Chapter 4 - Let me be

3.9K 118 4
                                    

Sabado ng umaga ng mapagdesisyunan ko na magpacheck-up. I didn't bother Rhian para samahan ako dahil alam ko na busy siya sa sarili niyang buhay. Maaga ang naging gising ko ng umagang iyon dahil na rin sa tinutulungan ko si Mommy sa pag-aayos ng gamit na dadalhin ni Daddy papunta ng probinsya. He would be staying there for a week kaya medyo madami ang dala niyang gamit.

"Hindi ka ba pupunta ng office?" tanong ni Mommy habang nasa may loob ng bathroom at may kinukuha doon.

"Hindi muna. I'm going somewhere." saad ko at inilagay iyong mga natiklop na damit sa loob ng luggage ni Daddy.

Lumabas si Mommy mula sa banyo nang may dalang mga bote ng shampoo at ilang sabon at towel. Tinignan niya ako bago inilapag iyong hawak niya sa gilid ko.

"Parang tumataba ka yata?" puna niya na kaagad na nagpakaba sa akin.

Ngumiti ako at inilagay na din sa isang bag iyong mga personal na gamit ni Daddy para maiwasan ang titig ni Mommy sa'kin.

"Really, Mom? Naeenjoy ko kasi ang food. Sarap mo magluto, eh." tawa ko. Narinig ko din ang tawa ni Mommy bago namin narinig ang pagdating ni Daddy.

Sinalubong kaagad ni Mommy si Daddy at hinalikan sa pisngi. Habang pinapanood sila ay hindi ko maiwasan na maisip na my baby would never witnessed that kind of scene when he grows up. Pero kahit na ganoon, hinding-hindi ko ipaparamdam sa kanya na may kulang. Papalakihin ko siya ng punong-puno at busog na busog ng pagmamahal ko.

"France," tawag ni Daddy. Agad akong tumayo at sinalubong din siya ng halik.

"Hi, Dad." I greeted him.

Dad smiled and kissed my forehead bago niya binalingan iyong mga gamit niya na nakahanda na sa ibabaw ng kama. I heard him laugh.

"Sobrang dami naman ng inayos niyo. Uuwi din naman ako."saad ni Daddy ng natatawa.

"Mabuti na iyong handa. Baka mamaya ay magkaroon kayo ng biglaang meeting doon. Mabuti na iyong may dala kang gamit." saad ni Mommy.

They talked about the business habang nanunuod lang ako sa kanila. I'm so lucky to have them both as my parents and sobrang thankful ako doon. They raised me well and I promised to do the same to my baby.

"Mom, Dad. Iwan ko na kayo. May lakad kasi ako." paalam ko at tumayo na.

"Alright. Use the car. Mag-iingat ka." ani ni Daddy.

Tumango ako at hinalikan sila parehas bago tuluyang umalis. Dumiretso na ako sa kwarto ko at ginawa ang dapat kong gawin bago umalis ng bahay. Bago dumiretso sa check-up ko ay naalala ko na dadaanan ko iyong iniwan ni Marco sa'kin para ibigay kay Daddy. I almost forgot about that!

Kaya dumaan muna ako sa office para madaliang kuhanin iyong files. Mabuti nalang at wala pang tao sa floor namin. Mabilis ang kilos ko dahil baka hindi ako umabot sa appointment ko nang biglang sumakit iyong puson ko. Agad akong napahawak doon at agad na kinabahan.

"Francesca?" parang lalong sumakit iyong puson ko nang mayroon akong marinig na nagsalita sa harap ko. Pinilit ko na magmukhang maayos bago ko tiningala iyong nagsalita. At kapag minamalas ako, ngayon pa niya ako naabutan dito.

"M-Marco!"

Agad akong kinabahan sa klase ng tingin niya sa'kin. He looked at me from head to toe kaya agad akong nag-iwas ng tingin.

Mas lalong sumasakit iyong puson ko kaya mabilis ko nang kinuha ang sinadya ko dito bago ko siya hinarap muli.

"Mauuna na ako. Dinaanan ko lang ito dito." tango ko at nilagpasan na siya.

Nakakailang hakbang na ako malayo sa kanya ng biglang sumakit ng husto ang puson ko. Napatigil ako sa paglalakad at agad na sinapo ang tiyan ko.

"Francesca!" narinig ko agad ang boses ni Marco at agad kong naramdaman na inalalayan niya ako. "Namumutla ka. Are you okay?" nag-aalalang tanong niya.

Married with the Good Boy (Del Castillo Boys Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon