Nang sumunod na araw ay maaga akong nagising bago pa tumunog ang alarm ko. I decided to get ready early para na rin mamaya kung tatawag si Marco ulit ay maayos naman ang itsura ko. Simula noong sa eroplano ay hindi na siya natuloy tumawag pagkarating ng hotel dahil lumabas daw sila ni Daddy para kumain kasama iyong ilan pa nilang business partners.Today, I've decided to go to the salon. Magpapa-trim lang ako ng buhok tapos ay magkikita kami ni Rhian para sa lunch. From then ay saka kami magdedecide kung ano ang sunod na gagawin.
"Seems like life suits you well, Sweetheart." pagbati ni Mommy noong sabay kami na kumakain ng breakfast. Tulad ko ay nakaayos na rin siya, she will be meeting her friends at baka manood daw ng sine or magpa-spa.
"Hindi naman, Mommy." sagot ko at uminom doon sa gatas ko.
Mom just asked about our life in the condo. Aniya ay kapag nanganak na ako ay baka mahirapan dahil kai lang dalawa ni Marco ang nandoon.
"It's good if you stay here after you gave birth. Marami kang kasama dito na pu-pwedeng mag-asikaso sa'yo lalo sa mga instances na ganito na aalis si Marco for a business trip."
Tumango ako at, "Pag-iisipan ko pa, Ma. I'll tell Marco about that, too."
After we ate breakfast ay sabay na rin kaming umalis ni Mommy. She'll be taking the car and our driver kaya nagpa-drop nalang ako sa mall para sa aking salon.
"Text me later kapag uuwi ka na para masundo ka, okay?"
I nodded at Mom and kissed her goodbye. Dumiretso na ako sa loob at agad na nagtungo sa papagupitan ko.
Luckily ay wala masyadong customer kaya naasikaso agad ako ng usual na nag-aasist sa'kin everytime na bibisita ako rito.
"The usual, Ma'am?" ani ni Joanne.
Tumango ako at ngumiti. "Uhm, do you think brown hair will suit me?" tanong ko.
Joanne looked at me from the mirror and immediately nodded. "Oo naman, Ma'am! Kahit ano yatang kulay ng buhok ay babagay sa'yo." pagpuri niya.
In the end ay iyong usual ang ipinagawa ko at nagpa-color ng buhok. I'm just reading some magazine when Joanne suddenly spoke again.
"Kinasal ka na pala, Ma'am? I remember noong huli mong punta dito ay single ka pa." kaswal na sinabi niya.
I didn't know how she knew. Siguro ay nabasa niya sa mukha ko ang pagtataka kaya muli siyang nagsalita.
"Nakita ko lang yung name niyo sa records na finillup-an niyo kanina. And I saw your ring too!" ngumiti siya.
I smiled back at Joanne, medyo nahihiya. I'm still not used to people getting shocked once they learned na kinasal na nga ako.
After an hour ay natapos rin naman ang pagpapaayos ko ng buhok. And Joanne's right, maganda nga ang kinalabasan na kulay ng buhok ko. And because I like her work ay nagbigay na rin ako ng tip bago umalis.
Rhian and I decided to meet in a restaurant near the office. Sabi niya ay naroon siya kaya mula dito sa mall ay magkokotse pa ako papunta doon. Luckily, bago ako matapos ay nagtext na ako agad kay Mommy kung pwede akong magpahatid sa aming driver papunta sa meeting place namin ni Rhian kaya noong lumabas ako sa may entrance ay naroon na ang sasakyan at naghihintay sa'kin.
"Sorry, Mang Caloy. Babalikan mo pa ba si Mommy after?" saad ko sa aming driver noong pagsakay ko.
"Ayos lang po, Ma'am. Mamaya pa naman ang tapos nila Madam kaya hindi naman ako mahuhuli ng pagsundo." maayos niyang sinabi at nagsimula ng nagmaneho.
BINABASA MO ANG
Married with the Good Boy (Del Castillo Boys Series #2)
General FictionOne night changed everything between Francesca and Marco. Ang isang gabing hindi nila pareho sinasadya ay naging dahilan para matali sila sa isa't-isa habang buhay. Hanggang kailan nga ba magtatagal ang isang relasyon na hindi naman pinagplanuhan...