Chapter 40: Remembrance

1.3K 56 8
                                    


Bumalik ako agad sa table namin matapos iyong nangyari sa banyo. Noong makita ako agad ni Marco ay sinuri niya ako kaagad ng tingin pero hindi ko magawang tumingin sa kanya pabalik.

"I'm tired.." sabi ko. "Can we go home?"

Hindi nagtanong si Marco at sinunod na agad ang gusto ko. Nagpaalam lang kami kay Jim at doon sa iba tapos ay umuwi na rin.

Kahit sa byahe ay hindi ko magawa ang tignan siya. Naalala ko si Cindy. At naaawa ako sa kanya. Pero hindi ko magagawa na itulak si Marco pabalik sa kanya dahil mahal ko si Marco. And I don't know if he still loves her, hindi ko alam. Ayaw ko na ang isipin.

Pakiramdam ko ay pagod na pagod ako na noong dumating kami sa bahay ay naglinis lang ako kaagad at nahiga na. Maya-maya ay naramdaman ko na rin si Marco na tumabi sa 'kin.

Pumikit agad ako noong maramdaman ko siyang niyakap ako. I can feel his breathing on my neck. Hinaplos niya ng isang beses ang pisngi ko bago ko naramdaman na nakatulog na siya.

Nang gabing iyon ay hindi ako masyadong nakatulog. Naririnig ko pa rin sa isip ko ang basag na boses ni Cindy at ang mga pakiusap niya. Dahil doon ay medyo tinanghali pa ako ng pasok sa trabaho kinabukasan.

Mabuti na lang din dahil hindi naman ganoon ka busy ang araw. After checking the sales and inventories ay maluwag na ang sched ko para sa hapon.

Pakiramdam ko ay mababaliw ako sa kakaisip na sobrang nagpasalamat ako dahil biglang bumisita si Rhian at nakipag kwentuhan.

"That bitch!" Galit na sinabi niya noong mabanggit ko iyong nangyari kagabi.

"She left Marco! Ano ang sinasabi niya na siya ang nauna!" Walang tigil na sinabi niya.

Ngumiti ako, medyo gumaan ang pakiramdam dahil may napagsabihan.

Nagtagal pa doon si Rhian ng ilang oras bago siya sinundo ni Ansel. May dadaanan yata kasi sila bago uuwi.

Bandang alas-sais ng gabi ay nag-aayos na ako ng gamit ko. Nakatalikod ako sa may pintuan noong magulat ako nang bumukas iyon. Napatingin ako doon at agad na nagwala ang puso ko nang makita si Marco na nakatayo doon at mukhang galing pa sa trabaho. May dala siyang isang bouquet ng bulaklak.

Ngumisi ako agad.

Kahit na nagkita naman kami kanina sa bahay at dahil inihatid niya ako dito ay namiss ko pa rin siya. Hindi rin kasi kami maayos nag-uusap dahil sa mga naiisip ko.

"Para saan yan?" Nakangiti kong sabi at lumapit sa kanya. Tinignan ko saglit iyong mga bulaklak bago kinuha sa kanya.

"Because I think I did something to upset you?" Sabi niya.

Agad na natunaw ang puso ko. Napatingin ako agad sa kanya at gusto na lang siyang yakapin. Pero agad niya akong naunahan.

Binalot niya ako agad ng yakap.

"I'm always here." Sabi niya.

Lahat ng bumabagabag sa isip ko ay nawala. I'm just so in love with him. At hindi na sa 'kin mahalaga ngayon ang kung ano man na nangyari noon sa kanila ni Cindy. It's all in the past. Ang mahalaga ay ngayon nandito siya, sa 'kin.

Hindi ko alam na first part pa lang pala ang pabulaklak ni Marco. Nagulat ako noong pauwi kami ay hindi kami sa bahay dumiretso. Dinala niya ako sa isang restaurant na tingin ko ay nagbook siya ng reservation. Just like our 'date' before, may mga bulaklak at candles sa aming table habang kumakain kami.

Tumingin ako sa kanya at parang sasabog na ang puso ko sa sobrang saya. I feel so lucky because I ended up with him.

Totoo ang sinabi ni Cindy. He's so good to me.

Ngumiti ako noong may inilahad si Marco na box sa 'kin. He gently slide it across the table papunta sa 'kin.

"Ano 'yan?" Sabi ko.

Natatawa siyang umiling. "Buksan mo."

Gaya nang sinabi niya ay kinuha ko iyong box at binuksan. Nagulat ako agad nang makita ang necklace na laman noon.

It's a simple gold necklace. Mayroong maliit na pendant na may mga maliliit na diamonds.

Nag-init agad ang gilid ng mata ko noong tumayo siya at mula sa 'kin ay kinuha niya iyong kwintas at isinoot iyon. And then he gently kissed my head.

"I gave that to you as a remembrance." Sabi niya. "To make you remember that I will always be choosing you. I will always be coming home to you and Franco."

Kung p-pwede lang na hilingin ang sana'y lagi nalang ganito ay gagawin ko. Natatakot ako sa lahat ng mga pwedeng mangyari pa, pero with his words and re-assurance, I am willing to take the risks.

"Yung mga gamit mo?" Sabi ko at sinulyapan sa pang ilang beses ang maleta ni Marco.

Inisa-isa kong tignan ang laman noon at sinisigurado na wala siyang nakalimutan.

"Yes, baby." Sabi ni Marco mula sa may banyo. "Kumpleto na 'yan. Don't worry too much!" Aniya at lumabas na doon.

Dumiretso siya sa may bag pack niya sa sahig at nilagay sa loob iyong kit niya para sa mga toothbrush at toothpaste. Pagkatapos ay tumayo siya at pumunta sa 'kin.

"I'll miss you." Aniya at niyakap ako.

Tumawa ako agad at pabironh hinampas ang dibdib niya.

"It's just a week!" Sabi ko.

Sumimangot siya at humiwalay na. This time ay si Franco naman ang pinuntahan para buhatin at yakapin.

Ngumuso ako habang tinitignan sila. I'll surely miss him sa isang linggong mawawala siya para sa business trip nila ni Daddy.

After making sure that all of his things are complete ay nagpaalam na rin siya na aalis. I re-assured him na magf-facetime kami everyday para lang hindi niya kami masyadong ma-miss pero mas lalo lang yata niya ayaw na umalis dahil doon! Kung hindi pa tumawag si Daddy at tinanong kung nasaan na si Marco ay baka hindi pa siya umalis!

Tumahimik agad ang buong bahay pag-alis niya. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng kaunting lungkot sa isang linggong pag-alis niya pero dahil kailangan iyon ay naiintindihan ko naman.

I took a one week leave sa trabaho para mas mabantayan si Franco at para rin makausap si Marco if at anytime bigla siyang magrequest na mag-skype kami.

Alas-tres ng madaling araw noong mag-iMessage siya sa 'kin na nasa Dubai na sila. I left his message on read at hindi na nakapagreply dahil sa sobrang antok.

Kinabukasan ay nagising ako agad sa pagv-vibrate ng cellphone ko. When I look at the screen ay pangalan ni Marco agad ang nakita ko na nakikipag-facetime.

I immediately answered it at agad ko siyang nakita na nakahiga rin.

"Goodmorning." Bati niya. "How's your sleep?"

Humikab ako agad. "I'm still sleepy." Sabi ko.

I heard him chuckled. Sarap sa tenga!

"I'm sorry to wake you up." Sabi niya. "Gising na si Franco?" Aniya.

Umiling ako at maingat na gumalaw sa kama para umayos ng higa. Itinapat ko kay Franco ang camera.

"Tulog pa siya." Sabi ko. "Ikaw? Hindi ka ba matutulog?"

Ibinalik ko na rin sa 'kin ang camera. Ngayon, nakikita ko siyang umaayos na ng higa.

"Matutulog na. Tumawag lang ako para mag-goodmorning."

Ngumisi ako agad. Sa simpleng sinabi niya ay agad binalot ng init ang puso ko.

I just wanna hug him! Sana ay mabilis na lang na matapos ang isang linggo!

Married with the Good Boy (Del Castillo Boys Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon