Part 7- Girlfriend nya daw ako... >////<

888 34 1
                                    

Part 7 – Girlfriend nya daw ako… >////<

By: Princess Gold24

 

 

December 11, 1991(Wednesday)

May ginanap na Christmas Party sa school namin noon. Sa umaga ay napagod ako dahil sa dami ng laro na sinalihan ko. Kaya sa gabi ng socialization ay pagod akong napasandal sa inuupuan ko.

Habang si Theresa na talagang ipinanganak na gimikera ay nasa gitna ng dance floor at nagdi-disco.

           

Maya-maya ay naging malambot na ang tugtugin kaya mas lalong nagpadagdag yun sa antok na nararamdaman ko. Pero bigla akong nagising nang may biglang humila sa kamay ko at halos paguyod akong dinala sa gitna ng dance floor.

          

Napataas nalang ako ng mukha nun at bigla kong naramdaman ang pamumula ng magkabila kong pisngi. Totoo ba 'to na si Calvin ang humila sa akin o nananaginip lang ako?

         

“Umayos ka” ang walang emosyon nyang bulong saka hinawakan ang kamay ko at pinatong yun sa balikat nya.

          

At pakiramdam ko nung mga oras na yun ay tumigil na sa pag-ikot ang mundo ko habang nakatitig sa gwapo at walang emosyon nyang mukha. Bumibilis ang tibok ng puso ko na halos hindi na ako makahinga. Umiibig na ba ako? Ganito ba ang pakiramdam ng umiibig?

(Heaven by your side by A1)

And suddenly,

Our destiny has started to unfold

When you're next to me

I can see the greatest story

Love has ever touch...

 

Now my life was blessed with a love of an angel

How can it be true?

Somebody to keep the dream alive

The dream I found in you

I always thought that love would be the strangest thing to me

But when we touched, I realize,

That I found my place in heaven by your side...

 

                

At habang pinapakinggan ko ang kantang yun ay mas bumibilis ang tibok ng puso ko. Sa sobrang tuwa ko ay hindi ko na namalayan na umiiyak na naman ako.

                

Naiiling nalang nyang pinahid ang mga luha ko. “Kailan ka kaya titigil sa pagiging iyakin?” ang walang emosyon nyang tanong. “Crying angel.”

December 12, 1991 (Thursday)

 

Pagpasok ko palang ng gate ay napatingin na sa akin ang mga ka-schoolmates ko na nanduduon. At dahil pinanganak akong mahiyain ay hindi ako nasanay sa bagay na yun kaya nailang parin ako. Ba't kaya sila nakatingin sa akin? May dumi ba ang mukha ko?

              

Hindi ko nalang pinansin yun at nagpatuloy sa pagpasok sa building. Pero kung sino man ang makasalubong ko ay napapatingin nalang sa akin. Ang iba naman ay nakangiti akong kinukumusta sa kamay at sabay sabing 'Congratulations'. Ano ba talagang nangyayari?Nanalo ba ako kahapon sa contest?

              

Pati sa mga classrooms na dinadaanan ko ay napapatingin nalang silang lahat sa akin. Hanggang sa pagpasok ko sa classroom namin ay natahimik naman sila nang dumating ako at pinukol sa akin ang mga tingin nila.

              

Hindi ko na sila pinansin at nagpunta nalang sa upuan ko at inilagay ang bag ko dun. Bumalik naman ang ingay ng classroom at alam ko na ang karamihan sa kanila ay ako ang pinag-uusapan. Wala pa si Theresa kaya lumabas nalang ako. Pero sa paglabas ko ay ito rin ang nadatnan ko.

             

“Congratulations!!!” ang masaya nyang sigaw na hinaluhan nya pa ng turutot.

             

“Ha? Pati ba naman ikaw? Ano ba talagang nangyayari?” ang naguguluhan ko paring sabi.

             

“Hay naku, wag ka na dyan girl noh. Kayo na ni Senior Calvin noh?” ang nakangiti nyang sabi.

             

“HA?!” ang reaksyon ko. “At paano naman magiging kami ni Senior Calvin?”

              

Napaikot nalang 'to ng mga mata. “Girl, aminin mo na kasi. Atsaka, sabi nila, for the first time in his four years history here in high school, may sinayaw syang babae sa isang party kaya ano bang iisipin namin? Eh di kayo na!”

             

Maya-maya ay napatingin na naman ang dumaan sa amin na mga co-freshmen din namin.

            

“I don't like it” ang nasabi ko lang.

            

“Ha?! You don't like Senior Calvin to be your boyfriend?! Naku girl, wag mo ng pakawalan yan dahil magpapa-pyista ang halos lahat ng girls dito at sinasabi ko sa'yo, pagsisisihan mo yan! Wag mo syang i-break!”

            

Nilingon ko sya. “Theresa, panu ko naman sya ibibi-break, eh hindi naman talaga kami. Ikaw ha, sumasali ka na sa mga tsismosa na yan”

            

Napanganga nalang sya at dismayang nagsalita. “WHAT? Hindi kayo? So chismis lang talaga yun?”

           

“Oo, chismis lang yun. Naniwala ka rin kasi”

           

“Ano?! Eh ang sweet-sweet nyo nga kagabi eh! Nakayakap sya sa'yo...” saka sya tumingin sa itaas habang parang nag-iimagine na nagningning ang mga mata nya. “Tapos...hinawakan nya ang mukha mo...at...nakatitig sya sa'yo...at ako na best friend mo ay teary-eyed na nakatingin sa inyo with lines pa na 'I'm happy for you my best friend' tapos....”nilingon ako. “HINDI RIN PALA TALAGA KAYO?! PINRAKTIS KO PA NAMAN ANG SPEECH KO SA DRAMA NG BUHAY MO!”

           

Napakamot nalang ako ng sentido. “Hindi talaga kami. Kaibigan nya lang talaga ako”

          

“Hmp, ano ba yan. Pero in fairness ha, bagay kayo.”

          

“Ha? Bagay kami?”

          

“OO GAGA! Alam mo ba na maraming naiinggit sa'yo kagabi?! At ang tawag nila sa iyo ngayon ay 'The Princess of Prince Calvin'”

           

Napangiti lang ako nun ng lihim. Dahil kahit chismis lang ang lahat ng yun, pakiramdam ko, lumulutang parin ako sa sobrang saya.

Crying Angel (Short Story-Fin)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon