Part 10 - The Gang War

797 32 0
                                    

Part 10 – The Gang War

By: Princess Gold24

 

 

March 6, 1992 (Friday)

       

Malapit na ang graduation kaya abala na ang mga Seniors sa pagpapa-practice sa pag-martsa.

       

Nagmamadali akong bumaba ng hagdan nun galing sa library. Ginanahan kasi akong magbasa ng mga aklat na nandun kaya hindi ko na namalayan na palubog na ang araw.

      

      

      

Lagot ako kay Kuya! ang takot kong bulong sa sarili. Nai-imagine ko na ang salubong nitong kilay sabay sabing 'Saan ka na naman nagpupunta Pikachu? Nag evolve ka naman ba sa daan?'

      

Madilim na ang daan papunta sa Parking Area ng school kaya mas minadalian ko pa ang paglalakad ko. Pero bigla akong napatigil sa paglalakad nang makita kong nandun si Calvin kasama nito ang gang nito. At nasa harapan nila ang taga-ibang school na sa tingin ko ay gang din.

     

“Matatalo na kita ngayon Calvin” ang nakangising sabi ng lider ng isang gang. “At pagbabayaran nyo rin ang pagbugbog sa myembro ko”

      

Itinaas lang ni Calvin ang hawak nyang bat ng baseball at ipinatong yun sa kanang balikat nya saka walang-emosyong nagsalita. “Ayokong sinasalubong ako kaya binabangga ko ang sinumang sumalubong sa akin”

     

“Tsk, presko ka parin hanggang ngayon. Pero sinasabi ko sayo na matitigil yan pagkatapos nito” ang nakangisi namang sagot ng isang lider.

     

Wag nilang sabihing mag-gang war sila dito ang kinakabahan kong nasabi sa sarili. Hindi ako kinakabahan para sa sarili ko pero kinakabahan ako para kay Calvin. Paano kung masaktan sya ng malubha?

     

“Wag kang magsalita ng patapos” ang sagot lang ni Calvin. “Kung mayabang ako, dahil may ipinagmamayabang ako. Ikaw? May maipagmamayabang ka ba?”

      

Doon na nawala ang ngiti ng isang lider. At galit na sumigaw sa mga myembro nya.

     

“Kayo!! SUMUGOD NA KAYO!!!”

      

At sa kauna-unahang beses sa buhay ko ay nakasaksi ako ng gang war. Brutal at walang patawad ang mga myembro ng bawat gang. Parang demonyong nakawala sa hawla si Calvin dahil napakalakas nya at hindi man lang sya nagagasgasan ng mga kalaban nya.

      

Pero...

      

Dumating na nga ang kinatatakutan ko dahil mula sa likod nya ay sumugod ang lider ng isang gang. Wala na akong ibang naisip nun kundi ang iligtas sya. Kaya tumakbo ako papunta sa kanya.

     

“Calvin!!!” ang naisigaw ko at nabigla pa sya nang makita ako pero huli na ang lahat dahil naramdaman ko na ang malakas na pagtama ng isang malaking bagay sa ulo ko.

     

Nanlaki ang mga mata nya sa nangyari at agad akong sinalo nang maramdaman kong para na akong mamamatay sa sobrang sakit. Nakita ko ang paghagis nya ng hawak nyang bakal sa lider ng isang gang at galit na nagsalita sa akin.

     

“Ganyan ka ba talaga katanga?!! Ba't ka nandito?!!!”

     

Pero hindi ko na naririnig ang mga sinasabi nya. Hinawakan ko nalang ang pisngi nya gamit ang duguan kong kamay. At mula dun, tuluyan na akong nawalan ng malay.

  >>>>>>>>>     

Nanghintatakutan na agad na binuhat ni Calvin si Anne. Ewan ba nya pero mamamatay ata sya sa sobrang pag-aalala dito. Hindi na nya alam kung paano pa sya nakaalis sa lugar na yun habang bitbit si Anne. Basta ang iniisip nya na lang ay hindi nya mapapatawad ang sarili nya pag may nangyaring masama dito.

         

Nagdurugo parin ang ulo nito at buti nalang at malapit sa school nila ang University Hospital. At habang tinatakbo ito sa emergency room ng mga nurse at doctor na sumalubong sa kanila ay hindi sya mapakaling napaupo sa nanduduong silya. Pag may nangyaring masama kay Anne, mapapatay siguro nya si Miguel. Ang nakatama dito ng bakal.

        

Kauna-unahang beses sa buhay nya ay natakot sya ng ganito katindi.

        

Tinawagan nya ang kapatid nito pati narin ang Mommy nito. At maya-maya ay nagsidatingan na ang mga ito at tulad ng inaasahan nya, galit na galit syang kinwelyuhan ng Kuya nito.

        

“Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo ha?!! Isinali mo pa ang kapatid ko sa mga kalokohan mo!! Ito ang tandaan mo, pag may nangyaring masama sa kapatid ko, ipapapulis kita!!” ang sigaw nito pero nanatili lang syang nakayuko. Ngayon nya lang nagawang yumuko sa ibang tao at hindi nya rin alam kung bakit sya ganun.

        

Agad naman itong inawat ng Mommy nito. “Carl! Stop it! Walang kasalanan si Calvin dito!”

       

“Sige Mommy! Kampihan nyo sya! Pero pag namatay si Anne, wag na wag nyong sasabihin na hindi ko na kayo binalaan sa pakikipaglapit nya sa gago na 'to!!” yun lang saka sya binitawan at galit itong lumapit sa emergency room.

        

Tinapik nalang sya sa balikat ng Mommy nito. “Magiging maayos din ang lahat hijo. Pagpasensyahan mo na ang anak ko dahil nag-aalala lang sya sa kapatid nya.” saka ito sumunod sa anak.

        

Naiwan naman syang nakatayo dun at hindi na nya namalayan ang pag-agos ng luha nya. Kasalanan nya ang lahat....

        

And for the first time in his life, he cried.

Crying Angel (Short Story-Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon