Chapter 1 - Envious

5.1K 111 0
                                    

Nagising ako kinabukasan ng dahil sa sobrang lamig na nararamdaman ko. Kinusot ko ang mata ko at marahang idinilat ang mata ko. White ceiling ang agad kong nakita. Nang dahil sa gulat ay agad akong napabangon at agad na bumungad sa'kin ang hindi pamilyar na kwarto. Fuck! Fuck! Of course! I'm with Marco last night, of course I'll be here.

Sumakit ang ulo ko ng dahil siguro sa nainom ko kahapon. Marahan kong hinimas ang ulo ko at tumayo na. I searched for my clothes at agad iyon isinoot. Nakagat ko ang labi ko noong matanaw ko iyong puting kama niya na mayroong kaunting dugo. I hate to remember what happened last night kaya pinili ko nalang na lumabas ng kwarto.

Umalingasaw pagkalabas ko ang amoy ng garlic. Agad akong kinabahan ng marinig ko na mayroong gumagamit ng kitchen. I'm not ready to see Marco after what happened. Yes. I lost my virginity, I lost it with him. At hindi ko alam kung nababaliw na ba ako pero wala manlang akong pagsisising nararamdaman ng dahil doon.

Get over it, Francesca! Hindi lang naman ikaw ang nawalan ng Virginity! - I kept telling myself para kahit na papano ay wag ako'ng maguilty sa nangyari kagabi. I don't regret it but I'm guilty. Ano nalang ang sasabihin ng parents ko pag nalaman nila 'to? They're both from province kaya pareho silang conservative. They believe in Marriage first before sex. Pero ano itong ginawa ko?

"You're awake." napatalon ako sa pwesto ko nang marinig ko ang boses ni Marco. Nilingon ko ang pinangagalingan ng boses niya at nakita ko siyang nakapambahay na. His hair's messy habang may hawak siyang mug sa parehong kamay niya.

Tumango ako. "Y-Yup.." saad ko at nagtungo na sa kitchen.

Naupo ako sa upuan at pinanood siyang maglagay ng mga plato, kutsara, tinidor, at baso sa harapan ko. Nang isinerve niya na iyong pagkain ay tahimik lang din siyang naupo sa tapat ko. Wala akong ganang kumain kaya hindi ko manlang magalaw iyong mga niluto niya.

"You eat first. Tapos ay ihahatid kita sa inyo." saad niya. "Tumawag nga pala ang Daddy mo sa'kin. May nakakita daw kasi satin kagabi na magkasama. He's calling you pero 'di ka naman daw sumasagot."

Oh my God! Naiwan ko nga pala ang bag ko sa bar kagabi. Dahil sa paghila niya sa'kin ay ni hindi ko na iyon nabalikan sa loob at tuluyan nang nawala sa loob ko.

Hindi ako nagsalita sa sinabi niya at tumango na lang. Ramdam na ramdam ko ang awkwardness sa pagitan namin. Noong nagdesisyon na akong kumain ay tahimik kami hanggang sa matapos kaming parehas. Niligpit niya lang iyong mga plato tapos ay iniwanan niya na doon.

"Hintayin mo ako dito. Magbibihis lang ako."

"Ha? Wag na, Marco. I can go home on my own. Mag-ta-taxi nalang ako." saad ko habang sinusuot ang sapatos ko.

"I insist. Sinabi ko kay Tito na iuuwi kita.. Hintayin mo ako dito." aniya at ilang sandali lang ay narinig ko ang pinto sa kwarto niyang bumukas.

Para akong nabunutan ng tinik sa pag-alis niya. Nakahinga ako ng maluwag at naupo sa sofa niya. Inihilig ko ang ulo ko doon at marahan na pumikit.

Wala ni isa sa'min ang nagbanggit ng nangyari kagabi. Ayaw ko. At parang ayaw din niya. Para saan pa? What happened between the two of us is just a mistake. A one night stand. Iyon lang iyon. Hindi na kailangan  na pag-usapan pa.

Nang matapos si Marco na magbihis ay mabilis na rin kaming umalis sa unit niya. Tulad ng sinabi niya ay inihatid niya ako sa bahay namin.

"Dito nalang ako. Ayos na ako.." saad ko habang tinatanggal ang seatbelt at binubuksan ang pinto ng sasakyan niya. Bumaba na ako at nagulat ako ng makitang bumaba rin siya.

"Okay na ako dito, Marco. Thank you." saad ko at binilisan ang lakad ko para maunahan ko siya sa pinto ng bahay. Humarang ako doon para hindi siya makadaan.

"About last-"

"Wala na 'yun! Let's just forget about that!" i cut him off. Sobrang kaba ang biglang umusbong sa loob ko.

Tinalikuran ko na siya at pinihit ang doorknob ng pinto binuksan ko iyon at agad na bumungad sa'kin si Mommy at Daddy. Nag-uusap sila at nang mapatingin sila sa'kin ay agad kong nakita ang mapanuri nilang tingin. Dumiretso sila sa pwesto ko at agad na pinaulanan ng tanong.

"Where have you been, Francesca! We're sick worried about you!"  saad ni Mommy at agad akong dinaluhan. Si Dad ay nakita kong nanatili ang tingin kay Marco. Oh please.

"Sorry po, Tito, Tita. Naabutan kasi kami ng ulan kahapon. Sa bahay ko na siya pinatuloy kasi delikado na since madaling araw na din." paliwanag ni Marco na agad na sinagot ni Daddy ng tawa.

"I already told your Tita about that. She's just really over protective with our daughter." tawa ni Daddy at agad na niyaya sa loob si Marco. Sumunod naman kami ni Mommy. Habang naglalakad papasok ay puro tanong pa rin sa'kin si Mommy.

"Why didn't you call us? Where is your phone?" saad ni Mommy. Napairap ako at hindi iyon nasagot. I probably need to contact my friends or talk to our driver. Lagot ako nito kapag nagsalita iyon.

Dumiretso kami sa living room at doon panandalian na nagkwentuhan - well sila lang naman dahil hindi ako nakikisali sa usapan nila. Nang nakaramdam ako ng pagod ay nagpa-alam ako sa kanila na aakyat muna.

"Magpapahinga lang po ako. Mom. Dad." paalam ko. Isang sulyap lang ang ibinigay nila sa'kin bago ako hinayaan na umakyat. Ramdam ko rin ang titig ni Marco sa'kin pero hindi ko na siya nilingon at umakyat na sa taas.

Ibinagsak ko ang sarili ko sa kama at hinayaan na makaidlip kahit na sandali. Naalimpungatan lang ako ng makarinig ako ng ilang katok mula sa kwarto ko. Bumangon ako at inayos ang sarili ko bago dumiretso sa pinto at binuksan iyon. Laglag ang panga ko ng makita ang nakatayong si Marco.

"B-Bakit?"

Hindi siya sumagot sa tanong ko at nanatili ang titig sa'kin. Hindi naman ako tumingin pabalik at nanatili ang mata ko sa sahig.

What time is it? Why is he still here?

"Pwede ba tayo mag-usap?" he asked me. Napahinga ako ng malalim. Dito pa rin naman ang ending nito kahit na anong iwas ang gawin ko. Us. Talking.

Marahan akong tumango at niluwagan ang bukas ng pinto. Pumasok naman siya at agad kong nakita na inilibot niya ang tingin niya sa kwarto ko.

Nang narinig niya siguro ang pagsara ko ng pinto ay hinarap niya akong muli.

"I wanna say sorry. For what happened last night. We're both drunk and... I'm sorry.. I didn't know.. That you..." aniya na tila nahihirapan.

"I'm sorry, Francesca. I respect you.. I respect your parents. A lot.. and I'm sorry because that happened.."

He speaks seriously habang ako ay wala manlang masabi. Kinagat ko ang labi ko at nakinig nalang sa sinasabi niya.

"You could hate me for all you want, hindi kita masisisi. I've done a very wrong thing. I took advantage of you. I took advantage of the situation... I'm sorry.."

While listening to him at habang tinitignan ko siyang sobrang seryoso sa mga sinasabi ay hindi ko maiwasan na mag-isip. Marco is a very good guy. Hindi ko alam kung anong utak ang meron ang girlfriend niya para iwanan siya o saktan siya. Kasi if I were his girlfriend? I'll probably love him more than he could love me. Pero hindi ganoon ang nangyari. The girl just broke his heart. Pero kahit na ganoon ay ramdam ko na mahal na mahal pa rin niya iyong girlfriend niya. And for an unknown reason, I felt envious of that girl..

"Kalimutan na natin yun. Whatever happen, happened. We can't change that anymore. I'm accepting your apology. Let's just forget about that like nothing happened." ngiti ko sa kanya matapos ang pag-iisip ko. Nakita ko ang matagal niyang pagtitig ulit sakin bago marahan na tumango.

"I want to rest. See you in the office na lang, Mr. Del Castillo?" saad ko. Ngumiti siya sa'kin bago tuluyang nagpaalam.

Married with the Good Boy (Del Castillo Boys Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon