Life in the province is very different from the life in Manila.
Iyon ang narealize ko sa ilang araw na pananatili ko sa San Miguel. Don't get me wrong, I've been in many places. But never in the province. Siguro ay nakakasama lang ako noon kay Daddy pero pa saglit-saglit lang iyon. First time ko iyong ngayon na mag-stay ng ilang araw sa probinsya.
"Ready?"
Halos mapatalon ako ng marinig ko ang boses ni Marco. I heard the door closed bago ko naramdaman na nasa likuran ko siya.
I closed the zipper of my bag before facing him. Napangiti ako agad ng makita ang mukha niya. These past few days ay hindi ko alam bakit wiling wili ako sa kanya. Minsan ay hindi ko napipigilan at napipisil ko ang pisngi niya pero may oras na pinipigilan ko dahil ayaw kong masaktan siya sa pangigigil ko.
"Yup, tara na?" Tanong ko.
Tumango siya at siya na mismo ang nagdala ng bag ko. We went down the mansion together. Tahimik ang buong bahay dahil umalis rin sila Lolo at Lola para dalawin ang kanilang kamag-anak sa kabilang barrio. Ako lang at si Marco pati ang iilang kasambahay ang naiwan.
Ang Fortuner ang dinala namin na sasakyan patungo sa isa pang lupain nila. Marco will check their plantation at dahil wala akong kasama ay isinama niya na ako.
"Doon nalang tayo maglunch, ah? Nagpahanda ako ng lunch at snacks in case na magutom ka." Ani ni Marco at sinulyapan ako.
Ngumuso lang ako at tumango. Ang atensyon ko ngayon ay nasa kabukiran na nadadaanan namin. It's bright green color is making me feel at ease. Sobrang peaceful nitong pagmasdan. Nawala lang ang atensyon ko doon ng saglit na tumigil si Marco.
"Bakit?" Saad ko at nilingon siya.
He's serious now. Titig na titig siya sa'kin kaya medyo nailang ako.
"Bakit?" Pag-uulit ko.
Nakita kong huminga siya ng malalim bago nag-iwas ng tingin. He started driving again pero this time ay mas mabagal. Tamad rin siya na nakahawak sa manibela gamit ang isa niyang kamay.
Kumunot ang noo ko sa nangyari. Is there any problem? Gusto kong itanong iyon kaya lang ay buong byahe na siyang naging tahimik kaya hindi na ako nagtangka.
When we arrived at the place, nauna pa rin siyang bumaba. Ang akala ko ay iiwan niya ako doon pero nagulat ako ng umikot siya papunta sa side ko at pinagbuksan ako ng pinto.
His face is still serious. Kahit na noong in-offer niya ang kamay niya para alalayan ako ay seryoso pa rin siya.
Gusto kong malaman kung ano ang naiisip niya pero natatakot ako sa hindi ko malaman na dahilan!
Dahil sa nangyari ay ang akala ko na masayang araw ay naging sobrang lungkot.
Nasa kubo lang ako habang si Marco ay abala sa pakikipag-usap sa kanyang mga trabahante. He won't even look at my direction para tignan ako!
And then I realize, bakit naman niya nga ako titignan? Who I am? I am just his wife. Asawa lang naman ako, 'diba? Hindi niya naman ako mahal!
The thought of that made my heart ache. Nag-iinit na ang gilid ng mata ko at gusto ko nalang na umalis sa lugar na 'to!
I bit my lip at talagang hindi ko na napigilan. I started crying there, alone! Para akong tanga na umiiyak dahil sa nangyayari!
God, I just hope no one notice me! Pero nang may magsalita mula sa likuran ko ay halos mapamura ako!
Mabilis kong pinunasan ang mukha ko at hinarap iyon. Gulat ang nakita ko sa mukha niya ng makita ako. His eyes went bigger at hindi siya agad nakapagsalita!
BINABASA MO ANG
Married with the Good Boy (Del Castillo Boys Series #2)
Ficción GeneralOne night changed everything between Francesca and Marco. Ang isang gabing hindi nila pareho sinasadya ay naging dahilan para matali sila sa isa't-isa habang buhay. Hanggang kailan nga ba magtatagal ang isang relasyon na hindi naman pinagplanuhan...