"How about the flowers? What else do you want to change, Ma'am?"
Ngumuso ako at nag-isip ng kung ano pa ang gusto ko na idagdag o baguhin sa theme ng kasal. I don't want it to be very extravagant pero si Marco ang mismong nagpipilit sa'kin na huwag mahiya o huwag magdalawang isip kung may mga gusto pa ako.
"Wala na, Miss. Sa gowns nalang siguro tayo." Ngumiti ako sa wedding planner. Tumango naman siya at nag-umpisa nang buklatin ang bag niya para siguro kuhanin ang mga gown designs na ipe-present niya. Habang ginagawa niya iyon ay bigla namang nag-ring ang cellphone ko.
Napangiti ako kaagad at kakaibang saya ang naramdaman ko ng makita ang pangalan ni Marco na nagf-flash sa screen. Kaagad ko na rin iyong sinagot.
"Hello?" Kinagat ko ang labi ko para mapigilan ang pagngiti. Get over it, Francesca! What's with you at ganyan ang reaksyon mo sa simpleng pagtawag niya lang?
"Where are you?" His voice is so manly. Bagay na bagay talaga sa kanya!
"Nasa bahay lang. I'm with the wedding planner." Saad ko. "Ikaw?"
Napakunot saglit ang noo ko ng makarinig ako ng ilang boses mula sa kabilang linya. Napatingin pa ako sa wedding planner na medyo nanunood sa'kin kaya lang ako napangiti.
"On the way na paluwas. I'm with my brothers at saka sila Lolo." Aniya. Nakahinga naman ako agad ng maluwag.
"I'll see you later?" Aniya ulit.
"Oo, mamaya. Sasabay nalang ako kay Daddy papunta ng Hotel."
"Sige." He answered. "Nga pala, don't forget to take your vitamins and your milk, alright?"
Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko at napangiti na akong talaga. The way he treats me is really heartwarming. Ang ineexpect ko kasi na pagtrato niya sa'kin ay hindi ganito, yes I expect him to treat me good pero hindi ganito ka-good na parang pinaparamdam na niya sa'kin na may pag-asa nga kaming dalawa.
"Alright. I'll never forget." Tumawa ako kahit na medyo nag-iisip ako ng tungkol sa papalapit naming kasal.
Buong araw ay sa ganoon naubos ang oras ko. I'm talking with the wedding planner for the designs. Sa design ng gown ko kami umabot. Hindi pa rin kasi ako nakakapili ng gown ko kaya bukas ay babalik pa ang wedding planner para magdala ng iba pang wedding gowns mula naman sa ibang designer.
Nang umalis na ang wedding planner ay nagsimula na rin akong maghanda para sa dinner ng family namin at nila Marco. I just took my milk and vitamins bago ako umakyat para magbihis.
I had difficulty in choosing what to wear. Ewan ko rin nga ba, before ay hindi naman ako kaganito kapihikan sa kahit na ano pero ngayon ay pakiramdam ko kailangan ay laging maganda ang susuotin ko. I even took all my clothes outside my closet para lang makapamili ng maayos.
In the end ay isang black na dress ang napili kong suotin. Miminsan ko pa lang iyon naisuot, if I can remember it correctly ay dalawang beses palang. Pinartneran ko lang iyon ng aking kulay beige na stilettos. I didn't apply much make-up, light na light lang ang ginawa ko then I'm done.
Bumaba na ako at nakita ang nakabihis na rin na sila Mommy at Daddy. They're both wearing a formal attire. Nang nakita nila ang pagdating ko ay umayos na rin sila para umalis.
"Where is Marco?" Nagulat ako ng magsalita si Mommy nang nasa sasakyan na kami. Dad's driving habang siya ay nasa front seat.
"Nandoon na raw, Mom." Saad ko at sinulyapan ang cellphone ko para basahin ang kakapasok pa lang niyang mensahe.
Marco:
We're here. Kayo? Text me kapag malapit na kayo para masundo ko kayo sa entrance.Nang dumating na kami sa harap ng hotel ay nakita ko nga agad siya na naroon at nag-aabang. He's on his suit! At sa hindi ko malaman na dahilan ay bigla nalang akong kinabahan. The thought of his family not wanting me is killing me. Paano kung hindi nila ako matanggap? What if they don't like me?
Natigil lang ako sa pag-iisip ko nang ganoon ng makita kong bumukas ang pintuan sa side ko. Agad na yumuko si Marco dahilan para magkatinginan kaming dalawa.
"Hey, are you okay?" Aniya at inilahad ang kamay niya. "Let's go?"
I breathe heavily bago ko inilagay ang kamay ko sa ibabaw ng kamay niya. Lumabas na ako ng sasakyan at nakitang nakatayo na roon si Mommy at Daddy at naghihintay.
"Pumasok na po tayo sa loob.." Saad ni Marco habang inaalalayan ako.
Sabay-sabay na kaming pumasok sa loob ng Hotel. Nauuna sila Mommy at Daddy samantalang kami ay medyo nahuhuli dahil sa bagal ng paglalakad ko.
Nang maramdaman ko ang paghawak ni Marco sa kamay ko at ang marahang pagpisil dito ay medyo nagulat pa ako kaya agad akong napatingin sa kanya.
"Ano'ng iniisip mo?" Tanong niya.
Umiling kaagad ako, "Wala,"
He looked at me curiously kaya mas lalo akong kinabahan at hindi ko na napigilan ang sarili ko sa pagsasalita ng naiisip ko.
"Ngayon ko pa lang mami-meet ang family mo." I said. "What if they don't like me? Paano kapag 'di nila ako magustuhan? I'm just so nervous!" Kinagat ko agad ang labi ko para mapigilan ang pagpiyok. I don't know what's happening to me pero pakiramdam ko ay masyado akong nagiging emosyonal sa mga simpleng bagay lang!
But.. Simpleng bagay? This isn't just a simple thing! This is Marco's family! It's a big thing and their opinions about me is very very important! At naiiyak akong isipin na baka hindi nila ako magustuhan for Marco. Ngayon pa lang nila ako makikita at makikilala, what if iyong talagang girlfriend ni Marco ang gusto pa rin nila na makatuluyan ni Marco? What if hindi nila ako matanggap dahil hindi naman talaga ako ang mahal ng apo at kapatid nila? Why am I suddenly feeling this way?
"Shh.. Shhh.." Mas humigpit ang hawak ni Marco sa kamay ko. Ngayon ay naramdaman ko na tumigil na kami sa paglalakad. He faced me at nakita ko agad ang ngiti niyang nitong mga nakaraang linggo ay gustong-gusto ko na palaging nakikita. His smile na mas nagpapalakas sa pagtibok ng puso ko.
"They will like you.. I promise." Saad niya ng nakangiti.
"You think so?"
Tumango siya at dahan-dahan na hinaplos ang pisngi ko. Hindi ko alam pero mas lalo lang akong naiiyak sa ginagawa niya.
"Yes.." Saad niya bago lumapit at dampian ako ng halik sa noo.
Halos mapahawak ako sa dibdib ko sa sobrang lakas ng pagkabog ng puso ko. Nagsimula na ulit kaming maglakad at habang naglalakad kami ay mayroon pa siyang ibinulong sa'kin na mas lalong nagpakabog ng dibdib ko.
"And by the way, you looked lovely.."
Tiningala ko siya at nakita ko ang ngiti niya. I know.. I am very much familiar with what I'm feeling for him.. And I know it's still so early for me to say that.. Pero alam ko.. Ramdam ko..
I'm falling for him.. I'm falling for the good boy.. I'm falling for Marco Del Castillo.
BINABASA MO ANG
Married with the Good Boy (Del Castillo Boys Series #2)
General FictionOne night changed everything between Francesca and Marco. Ang isang gabing hindi nila pareho sinasadya ay naging dahilan para matali sila sa isa't-isa habang buhay. Hanggang kailan nga ba magtatagal ang isang relasyon na hindi naman pinagplanuhan...