Part 3 - Ganyan ka ba talaga Katanga?

1K 33 0
                                    

Part 3 -  Ganyan ka ba talaga Katanga?

By: Princess Gold24

 

 

October 7, 1991(Monday)

Naalimpungatan akong nagising nung umagang iyon dahil hindi ako nakatulog ng mabuti kagabi dahil sa dami ng assignments.

          

“Good morning...” ang bati ko kina Mama at Kuya pagkatapos ay naupo na ako sa hapag-kainan kasama sila.

           

Agad din naman nilang napansin ang pagkaantok ko.

         

“Hoy Pikachu, gising ka na ba o tulog pa?” si kuya.

         

Kumuha nalang ako ng tinapay. “Ewan ko...” ang sagot ko.

          

Pero biglang nabuhay ang dugo ko nang kunin ni Kuya ang cake ko. “KUUYAA!!!” ang naisigaw ko.

          

Pero naubos na kaagad nito ang cake ko. Naiiyak naman akong napasandig sa upuan ko.

         

“At least, nawala pagkaantok mo” ang pang-aasar nito. “Pika! Pika! Pikachu!”

          

Natatawa namang nagsalita si Mommy. “O, bilisan nyo na dyan. Mahuhuli na kayo”

   

>>>>>>>>>          

Nang ihatid ako ni Kuya sa school ay inaantok parin akong bumaba sa kotse nya kaya hindi ko na pinakinggan ang 'old speech' nya sa akin.

          

Pero papasok palang ako ng main entrance ng building nang masipa ko ang glass door kaya nadapa ako at nagkasugat ako sa tuhod. Naiiyak naman akong napatingin sa sugat ko. Wala pa namang masyadong tao nun kasi maaga pa.

         

“Ganyan ka ba talaga katanga?”

         

Narinig ko ang boses na yun sa likod ko at nang lingunin ko, si Senior Calvin pala. Ewan ko ba, pero nung makita ko sya ay bigla nalang may bumara sa lalamunan ko at doon na ako napaiyak.

         

Naiiling naman syang lumapit sa akin at umupo sa harapan ko. Napatingin nalang ako sa kanya.

        

“Sakay na” ang walang emosyon nyang sabi.

        

Pilit naman akong sumakay sa likod nya pagkatapos ay tumayo na ito at naglakad.

        

“Saan mo ba ako dadalhin?” ang umiiyak ko paring tanong.

        

“Sa Clinic. Tumigil ka nga sa kakaiyak, ihagis kita ngayon sa labas. Konting gasgas lang yan iniiyakan mo na” ang masungit nitong sabi.

        

Tumigil naman ako sa pag-iyak pero sisinghot-singhot parin ako. Nang maabutan na namin yun ay agad akong inasikaso ng doktor.

        

“Aalis na ako” ang paalam nya habang nililinis ang sugat ko.

         

Tumango lang ako. “Senior Calvin, salamat ha” ang sabi ko.

   

      

“Tsk, iyakin” ang sabi nya lang saka umalis na. Lihim naman akong napangiti.

  >>>>>>>>>>>>>>>        

Nang makalabas ako sa clinic ay agad akong pinagtinginan ng ibang babae. Lalo na yung mga nakakita sa pagbubuhat sa akin ni Senior Calvin. Nagbubulong-bulungan ang mga ito habang nakatingin sa akin. Ang iba ay ang sasama pa ng tingin pero hindi ko nalang sila pinansin.

         

Nabigla pa ako nang mapadaan ako sa Principal Office. Maraming nag-uumpukan na mga estudyante dun. Lumapit ako at naki-usyuso. At mula sa kinatatayuan ko ay nasilip ko sa loob na nanduduon si Senior Calvin at ang mga barkada nito. At mukhang galit na galit ang Principal.

         

“You are all suspended for one week!” ang sigaw ng Principal. At dun ko lang napansin na puro may mga pasa ang mga ito. Si Senior Calvin lang ang walang pasa.

        

“Naku, yan kasi, mga gangster. Nakipag-rambulan ba naman kahapon sa taga-ibang school” ang mataray na wika ng isang babaing Junior. “Nakakahiya sila. Sayang pa naman yang si Senior Calvin, gwapo nga pero lider naman ng pinakasikat na gang sa school natin. Troublemakers”

        

Hindi na ako nagsalita nun pero sumama ang loob ko sa mga sinabi ng Junior girl na yun. Maya-maya ay lumabas na ang mga nasa loob ng Principal Office. Wala akong ibang nagawa kundi ang pagmasdan ang pag-alis nya.

Crying Angel (Short Story-Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon