Part 11 – It’s all my fault
By: Princess Gold24
March 16, 1992 (Monday)
Hindi rin ako nagka-internal bleeding dahil sa nangyari. Pero kinailangan ko paring mag-stay sa hospital for one week. At sa one week na yun, hindi ko nakita si Calvin. Sinasabihan narin ako ni Kuya na wag ng makikipaglapit kay Calvin. Pero kahit anong gawin nya, hindi nya ako mailalayo sa lalaking mahal ko.
Nung lunes na yun ay pumasok na ako sa school. May konting benda nalang sa noo ko at wala ng problema. Pero sa tingin ko, sa pagpasok ko palang ng gate ay magsisimula palang ang problema ko. Pinagtitinginan ako at alam ko na ang dahilan. Nalaman na siguro nila ang tungkol sa nangyari.
At nabigla pa ako sa ibinalita sa akin ni Theresa nang makapasok na ako sa classroom. “Nagpunta dito ang kuya mo last week at isinumbong ang nangyari. Kaya na-suspended ng one week si Senior Calvin plus hindi na ito makaka-martsa sa graduation”
Nagalit ako kay Kuya sa nalaman ko at promise, pagagalitan ko 'to. Hindi pwedeng hindi maka-martsa sa graduation si Calvin! Minsan lang mararanasan ng tao ang mag-martsa sa graduation!
Na-realize ko din na galit sa akin ang halos lahat dahil sa nangyari. Lalo na ang isang babaing alam kong nagmamahal din ng totoo kay Calvin...
Itinulak ako ni Leila sa pader nung tanghaling iyon at umiiyak na sumigaw sa akin.
“Simula nung dumating ka sa buhay ni Calvin, tuluyan na syang nasira!! Kung hindi dahil sa'yo, makaka-martsa pa sya!!”
Pero hindi ako umimik. Tatanggapin ko ngayon ang lahat ng sasabihin nya. I deserve it.
Nag-umpukan ang lahat nun sa paligid namin at sinaksihan ang nangyayari.
“Alam mo ba kung gaano kahalaga para kay Calvin ang makapag-martsa sa graduation ha?!!” ang umiiyak nyang pagpapatuloy. “Bago namatay ang Mama nya, nangako sya na makakapagsuot sya ng toga sa graduation at makakahawak ng diploma!! Pero sinira mo yun!!”
Napatingin ako sa kanya at hindi makapaniwala sa narinig ko. Ngayon ko lang nalaman ang bagay na yun. “H-Hindi ko a-alam ang bagay na yun...” ang napapatulala kong sambit.
“Dahil wala ka ngang alam!!” ang sigaw pa nito. “Alam mo ba kung bakit hindi man lang sya marunong ngumiti ha?! Dahil nawala sa kanya ang Mama nya!! Nawala sa kanya ang lahat pagkatapos nun maliban sa pangakog binitiwan nya dito!! Pero pati yun ay nawala narin dahil sa ginawa mo!! Sana hindi mo nalang pinapunta dito ang kapatid mo!! Makasarili ka!! Wala kang pakialam sa mararamdaman ni Calvin!!!”
Hindi ko napigilan ang pagbuhos ng luha ko. Ngayon naiintindihan ko na...pero bakit kailangan pang mangyari ang lahat na 'to...? Kasalanan ko kung bakit hindi sya makakamartsa...kasalanan ko...
BINABASA MO ANG
Crying Angel (Short Story-Fin)
Teen FictionSimple lang ang buhay ni Rowena. Isa syang mabuting anak sa kanyang single mother at paboritong i-bully ng kanyang nag-iisang kuya. Pero nagbago ang lahat nang makilala nya si Calvin. Ang heartless gangster na senior nya sa high school. Read this fi...