Part 14 – Jelly-jelly daw si Calvin oh.
By: Princess Gold24
June 23, 1994 (Thursday)
Nalaman kong sa isang private school pala nag-aaral si Rose at simula din nung araw na yun ay dalawa na kaming hinahatid ni kuya. At ang akala ko na magkakasundo sila ni Kuya ay mas naging mainit pa pala ang bangayan dahil inaaway din ito ni kuya. At masyado namang palaban si Rose.
Yun ang pinagkaiba naming magkambal. Tahimik at mahiyain ako samantalang daldalera at palaaway naman sya. Pati sa pananamit ay hindi rin kami magkasundo. Masyado syang revealing sa mga damit nya samantalang ini-'eeewww'-an naman nya ang mga damit kong palda at bestida. Gusto nya pang kulutin ang straight at mahaba kong buhok kaya wala din akong nagawa.
Kaya nung araw na yun ay pumasok ako sa school na kulot ang buhok ko at nahihiya pa ako dahil pinagtitinginan naman ako ng mga schoolmates ko. Lalo na nang makita ako ni Theresa at nalaman nyang may kambal ako.
“Diyos ko, ano ba?! MAGUGUNAW NA BA ANG MUNDO?!” ang naibulalas nalang nya.
At lalo na nang magkita kami ni Calvin. Nagbabasa sya ng dyaryo sa University Library nang lumapit ako sa kanya.
Napataas nalang sya ng kilay nang makita ang new hairstyle ko. “Saang pugad ka ba nanggaling at mukhang kinaraykay ng manok yang buhok mo?” ang walang-emosyon nyang sabi.
Sasagot na sana ako nang dugtungan nya pa ang sinabi nya.
“Siguro nakipagkita ka na naman sa boyfriend mo noh?” saka nito itinutok ang mga mata sa dyaryo.
“Ha?” ang nabigla kong sambit. Imposible din namang si Louie ang tinutukoy nya.
“Wag ka ng magkaila. Nakita kita kahapon na nakasakay sa bike kasama ang isang lalaki” ang sabi nya pa. “Gwapo din yung lalaki na yun ah. Mas gwapo pa ata sa akin. Maputi, matangos ang ilong, red lips”
“Teka, yung sarili mo lang naman ang nagiging description mo ah” ang nasagot ko. At saan ako kukuha ng boyfriend kung ikaw lang ang gusto ko?
Ibinaba nya ang dyaryong hawak nya. “Niloloko mo ba ako? Hindi ang sarili ko ang nakita kong kasakay mo sa bike kahapon”
Napangiti nalang ako. Baka si Rose Anne ang tinutukoy nya. Pero hindi muna ako umimik sa bagay na yun dahil pakiramdam ko talaga ay nagseselos ito.
“Ahm...” ang simula ko. “Boring talaga kahapon eh kaya nagpasama ako sa isang manliligaw ko na lumabas”
Nabigla ang lahat ng nandun lalo na ako nang ibagsak nya ang dyaryong hawak nya sa table. “Tapos na akong magbasa” ang walang emosyon nyang sabi saka parang inis na tumayo at umalis.
BINABASA MO ANG
Crying Angel (Short Story-Fin)
Teen FictionSimple lang ang buhay ni Rowena. Isa syang mabuting anak sa kanyang single mother at paboritong i-bully ng kanyang nag-iisang kuya. Pero nagbago ang lahat nang makilala nya si Calvin. Ang heartless gangster na senior nya sa high school. Read this fi...