Part 18 – I can’t accept it
By: Princess Gold24
March 17, 2000(Friday)
Kahit na galit parin ako sa kanya ay hindi ko parin sya natiis nung umagang iyon nang makita ko syang nakabantay sa labas. Halos dalawang araw ko narin syang iniiwasan and I missed him so badly.
Pero matamlay at maputlang Calvin ang natagpuan ko sa harapan ng department namin. “Crying Angel” ang tawag nya sa akin.
Lumapit nalang ako sa kanya at nakalimutan ko ang galit na kinikimkim ko dito. “Calvin, kumakain ka ba ng mabuti?”
Nagsalubong ang kilay nito. “Oo naman”
“Pero ba't ang putla at ang tamlay mo”
“Matapos mo akong iwasan ng dalawang araw, may gana ka pang magtanong?” ang pagsusungit nya.
Sasagutin ko pa sana sya uli nang makita ko ang paglabas ng dugo sa ilong nya.
“Oh God!” ang naibulalas ko saka dali-daling naglabas ng panyo at pinunasan yun. “Are you really okay?”
“Ayos lang ako” saka nito kinuha ang panyo sa kamay ko at sya nalang ang naglagay nun sa ilong nya.
Nagtaka naman ako dahil hindi naman mainit ang panahon.
“Ito yung panyo ko noon ah” ang sabi nito.
Namula nalang ang pisngi nya. Nilingon naman nya ako.
“Ah...eh...yan yung kauna-unahang panyong ibinigay mo sa akin noong high school palang tayo” ang nasabi ko nalang.
Magsasalita pa sana sya nang bigla syang napahawak sa kotse. Agad ko naman syang sinaklolohan.
“Sinasabi ko na nga ba, may sakit ka tapos pumunta ka pa talaga dito!” ang galit kong sabi habang inaalalayan syang makapasok sa kotse. Pagkatapos nun ay sumakay na ako sa driver seat at ako na ang nagmaneho papunta sa bahay nila.
At nang makarating kami sa bahay nila ay inaapoy pala sya ng lagnat kaya inideretso ko nalang sya sa hospital. At matapos syang ma-check ay kinausap ko na ang doctor.
“Kumusta na po ang lagnat nya?” ang tanong ko.
Napatingin sa akin ang doctor. “Ikaw ba ang girlfriend nya?”
“Opo...”
“Maupo ka” ang sabi nya sa akin.
BINABASA MO ANG
Crying Angel (Short Story-Fin)
Fiksi RemajaSimple lang ang buhay ni Rowena. Isa syang mabuting anak sa kanyang single mother at paboritong i-bully ng kanyang nag-iisang kuya. Pero nagbago ang lahat nang makilala nya si Calvin. Ang heartless gangster na senior nya sa high school. Read this fi...