Chapter 17 - Fighting

4.5K 103 30
                                    


Sa buong oras na nasa mall kami mula ng dumating kami at maglibot libot ay nakaalalay sa'kin si Marco. Hindi ko alam kung bakit sa kahit na anong gawin niya ay sobrang gwapo niya para sa'kin, at alam ko na hindi lang iyon para sa mata ko.

Dahil noong nasa Jollibee kami at nakapila para mag-order ay hindi nakaligtas sa'kin ang paninitig ng mga kasabay namin sa pila maging iyong babae sa counter.

"Ano'ng gusto mo?" He asked while seriously looking at the menu in front of us.

Ngumuso ako kasabay noon ay ang paglingon niya sa'kin. He smiled a little bit bago siya bahagyang umiling.

"Ang naughty mo ha," nagpipigil ng tawa na sabi niya.

Naglaglag ang panga ko sa sinabi niya! I am not doing anything! Pero ang pagnguso ko ang narealize ko na dahilan bakit niya sinabi iyon!

Hindi ko na rin napigilan at napangiti ako. Pabiro kong kinurot ang tagliran niya dahilan para magulat siya. Agad naman ulit akong nahiya dahil doon kaya agad akong lumayo sa kanya pero agad niya rin naman akong hinigit palapit ulit sa kanya.

"Stay close to me," seryosong sinabi niya.

Ganoon ang naging eksena kahit na noong kumakain kami. He doesn't want to sit in front of me kaya heto at kahit kami lang dalawa sa table ay magkatabi pa rin kami.

He ordered so many foods, gutom ako pero hindi ko magawang lantakan ang lahat ng nakahain dahil sa mga matang nasa amin ngayon.

"I can't eat," malayang pahayag ko nang magtanong siya kung bakit hindi ko magalaw ang pagkain ko.

"Ang daming nakatingin sa'tin," sabi ko.

Agad na tumingin sa Marco sa harapan namin at nakita ko na maging siya ay nagulat. He bit his lower lip at bumalik ang tingin sa'kin.

"Do you want to eat this somewhere else? Ipapa-take out ko na lang," aniya.

Bahagya akong tumango kaya agad siyang nagtawag ng waiter at ipinabalot ang pagkain namin.

Ang resulta ay sa bahay namin nakain iyong inorder namin habang nanonood ng movie.

"Dapat pala ay nagpadeliver na lang tayo," natatawang sabi ko ng marealize na para kaming tanga na pumunta sa mall para bumili sa Jollibee only to take it out para kainin rito sa bahay.

Tumawa si Marco at bahagyang tumango habang kumakain ng french fries.

"Next time," aniya at pabiro akong kinindatan.

Halos mahulog doon ang puso ko. The way he smiles and the way he's playful? I'm liking it too much.

Sabado ng linggo na iyon ay napagdesisyunan na namin na bumalik ng Manila. Lunes kasi ang check up ko at kailangan ko na rin bumalik sa trabaho. Hindi pa kami nakakapag-usap ni Marco pero I know he would understand.

"Bumalik kayo rito ha, hija. I like you around here." Ani ni Lola habang inihahatid kami sa sasakyan.

Marco's busy loading our stuffs inside. Pinabaunan rin kasi kami ni Lolo at Lola ng mga prutas at ilang klaseng gulay.

"Marco, take care of your wife." Ani ng kanyang Lolo na agad na sinagot ni Marco ng pagtango at pagpapaalam.

The usual travel hours from San Miguel to Manila ay aabot ng apat na oras. Pero dahil sa iilang traffic na nadaanan namin ay umabot iyon ng 5hrs.

Noong dumating kami sa building ng condo unit ni Marco ay halos past seven na. Hindi pa rin kami nagdi-dinner kaya naiisip kong magluto nalang o hindi kaya ay mag order.

Married with the Good Boy (Del Castillo Boys Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon