baka ma-late tayo sa presscon." Sabi niya tsaka hinila ako pababa sa sala.

"Ang tagal mo naman, Nyxia. Ano bang ginawa mo?" Sabi ni Leslie habang sumasakay sa passenger seat ng van. Sumakay na kaming tatlo sa backseat.

"She's making paganda pa kasi. She's so pretty na nga kaya!" Isa din itong si Madison. Ako 'yung sinasabi niyang nagpapaganda eh siya nga itong may hawak na lipstick at nilalagay sa labi niya.

"Wag mo ngang itulad sa'yo si Nyxia, Madi. Ikaw nga itong nagli-lipstick diyan." Sabi naman ni Yana.

"Wow. All of us used lipstick kaya. It's normal lang 'no. " -Madison.

Hindi na lamang namin siya pinansin dahil kanya-kanya na kami ng ginagawa. Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko kaya kinuha ko ito agad.

FROM: Tita Lydia
The plan needs to be done, Nyxia. Show them.

"Who's that, Nyxia?" Nakakagulat naman itong si Madison! Bigla-bigla na lang nagsasalita! Eh kanina nagli-lipstick lang siya tapos ngayon nakatapat na siya sa phone ko at binabasa ang sabi ni Tita Lydia.

"Plan needs to be done? What plan is that?" Dahil sa sinabi ni Madison ay tumingin sa akin 'yung dalawa pa. Syempre hindi na 'yung driver 'no!

"Anong plan daw 'yun, Nyxia?" -Yana.

"Uhm... 'yung ano lang 'yun... Si Tita Lydia sabi niya ano daw... stay strong lang daw. Ganun." Tinago ko na agad 'yung phone ko sa bag. Hindi naman na sila nagtanong pa kaya okay na.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakarating din kami sa lugar kung saan gaganapin ang presscon. Inalalayan kami ng ilang mga guard sa pagbaba namin ng sasakyan.

Hindi pa kami nakakaupo ay kung ano-ano na ang tinatanong nila. Nakakasilaw naman itong mga camera nila. Hindi naman ako sanay sa ganitong atensyon kaya sobrang naninibago ako.Kumakaway lang kami sa mga press at ilang fans.

OUR SECRETTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon