Part 17 – Mr. Francisco and Ms. Guzman
By: Princess Gold24
Tanggap sya ng family ko kaya mas lalo syang naging close sa kanila. Minsan nga ay pinagtutulungan pa nila akong awayin ni Kuya at talagang magkasundo na sila ngayon. Samantalang magkakampi naman kami ni Rose pagdating sa bangayan naming apat at medyo natututo narin akong maging astig ng dahil sa kanya.
Lumipas ang mga panahon hanggang sa naka-graduate na sya sa college at doon ko lang nalaman na magkasundo na sila ng family nya dahil pinagsabihan ko sya tungkol sa bagay na yun. At kasama namin ang family nila sa graduation party nyang ginanap sa malaking mansyon nila kaya mas naging close ang mga families namin.
At lumipas pa ang panahon ay naka-graduate narin ako sa college at nakapagtrabaho bilang isang teacher sa College sa University samantalang nagtrabaho naman sya as President sa Company nila. Naging mabuti naman ang pagsasama namin kaya lang ay hindi parin naalis sa kanya ang pagiging masungit at pagkasuplado.
March 14, 2000 (Tuesday)
Nagsimula na ang summer class sa University na pinagtatrabahuan ko nung week na yun kaya masyado ng busy. Maya-maya ay tumunog ang cellphone ko pagkatapos ng first na klase ko kaya sinagot ko yun.
“Hello?”
“Crying Angel, labas tayo. Nandito ako sa labas ng department nyo. Dapat 5 minutes ay nandito ka na. Lagot ka sa akin pag na-late ka” yun lang saka nya ibinaba ang cellphone nya.
Napailing nalang ako. Okay. Hindi parin talaga sya nagbabago.
Dali-dali ko ng tinakbo ang daan papunta sa labas at halos pagtinginan na ako ng mga nakakasalubong kong estudyante at katulad kong teacher.
At nang makarating ako sa labas ay nadatnan ko syang nakasandig sa harapan ng kotse nya.
“Late ka ng three seconds” ang walang emosyon nyang sabi.
Medyo maputla sya pero hindi ko na pinansin yun.
Nagsalubong ang kilay ko nun habang pasakay na sa kotse nya. “Ba't ba napaka-rude mo sa akin ha?! Mr. Francisco, I'm your girlfriend for your information and not your servant”
Pinaandar
nalang nya ang makina at parang walang narinig na nagmaneho.
“Mr. Francisco, are you listening to me?!” ang sigaw ko. I'm so mad.
“Ms. Guzman, pwede bang maupo ka nalang dyan at hindi yung sisirain mo ang eardrums ko?”
BINABASA MO ANG
Crying Angel (Short Story-Fin)
Fiksi RemajaSimple lang ang buhay ni Rowena. Isa syang mabuting anak sa kanyang single mother at paboritong i-bully ng kanyang nag-iisang kuya. Pero nagbago ang lahat nang makilala nya si Calvin. Ang heartless gangster na senior nya sa high school. Read this fi...