"It's all good! This is too cute!"Malawak ang ngiti ko habang tinitignan ang mga litrato ni Franco sa monitor. Katabi ko iyong kaibigan ni Marco na siyang nakuha namin na photographer.
I browsed the other photos. It was all good! Nahihirapan tuloy akong magdecide kung ano ba ang ilalagay namin na picture ni Franco sa mga souvenirs and all. Lahat ay nagugustuhan ko!
"Nandito na pala," Jim said while smiling. Tumayo siya kaya agad kong sinundan ang tingin niya.
Marco's eyes immediately went to me. Bahagya siyang ngumiti sa 'kin bago binalingan ang kaibigan na palapit ngayon sa kanya.
Nagbatian sila doon at maya-maya lang ay sabay nang lumalapit sa pwesto ko. Iginiya ako ni Marco patayo at agad hinila sa tabi niya, before I even knew it ay pinapakilala na ako sa kaibigan niya.
"Why wasn't I invited sa kasal niyo?" Nang-aasar na tanong ni Jim.
Nahihiya akong ngumiti. Halos lahat yata ng kaibigan ni Marco na nakikilala ko ay ganoon ang nasasabi. I can't really say it, though. Kahit na alam ko naman ang dahilan kung bakit.
Our wedding was really rushed. Sinadyang mangyari bago pa lumaki ang tiyan ko dahil sa pagbubuntis. It was an intimate celebration, close family relatives lang halos ang nakadalo.
Later that day ay naglunch nalang rin kami sa labas. Franco is with my parents, doon namin iniwanan ni Marco para mag-asikaso ng ilang bagay sa papalapit na binyag.
"You won't believe it, France. Noong college kami ay lahat halos ng kaklase namin ay may gusto sa kanya!"
Tumawa ako sa sinabi ni Jim. Nakita kong natatawa na rin si Marco ngayon. Umiiling siya at pabirong pinipigilan si Jim na magsabi pa ng kung ano.
Habang naririnig ang mga kwento ng kaibigan niya ay hindi ko mapigilan na maisip kung ano si Marco noong high school siya or noong College siya. Ngayon kasi, base sa nakikita ko, he knows about life. Kaya niya ang mga kahit anong gawain. He has a lot of qualities na I would like to know kung noon pa lang ba ay mayroon na siya.
How was he as a boyfriend? A friend?
I want to know all of those. Sa relasyon kasi namin, walang ganoon. I don't even know what his favorite foods are. Or his hobbies, or favorite song, even his favorite movies.
The thought of that made my heart hurt a little. At hindi ko iyon maalis sa isip ko buong oras na magkakasama kami nila Jim at kumakain hanggang sa pauwi na kami.
"You're silent." Puna ni Marco habang nagddrive.
Ngumuso ako. Ganoon ba ako ka-obvious?
"Hmm, wala lang. I'm just thinking." Sagot ko.
Nakita kong sumulyap si Marco ng isang beses sa 'kin bago ibinalik ang tingin sa daan.
"About?" Sabi niya.
And just like that, nasabi ko na ang gumugulo sa isip ko.
"I mean, we didn't start of as friends." Sabi ko. "I'm just wondering how are you as a friend.. or boyfriend.." lumiit ang boses ko sa huling sinabi at lumingon sa kanya.
There's a ghost smile on his lips. Nahiya ako agad dahil baka kung ano ang naiisip niya! Am I being too dramatic?
"Hindi ko alam ano ako bilang boyfriend.." Aniya. "Hindi ko tuloy masasabi kung maayos ba o ano, pero tingin ko naman ay maayos?" Humalakhak siya.
Agad na kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya. He sound as if he's not sure! Ngayon tuloy ay hindi lang sa kung paano siya as a boyfriend ang naiisip ko. Ngayon ay pati ang kung ilan na ba ang naka relasyon niya!
BINABASA MO ANG
Married with the Good Boy (Del Castillo Boys Series #2)
Fiksi UmumOne night changed everything between Francesca and Marco. Ang isang gabing hindi nila pareho sinasadya ay naging dahilan para matali sila sa isa't-isa habang buhay. Hanggang kailan nga ba magtatagal ang isang relasyon na hindi naman pinagplanuhan...