Part 13 - The new people in my life: Louie and Rose Anne

945 22 0
                                    

Part 13- The new people in my life: Louie and Rose Anne

By: Princess Gold24

 

 

June 21, 1994 (Tuesday)

         

Fourth year na ako at Third year College na sya.

         

Ngayong araw ay isinama ako ni Theresa sa isang bar kahit na ayaw ko. Ang sabi nya ay sandali lang sya kaya sumama nalang ako pero mag-aalas-otso na ng gabi ay ayaw parin nyang umuwi. Natatakot naman akong umuwi ng mag-isa dahil madilim na.

        

Nagsasayaw parin sya sa gitna ng disco habang maingay parin ang music nang lapitan ko na sya.

         

“Theresa! Uwi na tayo!” ang sigaw ko para lang magkarinigan kami.

         

“Maya na! Upo ka muna dun sa counter!” ang sigaw nya pabalik.

         

Wala naman akong ibang nagawa kundi ang maupo sa counter ng mga alak. First time kong makapunta sa ganung lugar kaya medyo naiilang ako. Nabigla pa ako nang may isang gwapong lalaki ang lumapit sa akin at sa tingin ko ay halos kaedad lang 'to ni Calvin.

         

“Hi” ang nakangiti nyang bati saka tumabi ng upo sa akin.

          

Ngumiti nalang ako kahit na nahihiya ako. “Hi din...” ang sagot ko.

         

“Why don't you join the others? At ngayon lang kita nakita dito” ang sabi nya. Mabait at maamo ang gwapong mukha nya at kahawig nya ang artistang si Rostum Padilla. Pero syempre, kahit kahawig nya pa si Brad Pitt ay wala parin akong pakialam dahil mas gwapo parin para sa akin ang Calvin ko.

        

“Ah...eh...first time kong pumasok sa ganitong klaseng lugar” ang sagot ko.

         

Tumawa lang sya. “Oo nga...at mukhang hindi ka masyadong sanay dito. Kanina ko pa napapansin na kanina mo pa kinukulit si Theresa”

         

Ngumiti nalang ako.

        

“By the way, I'm Louie. At ang kuya ko ang may-ari ng bar na 'to kaya you can come here anytime you want” ang sabi nya saka inilahad ang palad nya.

         

Nahihiya naman akong tinanggap yun. “Salamat pero ito na siguro ang huling pagpunta ko dito. Rowena Anne ang name ko but you can call me Anne for short”

        

Nabigla pa ako nang halikan nya ang kamay ko bago nya ibinaba yun.

       

“Pleasure to meet you Anne” ang nakangiti nyang wika.

        

Ngumiti nalang ako para maitago ang kaba sa ginawa nya. Nakita kong nag-senyas ito sa waiter na nanduduon at agad naman naglabas yun ng isang mamahaling alak na hindi ko na nakita kung ano ang pangalan.

Crying Angel (Short Story-Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon