Part 16 - Can you be my ----

758 30 2
                                    

Part 16 – Can you be my ----

By: Princess Gold24 

 

July 5, 1994 (Tuesday)

Si Rose ang agad na nakapansin na matamlay ako nung umagang iyon. At habang magkakasalo kami sa hapag-kainan at inaasar parin kami ni Kuya, ay wala akong gana kaya sila nalang ang nagbabangayan. Samantalang sina Mommy at Daddy naman ay masayang nag-uusap sa ibang topic.

       

Pagbaba ko ng kotse ni Kuya nang ihatid na nila ako ay dumungaw muna sa bintana si Rose at nagsalita. “Sis, tumawag kagabi si Calvin at sabi nya, mag-usap daw kayo ngayon sa secret place nyo” saka it kumindat.

       

“Wag ka na ngang maingay dyan ugly duckling” ang pang-aasar ni Kuya.

       

“Heh! Kaysa naman sa mukhang tutubi na katulad mo!” ang sabat naman ni Rose.

       

“O sya Pikachu, mauna na kami. At yung Rule number 1 ko, pwede mo ng wag sundin yun” ang nakangiting sabi nito.

          

“Ha?” ang nasambit ko.

           

Pero tuluyan na silang umalis.

           

Nagtataka man ay pumasok nalang ako sa gate. Pero si Louie kaagad ang nakasalubong ko. Ngumiti nalang ako sa kanya.

     

     

“Hi” ang nakangiti nyang bati.

          

“Hi din...”

          

“Pwede ba tayong mag-usap? Kahit sandali lang?”

           

Nabigla ako. “Bakit?”

         

“Basta, sandali lang” saka nya hinila ang kamay ko. Hindi nalang ako nagpumiglas nun.

       

    

At sa rooftop ng building nya ako nun dinala. Napangiti nalang ako nang makita kong nakangiti nyang sinasalubong ang mahinang ihip ng hangin. Napaka-angelic ng mukha nya at kung hindi lang siguro sa in-love na ako kay Calvin ay baka si Louie na ang minahal ko.

           

Nung mga huling araw ay parati kaming nagkikita at mas lalo ko syang nakikilala. Mabait, responsible at sabi pa ni Rose noon ay 'Kahit batukan ko siguro yang lalaki na yan, ay ngingitian parin nya ako'. Weird din sya minsan at na-realize kong 'total-opposite' sya ni Calvin.

          

“Ano kaya ang pakiramdam na maging hangin?” ang maya-maya ay sabi nito. At lumalabas na naman ang ka-weirduhan nya.

           

Ngumiti nalang ako. “Masarap siguro kasi nakakapunta ka kahit saan mo gusto” ang sagot ko. At trabaho ko namang sakyan ang ka-weirduhan nya.

          

Tumawa lang sya. “Pero kung naging hangin ako, hindi na kita nakilala”

Crying Angel (Short Story-Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon