Chapter 3 - Responsibility

3.9K 86 0
                                    

"What is your plan?"

Nanatili akong tulala sa tanong ni Rhian. Nanghihina ako at pakiramdam ko anytime now ay tuluyan na naman akong bibigay.

I've been crying for almost an hour already. Ngayon lang ako natigil at napalitan naman iyon ng pagkakatulala. I mean, sinong hindi manghihina, matutulala, at iiyak ng husto kapag nalaman mo na you're pregnant? Na you're pregnant sa lalaking ni hindi mo pa nga nakakasama ng matagal? Sa lalaking ni hindi mo manlang boyfriend o kaibigan?

"My parents would be so disappointed, Rhian.", nanggilid na naman ang luha sa mata ko. Dumukdok ako sa tuhod ko at naisip lahat ng nagawa ko nang gabing iyon.

My Mom will surely go hysterical and my Dad would be so mad about this. Baka nga masuntok niya si Marco kapag nalaman niya na the one who got her only daughter pregnant is non other than his business partner.

"E ano nga ang plano mo, girl?", tanong niya at naramdaman ko ang paghaplos niya sa likuran ko.

I didn't answer. Kahit ako ay hindi ko alam ang plano ko. I don't even know what to do!

"You should tell Marco-"

"No!", pagprotesta ko kaagad sa sinasabi niya. "No! No! This is not his problem. Ayoko na tanggapin niya 'yung bata dahil lang sa responsibilidad niya 'yon."

"Are you crazy? That's his responsibility of course! Siya ang ama ng dinadala mo!", sigaw ni Rhian sa'kin. "Tell him! Kung hindi niya tanggapin iyong bata e di huwag! The point is, kailangan niyang malaman because he's the father."

Buong araw akong hindi natahimik ng dahil sa sinabi ni Rhian. Kapag nalaman ito ni Daddy ay tiyak na hihilingin niya na panagutan at pakasalan ako ni Marco because of the baby. And to be honest ay ayoko ng ganoon. I don't love him at hindi niya din ako mahal. Kaya nga kami magkasama ng gabing iyon ay dahil lasing siya dahil sa babaeng mahal niya. At ayoko na magpakasal lang kami because of the baby.

Kinabukasan ay pumasok pa rin ako sa trabaho kahit na ramdam ko ang pamimigat ng katawan ko. These past few days ay palagi ang morning sickness ko. Katulad kaninang umaga noong kumakain kami at mayroon akong naamoy na hindi ko nagustuhan ay kamuntik na akong maduwal sa harap nila nila Mommy at Daddy. Mabuti nalang ay hindi nila iyon napansin dahil abala sila sa pag-uusap tungkol sa bubuksang pabrika sa probinsya.

"France, are you alright? Namumutla ka.", salubong ni Rhian sa'kin sa mahinang boses ng makita ang pagdating ko.

"Yup. Hindi lang ako nakakain ng ayos. Hindi ko gusto iyong nakahanda sa bahay.", pilit na ngiti ko at dumiretso na sa table ko kung saan agad kong nadatnan ang patong patong na folders. Naupo na ako sa swivel chair at agad na sinimulang buksan ang nasa unahang folders.

Mga records iyon ng sales ng kumpanya since last month at iba pang records na kailangan kong i-check bago makarating sa kay Daddy. Sa dami ng folders na nasa table ko ay hindi ko na namalayan na nalipasan na pala ako ng oras. Halos mag-t-three na ng hapon ng makaramdam ako ng pananakit ng sikmura.

Mabilis ang galaw ko nang dinampot ko ang purse ko at agad na tinungo ang daan papunta ng cafeteria. Kung noon ay okay lang kung hindi ako kakain ay hindi na pwede iyon. Ayaw ko man tanggapin ay kailangan pa rin dahil wala na akong magagawa. I'm not alone anymore. Lahat ng gagawin at desisyon na gagawin ko ngayon ay hindi lang para sa'kin kung hindi pati na rin sa magiging anak ko.

Nang dumating ako sa cafeteria ay kumuha na ako agad ng pagkain, doble noon sa kung ano lang ang kinukuha ko. Kumuha ako ng fresh pineapple, fresh juice, at iyong pagkain na nakahain doon. After that ay kumuha na ako ng upuan at nagsimula nang kumain.

I should be more responsible with what I eat and sa oras ng pagkain ko. Hindi ko na iyon pwedeng mapabayaan pa.

"There you are..", I'm in the middle of eating na marinig ko na mayroong nagsalita mula sa harap ko. Natigil ako sa pagsubo at bago pa ako makatingin sa kung sino ang nagsalita ay naunahan niya na ako at nagsalita.

"Are you busy?", tiningala ko siya at ganoon na lang ang kaba ko ng magtagpo ang mata namin ni Marco. He's wearing a white t-shirt at faded maong pants habang mayroong hawak na mga folders at nakangiti sa'kin.

"W-What?", I asked at bigla nang nawalan ng gana sa pagkain.

"I just need a favor. Hindi ko kasi mami-meet ang Daddy mo and I need to give this to him.", itinaas niya iyong folder na hawak niya.

"Pwedeng pakibigay sa kanya 'to?"

Wala sa sariling napatango ako sa sinabi niya. Lumapit siya sa'kin at agad na inilahad iyong hawak hawak niyang folders. Naging dahilan iyon para agad kong malanghap ang pabango niya. Agad akong naduwal at agad na tinakpan ang bibig ko para pigilan iyon. Pero huli na dahil nakita iyon ni Marco.

"Are you alright?", kaagad niyang saad at dinaluhan ako. Nakita ko na binuksan niya iyong bottled water na nasa harap ko at kaagad na iniabot iyon sa'kin.

Tumango ako at agad na kinuha ang bottled water at uminom doon. Matapos uminom ay medyo guminhawa ang pakiramdam ko.

"Ayos ka lang ba? Namumutla ka.", ani Marco. "Are you sick?"

Muli ay umiling ako. Bago pa man siya makapagtanong ulit ay tumayo na ako. Dinampot ko iyong natira kong fresh pineapple at saka iyong bottled water pati na rin iyong folders na pinakiusap niya na ibigay ko kay Daddy.

"I'm fine.", ngiti ko. "Mauna na ako. I have works to do.", kinagat ko ang labi ko bago siya tinanguan at tinalikuran.

Sobra ang kabog ng dibdib ko habang naglalakad ako papunta sa elevator. Ramdam na ramdam ko kasi ang mga tingin niya sa'kin.

I know that it's unfair on his part pero my decision is final. Haharapin ko ang parents ko at sasabihin ang totoo sa kanila. I won't need Marco para panagutan ako. I would take care of myself and my baby. Papalakihin ko siya ng maayos ng walang tulong ni Marco. Siguro ay kapag maayos na ang lahat saka ko sasabihin kay Marco ang lahat. He's a good guy and I know na maiintindihan niya iyong ginawa ko. Ayaw ko na matali siya sa isang relasyon at set-up na ayaw naman niya. At ayoko na akuin niya iyong bata dahil lang sa nagu-guilty siya sa nangyari. The baby is not his responsibility.

The next few days ay mas dumami ang naging trabaho ko sa opisina. Marami kasi akong reports na kailangang i-review dahil naging busy sila Daddy dahil sa itinatayong pabrika ng kumpanya namin sa probinsya. Almost everyday siyang wala para asikasuhin ang mga kailangan para sa negosyo.

"Magpahinga ka muna, France. You've been working your ass off these past few days. Isipin mo naman ang baby mo.", mahinang saad ni Rhian sa'kin ng minsang mag-overtime ako at sinamahan niya ako.

Ngumiti ako sa kanya. "I'm fine.", saad ko. "I'm doing this for my baby. Kailangan ko maka-ipon kaagad ng pera para makabili ng sarili kong lugar. Ayoko nang dumepende sa parents ko. At saka kailangan ko din mag-ipon for my delivery."

Nakita ko ang mapanuring tingin niya sa'kin bago bahagyang tumango.

"If you need any help you know you can always count on me, ha?", aniya. "Kung kailangan mo ng makakasama for your check-up, I'm free.", ngiti niya.

Tumango ako at ngumiti. "Thank you."

I thank Rhian a lot dahil siya ang nagiging taga-remind ko about sa health ko. She became very concerned about me at sa anak ko lalo na ngayon na I almost forgot about the check-up ng dahil sa dami ng trabaho ko.

Sumandal ako sa swivel chair ko at hinimas ang tiyan ko.

My baby would be my strength from now on.

Married with the Good Boy (Del Castillo Boys Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon