Part 5 - Ingat Ka.

923 33 0
                                    

Part 5 – Ingat Ka.

By: Princess Gold24          

 

 

 

Pagdating namin sa bahay ay sinalubong kami ng mga salubong na kilay ni Kuya. Lalo na ng makita nyang nakasakay ako sa likod ni Calvin.Bumaba ako sa likod nito at paika-ikang nagpatuloy hanggang sa pintuan. Buti nalang at nakaalalay sa akin si Calvin. Agad ding lumapit si Kuya na noon ay sinusuri parin si Calvin.

         

“Pikachu, ano na naman bang nangyari sa'yo ha? At para kang galing sa wrestling na paika-ika sa paglalakad?” ang tanong nito. “At sino 'tong lalaki na 'to? At bakit ka nakasakay sa likod nya kanina? Diba rule number one ay---

         

“Nadulas kasi ako kanina sa daanan Kuya” ang sabat ko na bago pa dumami ang tanong nito. Hanggang sa naabot na namin ang bahay. Hindi parin humuhupa ang tensyon sa kuya ko habang nakatitig parin ng masama kay Calvin.

         

Natuwa naman ang Mommy ko nang malamang hinatid at tinulungan ako ni Calvin. Kaya sa amin na pinakain ni Mommy ng dinner si Calvin. Kung ang Mommy ko ay natutuwa kay Calvin, si Kuya naman...

        

“Ano ka ba talaga ng kapatid ko?” ang seryoso nyang tanong habang kumakain parin kami.

        

Nasa harapan nya si Calvin samantalang sa tabi naman nya ako. Si Mommy ay nasa dulo nakaupo at natutuwang ini-interview si Calvin. Magalang naman na sumasagot ito kaya lang, tipid din.

        

Si Mommy na ang sumagot sa tanong ni kuya. “Carl, wag mo namang pag-isipan ng masama ang ginawang pagtulong ni Calvin kay Anne. Dapat pa nga ay matuwa ka dahil may naging close ng Senior ang kapatid mo”

        

“Aba, hindi pwede yun Mommy. Paano nyo nasasabi yan? Saan kayo makakakita ng matinong babaing nakasakay sa likod ng isang lalaki!” ang inis parin nitong sabi.

         

Pero hindi na yun pinansin ni Mommy. “O, Calvin ha. Wag kang mahihiya, kumain ka ng maayos” saka nilagyan pa ng ulam ang plato nito.

        

“Salamat po” ang walang emosyon nitong sagot.

         

Samantalang, umuusok na ang taynga ni kuya. “Ba't ba parang wala ng nakikinig sa akin? Pikachu, pag naulit uli ito---”

         

“Senior Calvin, tikman mo itong adobo ni Mommy. Masarap yan” ang sabi ko at parang walang narinig na nilagyan ang plato ni Calvin.

         

“Hoy, makinig naman kayo sa akin. Mommy, hindi tamang makipagkaibigan sa lalaki si Pikachu---”

         

“Kuya, kanin mo, tumatalsik” ang paisnab kong sabi dito.

         

“Aba, ikaw Pikachu ka ha! Sumusobra ka na! Paano mo nasasabihan ng ganyan ang kuya mo?!” saka nito inagaw ang ulam ko. Naiiyak naman akong inagaw uli iyon. Tumawa lang si Mommy samantalang hindi ko napansin na kanina pa pala nakatingin sa amin si Calvin.

  >>>>>>>>>>>>        

Nang makapagpahinga na si Calvin ay inihatid ko na 'to hanggang sa labas ng gate. Hindi pa sana papayag si kuya pero ginuyod na 'to ni Mommy para tumulong sa paghugas ng plato. Ganito kasi sa amin. Kahit na may dalawa kaming katulong ay hindi parin dumedepende sa mga yun si Mommy. Dapat daw ay matuto kami sa gawaing-bahay.

          

“Masyadong protective ang kuya mo” ang walang emosyon nyang sabi nang makalabas na kami.

          

Ngumiti lang ako. “Tama ka...nakakahiya tuloy sa inyo. Pinagsusungitan ka pa po nya”

          

“Tama lang ang ginagawa nya dahil kung ako ang may kapatid na kasing iyakin at tanga mo, magiging protective din ako” ang sabi pa nya na hindi ko alam kung nang-aasar ba 'to dahil walang emosyon sya kung magsalita.

           

Pero ewan ko ba, basta sya ang nagsabi, wala na akong pakialam kung nilalait nya akoo inaasar. Gusto ko lang ay ang kinakausap parin nya ako. Sino bang mag-aakala na si Senior Calvin na kinababaliwan ng halos lahat ng babae sa school ay nasa harapan ngayon ng '13-year-old-nobody-girl'. At binubuhat pa nya ang girl na yun?

          

Pag nalaman ni Theresa ang mga ito ay magpapatayo siguro 'to ng monumento namin ni Calvin sa school.

          

“Nasaan ba ang Daddy mo?” ang tanong nya.

           

Bahagya akong natigilan nun pero pinilit ko paring ngumiti. “Iniwan na nya kami nung bata palang ako”

         

“Ganun ba?” ang walang emosyon nyang sabi saka huminga ng malalim. “Masaya ang pamilya nyo kaya alagaan mo nalang”

          

Tumango ako.

        

“Sige, alis na ako crying angel” yun lang saka tumalikod ito.

        

“Ingat ka!” ang nakangiti kong pahabol.

         

Napatigil sya sa paglalakad. Pero maya-maya ay lumingon lang sya saka tumalikod uli at tuluyan ng umalis. Hindi ko rin alam kung ba't sya natigilan sa huling sinabi ko. Ano bang mali sa word na 'ingat ka'?

Crying Angel (Short Story-Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon