Chapter 10 - My best

3.1K 93 5
                                    

Noong bumalik kami sa table ay wala na nga iyong huling pagkain na inorder ng Mommy at Daddy ni Marco. Nakaramdam ako kaagad ng hiya ng makita na hindi pa nila ginalaw ang kahit na anong pagkain na nakahain sa lamesa.

"Ayos ka na ba, hija?" Tanong kaagad ng Mommy niya.

Nahihiya akong ngumiti at tumango. "Opo, pasensya na po sa pag-iintay ninyo."

"Naku, wala iyon!" Ani ng Mommy niya. "Alam mo ba noong ipinagbubuntis ko si Marco ay ganyan rin ako. Nakakatuwa nga dahil parehas tayo ng pinaglilihian noon. Nasusuka rin ako kapag nakakaamoy o nakakalasa ako ng bawang."

Napangiti ako habang nagsisimula ang Mommy niya na ikwento simula ang sa pagbubuntis niya kay Marco hanggang sa medyo lumaki na ito.

"Never talaga kaming naipatawag ng Daddy niyan sa eskwelahan noon. Kahit na kailan ay hindi nakipag-away. Hindi katulad noong dalawang kapatid niya na halos laging naipapatawag ang guardian ng dahil sa mga kalokohan!"

Tumawa kaming lahat na nasa table ng kinwento niya iyon. Habang nagkukwentuhan rin ay nagsisimula na kaming kumain.

"Nga pala, hija. Ano ang course na tinapos mo?" Biglang tanong naman ng kanyang Daddy.

"Business po."

"That's nice, huh?" Sagot naman ng kanyang Mommy. "Parehas kayo ng tinapos ni Marco."

Habang nagtatagal ang kwentuhan namin ay mas gumagaan ang pakiramdam ko. Both his parents are kind towards me. Nabawasan tuloy iyong kaba na kanina ko pa nararamdaman ng papunta pa lang kami rito.

"Where do you plan on staying nga pala after the wedding?" Tanong bigla ng Mommy niya.

Hindi ako nakasagot at napatingin lang kay Marco nang magsalita siya. Kanina pa siya tahimik na parang nakikinig lang sa mga kwentuhan namin.

"I'm planning sana doon sa condo na inalisan nila Aiza noon. It's big at malapit lang sa office. Aayusin nalang siguro. Renovation lang at lalagyan ng mga gamit para maayos na." Aniya. "Pero if France wants na sa bahay nila muna kami, then pwede na doon muna habang inaantay na maayos iyong condo."

Lumingon si Marco sa'kin pagkatapos niyang sabihin iyon. Ngumiti siya kaya napangiti na rin ako.

Ang totoo kasi ay hindi ko naisip iyon. Kung saan kami titira matapos ang kasal ay hindi ko pa iniisip. And I'm happy na malaman na ayos lang sa kanya kung sa bahay muna kami tirira. Sa totoo lang kasi ay parang hindi ko pa kaya ang bumukod ng bahay at mahiwalay sa parents ko. Pero after the wedding at after na matapos ng condo ay talagang kailangan na iyon.

After namin na matapos na kumain ay nagpaalam na rin ang parents niya para umalis. Uuwi pa kasi ito ng San Miguel dahil doon sila tumutuloy instead na kumuha rito ng hotel at para na rin may kasama iyong Lolo at Lola ni Marco sa probinsya.

"We'll be back next week para sa wedding." Saad ng Mommy niya. "Uuwi rin sila Tito Daniel ninyo para doon."

Ngumiti siya sa aming dalawa ni Marco. Nagulat ako ng bigla niya akong niyakap para magpaalam.

"Welcome to the family, hija." Hinimas niya pa ang likod ko bago humiwalay.

"Thank you po, Tita." Nahihiyang saad ko.

"Just call me Mommy. You're marrying my son in a few weeks at dapat ay ganoon na ang itawag mo sa akin."

Ngumiti siya sa'kin at medyo tinitigan pa ako ng matagal bago sila tuluyan na nagpaalam at umalis.

Married with the Good Boy (Del Castillo Boys Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon