Chapter 30 - Control

1.7K 53 5
                                    


The following days became busy. Si Marco ay busy na ulit sa trabaho samantalang ako ay busy sa pag-asikaso sa binyag ni Franco. I became too occupied ng dahil sa pakikipag-meet sa mga suppliers at pakikipag-usap sa mga organizers.

"Ganito pong theme iyong usual na ginagawa namin for Christenings." Saad ni Aimee, iyong event organizer na nakuha ko.

Ngumiti ako at tinignan ang mga pictures. To be honest ay gusto ko iyong ipinakita niya. The motif is white. I know Franco's still young to remember all of these pero ganun pa man ay gusto kong ibigay sa kanya ang best celebrations mula dito sa binyag niya hanggang sa paglaki niya.

Aimee and I talked more about the venue setup na hindi ko na namalayan na nag gabi na pala. She just bid her goodbye before siya umalis.

Habang papalapit ang celebration ay mas naeexcite ako para dito. I've never been this hands on sa kahit na anong party kahit na noon, ngayon lang.

Kinabukas ay Sabado at napagdesisyonan namin ni Marco ang umuwi sa San Miguel dahil wala rin namang pasok sa office. Kaya maaga pa lang ay nagising na kami para mag-ayos ng gamit na dadalhin namin. I am busy packing Franco's things dahil iyong gamit namin ni Marco ay kagabi pa nakaayos, noong narinig ko na pumasok siya sa kwarto namin. Buhat buhat niya ang anak namin na mukhang kakatapos lang na mag-painit doon sa may balcony.

Ngumiti ako at agad na tumayo. Kinuha ko siya agad kay Marco at agad na binaba doon sa kama. Habang mas tumatagal ay mas lalong lumilitaw ang mga features niya na kuhang-kuha ng kay Marco. I sometimes wonder kung ano kaya ang magiging itsura niya kapag lumaki na siya at nagbinata. Will he break girls heart? Sana naman ay hindi. I don't want my son to be a heartbreaker. I just want him to be like his Father.

Before lunch ay nasa byahe na rin kami. I was seated in the back dahil karga ko si Franco na umiiyak tuwing mararamdaman ata na wala siya sa bisig naming dalawa ni Marco. Hindi rin naman ganoon katagal ang byahe. May mga daan din kasi kaming dinaanan kaya mas naging mas mabilis ang byahe.

Around 3PM ay pumapasok na ang sasakyan ni Marco sa malaki nilang gate. A moment later ay huminto na ito kaya nagdecide na rin akong mag-ayos para bumaba.

A maid immediately went to us to help us with our things. Si Franco ay gising ngayon sa akong bisig at mukhang nasa mood dahil panay ang ngiti niya.

"Hija!"

Tumatakbo palabas ang Lola ni Marco kasunod nito ay iyong Lolo niya. Mabilis niyang dinungaw ang baby namin at agad kong nakita ang mga ngiti niya.

"Look at you," masayang kinausap ni Lola ang aming baby.

Later that afternoon ay si Lola ang nagbantay kay Franco habang abala kami na kumakain ng aming late lunch. Tuwang-tuwa maging iyong ibang tao sa bahay. Ang puro sinasabi nila ay kamukha ni Marco ang bata, na hindi naman maipagkakaila.

Franco fell asleep bandang hapon na. Sa kwarto siya nila Lola nakatulog kaya noong hapon ay kami lang dalawa ni Marco ang nasa kwarto niya. He's busy reading some papers na tungkol ata sa trabaho. Ako naman ay nakaharap sa laptop ko at tinitignan ang softcopy ng invitation para sa binyag ni Franco na sinend ng aming event organizer.

"Ano 'yan?" Bigla ay narinig kong sinabi niya.

Ngumuso ako at bahagyang iniharap ang laptop kay Marco. "Invition. I like it. Ikaw? Ano sa tingin mo?"

Tumango siya. "It's pretty."

Ngumisi ako at nagreply sa e-mail ni Aimee saying i-print na iyong design na ganoon. She said it will be available next week kaya pwede na rin kaming magpamigay sa mga bisita.

I closed my laptop after that. Tapos na rin ngayon si Marco at naglalakad na palapit sa kama. He sat down on the bed. Ang kalahati ng katawan niya ay nakasandal sa headboard ng kanyang kama.

"Let's watch some movie?" He suggested.

Tumango ako at bahagyang nagulat noong bahagya niya akong hinila palapit sa kanya. He pulled in between his legs. A moment later ay nakapwesto na kami. His chest feels so warm behind me. Ang kanyang braso at kamay ay nasa gilid ko at kung minsan ay paglalaruan niya ang kamay ko na nakapatong sa may legs ko.

Ngumuso ako at hindi nagsalita. Even with this ay nagwawala na ang puso ko. I felt his chest brushed against my back noong bahagya siyang gumalaw para makuha ang remote sa may bedside table. He pulled me closer pagkatapos kaya napasandal na ako ng tuluyan sa kanya.

He turned on the television and played some movie. Tahimik lang kaming nanonood na dalawa pero hindi ko maiwasan na mapansin ang bawat galaw niya. I would feel his lips sometimes on my head, gently kissing me there. Minsan ay maririnig ko na marahan niyang inaamoy ang buhok ko.

Dahil siguro sa sobrang comfortable ng pwesto namin at pagod sa byahe ay hindi ko namalayan na nakatulog ako. Nagising ako na madilim na. Gumalaw ako saglit pero agad kong naramdaman ang braso ni Marco na nakapalupot sa bewang ko. Mas lalong humigpit ang yakap niya doon.

"Hmm.. let's stay a little longer," his voice was husky. Halatang kakagaling lang sa tulog.

"Where's Franco?" Imbes ay sagot ko.

Mas lalo niya akong binalot sa yakap niya. I even felt his breathing on my nape!

"He's asleep. I checked on him kanina." Aniya. "Let's just sleep a little more. I like cuddling with you."

This time ay napangiti na ako. I turned around to face him. Nasa may bewang ko pa rin ang kamay niya pero hindi na ganoon kahigpit.

Using my index finger, tin-race ko ang mukha niya dahan-dahan. From his thick eyebrows, closed eyes, his perfectly pointed nose, and his perfectly curved lips. I wonder kung mayroon ba talagang hindi perpekto sa kanya? I'm just curious, tatanggapin ko rin naman!

Nagulat ako noong bahagya siyang dumilat at mabilis na hinuli ang kamay ko. A playful smirked formed on lips. Bago pa ako makapagsalita ay inatake niya na agad ang labi ko.

When I felt his hands inside my clothes massaging my still clothed mounds, that's when I lost it. The next time we know ay hingal na hingal na kaming dalawa dahil sa ginagawa namin.

"I.. I love.. you," I managed to whisper before pulling the comforter to cover my naked body.

Marco chuckled beside me, inaayos ang higa niya. Tapos ay agad kong naramdaman na hinila niya ako ulit para balutin ng yakap. I felt him kissed my head bago siya kumalma sa tabi ko.

"Why are you laughing?" Tanong ko.

"Wala," Sagot niya. "Naisip ko lang, we both agreed na walang mangyayari hanggang walang approval ni Doctora pero ito..."

Hindi na niya natuloy ang sasabihin niya. Natawa ako nang mahina bago napatango.

It's just so hard to resist and have control when he's around!

Married with the Good Boy (Del Castillo Boys Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon