Part 9 – The BEST FRESHMAN EVER!
By: Princess Gold24
January 13, 1991 (Monday)
May mahalagang anunsyo nun ang adviser namin nung umaga ng lunes na yun. Tahimik ang buong klase habang nakikinig sa sinasabi nya.
“ Tradition na ng school natin ang tinatawag na 'Senior's Month' na ginaganap para sa mga paalis ng estudyante ng school na 'to” ang sabi nito. “Ang Senior's Month ay para sa mga Seniors natin at ang ginagawa lang sa Month na to ay pumipili ang bawat Senior ng magiging Freshman-Servant nila. So, sa araw na 'to ay maaaring may sumundo sa inyo na isang Senior at pag sinundo kayo, ibig sabihin, kayo ang napili na maging servant ng Senior na yun”
Bulong-bulungan nun ang sumunod.
Nagpatuloy naman ang adviser namin. “At ang pinipili na maging servant ay nakakakuha ng mataas na grade sa Values Education base sa performance nyo sa Senior ninyo. Para mas maging malinaw, manggagaling ang grade nyo sa Values Ed. sa Senior nyo. Ang madalas na pinipili sa mga ganito ay ang mga freshman na magagaling sa sports at matatalino, pero depende parin yun sa Senior na pipili sa inyo”
Doon ko narinig ang bulong-bulongan ng mga classmates kong mga girls.
“Naku, sana ako ang piliin ni Senior Calvin!” si Lara.
“Hoy, wag ka ngang ambisyosa dyan, ako ang pipiliin ni Senior Calvin noh dahil magaling ako sa lahat” ang hirit naman ni Denise.
At nagpatuloy pa ang awayan na yun hanggang sa natapos na ang klase namin. Marami akong naririnig na gustong maging servant ni Senior Calvin.
Imposibleng mapili ako kasi hindi naman ako mahilig sa sports at isa pa, sinong magkakagustong magkaruon ng Servant na katulad ko na clumsy? Ang nasa isip ko.
Nagliligpit na ako ng gamit ko nun nang may marinig na naman ako.
“Hay naku, baka yang si Anne lang ang piliin ni Senior Calvin na maging servant nya. Palibhasa kasi, mangkukulam” saka sila nagtawanan. Pero hindi ko na sila pinansin dahil nasasanay narin ako na parating pinagbubulong-bulongan simula nung umugong ang isyu na naging kami ni Senior Calvin. Buti nalang at absent ngayon si Theresa kundi baka sinugod na nya ang mga yun.
Maya-maya ay bigla nalang kami nakarinig ng malakas na tilian ng mga babaing freshman sa labas.
“Oh my God!! Si Senior Calvin! Pumipili na sya!!!” ang tili ng isa kong classmate na babae. “At papunta sya sa section natin!!!”
Dahil dun ay nag-ubusan na ng pulbo ang ibang classmates kong girls. Samantalang nanatili lang akong nakatayo doon at hindi na pinansin yun dahil alam ko naman na hindi rin ako ang pipiliin ni Senior Calvin.
![](https://img.wattpad.com/cover/3126050-288-k877040.jpg)
BINABASA MO ANG
Crying Angel (Short Story-Fin)
Teen FictionSimple lang ang buhay ni Rowena. Isa syang mabuting anak sa kanyang single mother at paboritong i-bully ng kanyang nag-iisang kuya. Pero nagbago ang lahat nang makilala nya si Calvin. Ang heartless gangster na senior nya sa high school. Read this fi...