Part 19 – Until we meet again
By: Princess Gold24
And on April 3, 2000, I married him pero unti-unti naring bumabagsak ang katawan nya. Pero pagkatapos ng kasal namin ay na-confined na sya sa hospital dahil mabilis ang progress ng sakit nya. Tuluyan ng lumala ang infection nya sa throat kaya hindi na sya nakakasalita ng mabuti at nahihirapan narin sya.
Palagi namang nakaalalay sa kanya ang family ko pati narin ang family nya. Kahit na hindi parin nawawala ang pagkasungit nya ay napapangiti ko rin naman sya minsan.
And his smile is the only thing I wanted dahil lumalakas ako kapag nakikita ko yun.
"S-Si Calvin..." ang umiiyak kong sambit sa doctor matapos ang check-up nito nung pagkatapos ng araw ng kasal namin. "Nakita mo sana doc...kung gaano sya kasaya....at si Calvin ang klase ng taong mahirap patawanin pero tumatawa sya habang ikinakasal kami...bakit? Bakit si Calvin pa? Bakit si Calvin pa ang tinamaan ng ganitong sakit...?" saka ako napahagulgol ng iyak.
Hanggang sa naging bed-ridden na sya at maraming ng tubo ang ikinabit sa katawan nya lalo na sa pagkain dahil hindi na sya nakakain ng mabuti...
Hindi ko matanggap. At hindi ko kayang tanggapin ang nangyayaring ito sa kanya. Mahal na mahal ko sya kahit na parati nya akong inaaway at pinag-susungitan...bakit sya pa? Bakit ang lalaking mahal ko pa ang tinamaan ng ganitong sakit? Bakit...?
August 19, 2000 (Saturday)
Ngayong araw ko nalaman na nagkaruon na sya ng bleeding sa brain at ang sabi ng doctor ay hindi narin magtatagal ang buhay nya. May oxygen na nakakabit sa kanya pati narin ibang aparatu.
Anytime...pwede syang mamatay...ang sabi pa ng doctor.
Tulala kong hinaplos ang buhok nya at dahan-dahan nyang iminulat ang mga mata
nya. Nabigla pa ako dahil akala ko ay tulog na sya.
"H-Hindi...n-na...a-ako...magtatagal....diba?" ang wika nya.
Hindi ko napigilang umiyak sa sinabi nya dahil iisipin ko palang na mawawala na sya sa akin ay parang gusto ko naring mawala.
"Calvin...wag kang magsalita ng ganyan..." ang lumuluha kong sambit.
Tinitigan nya ako at hinaplos ang mukha ko kahit na medyo nahihirapan na syang gumalaw. "G-Gusto...k-kong...m-magpa...sa...la...mat....sa'yo...C-Crying A-Angel..." saka sya huminga ng malalim. "...d-dahil...n-naging...masaya...a-ang b-buhay ko...nang...nang d-dahil sa'yo..."
Napahagulgol na ako ng iyak habang nasa kamay ko parin ang isang kamay nya.
"P-Pag...n-namatay...a-ako....g-gusto k-kong...mag-asawa...k-ka...u-uli..."
"Calvin...no...don't say that please? Wag kang magsalita ng ganyan..." ang humahagulgol ko ng sabi.
BINABASA MO ANG
Crying Angel (Short Story-Fin)
TeenfikceSimple lang ang buhay ni Rowena. Isa syang mabuting anak sa kanyang single mother at paboritong i-bully ng kanyang nag-iisang kuya. Pero nagbago ang lahat nang makilala nya si Calvin. Ang heartless gangster na senior nya sa high school. Read this fi...