Part 2 - Pinansin nya ako! Kyaaaaaahhhh!!!

1.2K 38 1
                                    

Part 2 – Pinansin nya ako! Kyaaaahhh!!

By: Princess Gold24

 

 

 

September 11, 1991 (Wednesday)

           

 “Hay naku...ang hirap ng quiz kanina noh?” ang reklamo ni Theresa. Ang naging best friend at seat mate ko sa buong campus. Sya lang kasi ang nakakaintindi sa ugali kong pagiging mahiyain.

             

Ngumiti lang ako. “Tama ka, buti nalang at may nasagutan din ako”

            

Nasa corridor kami nun nang biglang naglabasan ang mga estudyante dahil sa isang grupo ng mga Seniors na naglalakad sa gitna ng corridor. At nanguguna sa kanila ang crush ko. May mga dala-dala silang mga malalaking bakal sa kamay nila.

           

“Naku, lagot na. Malaking gulo na naman 'to” ang narinig kong wika ng isang sophomore na lalaki.

           

“Theresa, anong nangyayari?” ang tanong ko.

           

“Gang War siguro” ang kinikilig nyang wika. “Ang gwapo ni Senior Calvin noh?”

           

“Ha? Sinong Calvin?”

            

At dun ko lang napansin na nagtitilian din ang mga babaing nanduduon. At iisa lang ang naririnig kong pangalan. Calvin.

           

“Gosh, Anne, hindi mo sya kilala? Sya yang nasa unahan. Yung gwapo na maputi” ang sagot ni Theresa. “Kaya lang, never in history pa daw yan ngumiti”

            

Sa tagal na nandirito ako sa school na 'to ay ngayon ko lang nalaman ang pangalan nya. Nahihiya kasi akong magtanong sa iba dahil akala ko, ako lang ang nagkaka-crush sa kanya. Sikat pala sya sa campus.

            

Halos tumigil ang pag-ikot ng mundo para sa akin nang dumaan sya sa harapan namin ni Theresa. At bahagyang napatingin din sya sa akin kaya medyo namula ang pisngi ko. Lalo na nang magsalita ito ng...

      

     

“PINK” ang walang emosyon nyang parinig sa akin.

            

Mas lalo pang namula ang mga pisngi ko. At si Theresa na nun ang kinilig.

           

“WAAAHH!!! IKAW BA YUNG PINANSIN NYA?! ANG SWERTE MO NAMAN!!!” ang kinikilig nitong pagsisigaw.

      

     

Ano bang maswerte dun? Pinansin nga nya ako pero pang-aasar naman ang ginawa nya. Ang nasa isip ko nalang.

          

Pero kung si Theresa ay kinikilig, masasamang tingin naman ang pinukol sa akin ng mga sophomores na girls.

         

“Hmp, ba't sya pinansin ni Senior Calvin?” ang bulong pa ng isa sa mga yun.

Crying Angel (Short Story-Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon