Part 4 – Family Dinner with Calvin
By: Princess Gold24
October 14, 1991 (Monday)
Isang week ko narin hindi nakikita si Senior Calvin. Kumusta na kaya sya? Na-miss ko tuloy sya dahil wala na akong pinagmamasdan sa tuwing umaga.
Nung hapun na yun ay sumama ako kay Theresa magpunta sa University Avenue para mag-internet. Sira kasi ang computer ko sa bahay. Nagpaalam narin ako kay kuya at ang sagot nya lang. "Sige, mag-ingat ka. Baka bigla kang mag-thunderbolt sa daan. Kawawa naman si Theresa. Pika! Pika! Pikachu!"
Napailing nalang ako nang maalala yun. Pero sa isang bar pumasok si Theresa. Gimikera kasi. Kaya mag-isa nalang akong nagpunta sa isang internet cafe at hindi ko inaasahan na makikita ko dun si Senior Calvin at ang barkada nito. At ito pa, naka-uniform pa ang mga 'to.
Napangiti nalang ako. Kanina lang, hinahanap-hanap ko sya, tapos bigla ko nalang syang nakita.
Pumasok ako at sa tabi ng computer nya ako naupo. Pero hindi nya ata ako napansin dahil sa screen lang sya nakatutok at may headphone pa ang taynga nito.
Hanggang sa natapos na ako at lumabas sa Internet Cafe na yun. Medyo nadismaya ako dahil hindi man lang nya ako napansin.
Pero sa paglabas ko ay biglang bumuhos ang malakas na ulan. Hay naku naman, ba't ngayon ka pa bumuhos? Lagot ako nito sa bahay dahil baka hindi ako makauwi kaagad.
Buti nalang at nasisilungan din ang harapan ng Internet Cafe na yun.
Biglang bumukas ang sliding door ng Internet Cafe na yun at nabigla pa ako nang makitang si Senior Calvin pala ang lumabas. Tinignan lang nya ako sa walang emosyon nyang mga mata at nagsalita.
"Hoy gabi na. Ba't hindi ka parin umuuwi?" ang salubong-kilay nyang tanong.
Dun ko lang napansin na dumidilim na pala at napahalo pa dun ang madilim na langit kaya parang gabi narin. "A-Ah...eh...malakas ang ulan eh" ang sagot ko.
"Baka mamaya ay madapa ka na naman at mag-iiyak ka na naman dyan" ang walang emosyon nyang sabi.
Medyo naningkit ang mga mata ko dahil sa sinabi nya. Ba't ba halos lahat nalang ng mga lalaki ay mahilig mang-asar? Sa inis ko ay hindi ko na pinansin ang ulan at naglakad na patawid sa kalsada.
Pero bigla akong natigil nang may bumusena sa akin.
Beep! Beep! Beep!
At dun, pakiramdam ko ay tumigil sa pag-ikot ang mundo ko at naramdaman ko nalang na may humila sa kamay ko at dahil sa sobrang bilis ng pagkakahila sa akin ay nasayad ang paa ko at napayakap sa taong iyon. His scent filled my lungs at pakiramdam ko ay nalalasing ako.
"Sira ka ba o talagang tanga?! Ba't ka biglang tumawid at sa gitna pa talaga ng ulan?! Magpapakamatay ka ba?!" ang galit nyang sigaw sa akin. Nabasa narin sya ng ulan.
Doon na ako nagising at hinila nya ako pabalik sa may silong. Pareho na kaming nabasa ng ulan. Agad kong inalala ang nangyari sa akin kanina. Ba't ganun nalang ang sensasyong bumalot sa akin nang yakapin nya ako?
Dun na tumigil ang ulan.
"Uuwi na ako. Umuwi ka narin" ang walang emosyon nyang wika saka sya tumalikod at naglakad paalis.
Lilingunin ko na sana sya nang bigla kong maramdaman ang sakit ng paa ko. At dahil sa hindi ko inaasahan yun ay bigla akong natumba doon.
Agad naman syang napalingon nang marinig ang pagkakabagsak ko.
"Ano na naman ba ang nangyari sa'yo?" ang masungit nyang tanong.
Naiiyak akong napatingin sa kanya. "A-Ang paa ko...sumasakit"
Walang salitang lumapit sya sa akin at tinulungan akong patayuin at
paupuin sa naruruong bench. Inalis nya ang sapatos ko at minasahe yun. Napaiyak nalang ako sa sobrang sakit.
"Magiging maayos na 'to bukas pero sa ngayon, wag mo muna itong ilalakad" ang walang emosyong sabi nito saka napatingin na naman sa akin. Mukhang nainis ito nang makitang umiiyak na naman ako. "Iyakin ka talaga"
"Masakit eh..." ang sumisinghot-singhot ko pang sabi.
Napailing lang sya at umupo ng patalikod sa akin. "Sakay na. Hindi ka pwedeng maglakad ngayon"
Hindi naman ako nagdalawang isip na sumakay sa likod nya. At para akong kinikilig sa amoy ng pabango nya at sa mahigpit nyang pagkakahawak sa akin. Sa ganun kaming ayos na naglakad sa tabi ng kalsada at ang bawat madaanan namin ay napapatingin sa aming dalawa. Namumula pa ang pisngi ko sa tuwing may taong nag-aakala na lovers kami.
Nakayakap ako ng mahigpit sa kanya kaya hindi ko alintana ang lamig ng gabi at katatapos lang na ulan. Ang mahalaga lang sa akin ay ang makasama sya.
"Crying Angel" ang biglang sabi nito.
"Ha?"
"Ang sabi ko, simula sa araw na 'to, crying angel na ang tawag ko sa'yo" ang walang emosyon nyang wika.
"Ha? Bakit naman?"
"Kasi iyakin ka. At kahawig mo yung estatwang Angel sa bahay namin"
Natuwa ako sa sinabi nya. At sa sobrang tuwa at kilig, baka kahit 'tae' pa ang itawag nya sa akin ay matutuwa parin ako. Nangingiti nalang akong sumagot.
"Sige ba"
Don't you know that we both belong, baby?
Don't you know that we will last forever?
Don't you know that we both belong?
I knew it from the start...
We belong...
BINABASA MO ANG
Crying Angel (Short Story-Fin)
Novela JuvenilSimple lang ang buhay ni Rowena. Isa syang mabuting anak sa kanyang single mother at paboritong i-bully ng kanyang nag-iisang kuya. Pero nagbago ang lahat nang makilala nya si Calvin. Ang heartless gangster na senior nya sa high school. Read this fi...