Part 6 – Special Place
By: Princess Gold24
October 15, 1991 (Tuesday)
Naging maayos na ang paglalakad ko nung umagang iyon. At hindi lang ang paglalakad ko ang naging maayos kundi ang pakiramdam ko. Feeling ko kasi...para akong inililipad ng hangin dahil sa nangyari kahapon. Matagal kong nakasama si Senior Calvin.
Habang naglalakad ako sa corridor ay bigla nalang akong may nabanggang isang bagay dahil hindi ko na tinitignan ang dinadaanan ko. Naihagis ko nalang pataas ang mga aklat na hawak ko at natumba sa kinatatayuan ko
kanina.
“Ba't ba sa tuwing nagkikita nalang tayo ay nadidisgrasya ka?”
Ang sabi ng walang emosyong boses na yun. At nang itaas ko ang mukha ko ay biglang namula na naman ang magkabila kong pisngi. Si Senior Calvin! Iniisip ko palang sya ay nandito na sya kaagad sa harapan ko.
Kinuha nalang nya ang dalawang kamay ko at tinulungan akong makatayo.
“S-Sorry p-po...” saka ko dali-daling pinulot ang mga nagkalat kong aklat. Tinignan nya lang ako. “S-sige...mauuna na ako”
Saka ako nagsimulang maglakad pero tinawag nya ako.
“Hoy Crying Angel”
Lumingon naman ako. “B-Bakit?”
“Gusto mo bang sumama sa akin? May pupuntahan ako ngayon”
Nabigla ako at inaamin ko na kinilig ako.
“Pero...may klase kasi ako ngayon eh...” ang sagot ko.
Huminga lang sya ng malalim at nagsalita. “Sige, wag nalang”
Pero agad din akong napaisip. Ano ka ba naman Anne? Minsan mo lang sya nakakasama. Palalampasin mo pa ba ang oppotunity?
Aalis na sana sya nang tawagin ko sya. “Sandali, sasama ako”
Napatingin nalang sya sa akin.
>>>>>>>>>>>>>
Napanganga nalang ako dahil sa ganda ng view doon. Mahangin at talagang tanaw mo ang malawak na dagat. Sa tuktok ng isang napakalaking bato nya ako dinala at napakaganda doon.
“Ang ganda!” ang hindi ko mapigilang naibulalas.
BINABASA MO ANG
Crying Angel (Short Story-Fin)
Подростковая литератураSimple lang ang buhay ni Rowena. Isa syang mabuting anak sa kanyang single mother at paboritong i-bully ng kanyang nag-iisang kuya. Pero nagbago ang lahat nang makilala nya si Calvin. Ang heartless gangster na senior nya sa high school. Read this fi...