Part 15 - Nagseselos ako! DAMN IT!

746 29 1
                                    

Part 15 – Nagseselos ako! DAMN IT!

By: Princess Gold24

 

 

July 4, 1994 (Monday)

Nabigla pa ako nang bago ako pumasok sa classroom noong umaga na yun ay nakasalubong ko ang nakangiting si Louie.

       

“Why are you here?” ang nakangiti kong salubong sa kanya.

       

“Wala lang, gusto lang kitang bisitahin” ang nakangiti din nyang sagot.

       

“Pero diba, may klase ka?”

        

Ngumiti lang 'to. “I just wanted to see you”

      

“Crying Angel” ang tawag ng isang boses na yun mula sa likod ko.

       

Lumingon naman ako at ang walang-emosyong mukha na yun ang sumalubong sa paningin ko. Pero nang makita nito ang nakangiting si Louie na kaharap ko ay nagsalubong ang kilay nito.

     

“Sino na naman yang kausap mo?” ang masungit nitong tanong.

     

“Ah...ano bang ginagawa mo dito sa high school department?” ang pag-iiba ko ng usapan.

     

“Wag mo akong sagutin ng tanong” ang sabi pa nito habang nakatitig parin ng masama kay Louie na noon ay nanatili lang na nakangiti.

      

Ngumiti nalang ako. “Ah...hahaha...si Louie nga pala, kaibigan ko” saka nilingon naman si Louie. “At Louie sya nga pala si Calvin---”

      

“Boyfriend nya” ang dugtong ni Calvin sa sinabi ko saka ako inakbayan.

       

Natanggal ang ngiti ni Louie sa sinabi nito. Napatingin naman ako kay Calvin.

      

“Ano ba yang pinagsasabi mo?” ang taka kong tanong. “Hindi mo ako girlfriend ah”

      

“Pwes ngayon, boyfriend mo na ako” ang matigas nitong sagot.

      

“Ha?” ang taka ko paring sambit. “Nagbibiro ka ba?---”

       

“Kung liligawan mo si Rowena, wag mo ng ituloy dahil may boyfriend na sya” ang pagsusungit parin nito kay Louie.

        

Ngumiti lang uli si Louie. “Ganun ba? Kung ganun, pwede ba akong makipag-kaibigan sa kanya?”

       

“Hindi” ang sagot nito. “Pinagbabawalan ko ang girlfriend ko na makipagkaibigan sa mga lalaki”

        

“Teka---” ang sabat ko pero...

        

“May klase ka pa diba?” ang tanong nito kay Louie. “Baka ma-late ka”

         

Ngumiti nalang si Louie. “Sige Anne, mauna na ako” ang paalam nito sa akin saka umalis.

         

“Teka, san---” pero tinakpan kaagad ni Calvin ang bibig ko.

          

At nang tuluyan na itong makaalis ay binitiwan na ako ni Calvin at galit na umalis din papunta sa ibang direksyon. Galit ko din syang sinundan at sinigawan.

          

“Ano bang problema mo ha?! Ba't ganun ka kay Louie?! Nakikipag-kaibigan lang naman yung tao ah tapos binastos mo pa!” ang sigaw ko at pinagtitinginan na kaming dalawa ng mga nadadaanan namin.

          

Pero galit na galit na ako na hindi ko na naisip ang pagkamahiyain ko.

          

Hindi ito sumagot.

         

“Hoy Calvin! Sagutin mo nga ako!” ang sigaw ko. “Nagsinungaling ka pa na boyfriend kita!! Eh ni hindi ka pa nga nanliligaw sa akin ah! At ano naman sa iyo ngayon kung nakikipagkaibigan lang yung tao?!”

        

Pero hindi parin nya ako nilingon. Hanggang sa naabot na namin ang School Field

pero hindi parin nya ako nililingon.

       

“Calvin talk to me!!!” ang galit na galit ko ng sigaw.

        

Doon nya ako nilingon at galit na galit din syang sumigaw. “O sige! Gusto mong malaman kung ba't ako nagkakaganito?! Rowena, NAGSESELOS AKO! Damn it!!”

        

Natigilan ako sa sinabi nya. At napatulala ako sa galit nyang mukha.

       

“Nagseselos ako sa mga ibang lalaking nakikita kong kasama mo!! At lalo na sa Louie na yun dahil alam kong interesado sya sa'yo!!” ang galit parin nyang sigaw. “Ayokong aminin 'to sa'yo pero nagiging gago na ako sa sobrang sakit sa tuwing nakikita kitang kasama ang lalaking iyon!!”

         

Kahit na shocked ako sa narinig ko ay nagsalita parin ako. “P-Pero...hindi mo ako pagmamay-ari Calvin...”

         

Tumalikod ito sa akin saka sumagot. “Diba sinabi ko naman sa'yo na gusto kita”

         

“Eh ano naman ngayon kung gusto mo ako at gusto rin kita? Wala parin diba? Kaya wala ka paring karapatan sa akin!” yun lang at patakbo na akong umalis.

Crying Angel (Short Story-Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon