Chapter 31 - Effortlessly

1.6K 44 1
                                    


We came back to the usual routine the following week. Marco was busy with work habang ako ay busy pa rin sa binyag ni Franco. Kaharap ang laptop ay sabay kong pinapatulog ang anak ko at ang pagsagot sa aming organizer.

All is settled. Nahihirapan nalang kami na maghanap ng photographer dahil halos iyong mga kilala ni Aimee na photographer ay may ibang ic-cover sa mismong araw ng binyag.

"I can't today, Rhian. I'm busy." Malungkot na sinabi ko isang araw na niyaya ako ni Rhian para magkita kami.

Nas-stress na ako dahil ilang linggo nalang halos pero wala pa rin kaming nabobook na photographer.

I spent the day browsing the internet looking for businesses na pwede at may magandang mga feedback. Kung hindi lang dumating si Marco galing sa trabaho ay hindi ko pa mamamalayan na gabi na at sa ganito lang naubos ang oras ko.

"You look so stressed," aniya at hinalikan ang ulo ko.

I sighed pero agad ding napamura ng marealized na wala pa nga pala akong dinner na nailuluto dahil masyado akong nalibang sa ginagawa ko.

"Shit! I'm sorry, hindi pa ako nakakapag-prepare ng dinner.."

Marco's smile immediately showed up. Inilapag niya sa ibabaw ng lamesa ang mga gamit niya bago ko siya nakita na pumapasok ng kitchen.

"Chicken curry?" Tanong niya at nilingon ako mula sa may ref.

Tumango ako at pinagmasdan siyang gumalaw sa aming kusina. He unbuttoned the first few buttons of his shirt bago niya itinupi hanggang siko ang sleeves ng kanyang damit.

While he was cooking ay isinara ko na ang aking laptop. I don't know if makakakita ba si Aimee ng photographer sa mga susunod na araw pero sana ay oo.

I thought simple lang ang magplan ng party. I didn't know it's this hard and stressful!

Matapos kong ibalik sa aming kwarto ang laptop ay pinakain ko na rin si Franco at nilinisan siya bago iniwanan sa may crib para maglaro bago lumabas ulit para icheck naman si Marco. I left the door of our room open just in case umiyak ang aming anak.

Pagkapasok ko sa kusina ay patapos na rin pala si Marco na magluto. He just washed his hands sa may sink bago ako nilingon.

"Kain na tayo?" Aniya.

So I fixed the table para sa aming dalawa at nagsimula na rin na kumain.

Medyo nasasanay na ako sa ganito na kami lang dalawa kasama ang aming baby sa bahay. Ang yaya kasi ni Franco ay nasa probinsya dahil may emergency sa kanila doon.

"How's your day?"

Habang kumakain ay biglang nagtanong si Marco. So I told him what's stressing me the whole day.

"Mayroon akong kakilala," biglang sinabi niya. "Sorry, hindi ko agad nasabi."

Parang ang pag-aalala ko na walang makuha na photographer ay biglang naglaho. Marco then told me that he personally know this photographer. Kaibigan niya at kaklase raw noong College.

Later that night ay tinawagan nga ni Marco iyong kaibigan niya. Nasa kama na kami noon at nakahiga na. I was just watching him while he was talking to his friend. Si Franco ay mahimbing na ang tulog sa kanyang crib.

"Oo, e." Narinig ko na saad ni Marco. "Binyag, pare." Aniya at tumawa.

They just talked casually on the phone. Noong ibinaba na ni Marco ang tawag at hinarap ako ay hindi ko maiwasan na mapataas ang kilay sa paghihintay ng sasabihin niya.

"Swerte raw natin." Natatawang sabi niya.

Mas lalong kumunot ang noo ko.

"Bakit?" I asked.

"He's flying to Canada. Buti raw at nasabihan natin siya agad."

"Huh? Paalis na siya?" Tanong ko. "So that means he's not available?"

"He'd do it. A week after pa naman ng binyag ang flight niya."

Dahil sa nangyaring iyon ay maganda ang naging gising ko kinabukasan. I woke up earlier than usual kaya naghanda na ako ng breakfast. Usually ay si Marco ang naunang nagigising at nagluluto pero today's an exemption.

I cooked breakfast and coffee at sakto lang dahil noong lumabas si Marco sa aming kwarto ay nakahain na rin ako.

"Good morning," he casually greeted me.

Pumasok na siya sa kitchen at nakita ko na buhat niya na si Franco. His other hand is effortlessly carrying our son while his other hand made its way to my waist, he gently pulled me tapos ay marahan niya akong hinalikan sa ulo.

Agad na naman nag-init ang mukha ko sa ginawa niya. It's like kahit gaano katagal na ay hindi pa rin ako nasasanay.

We ate breakfast quietly habang pinapakain ko na rin si Franco. Hindi naman na ako naiilang na mag breastfeed kahit kaharap si Marco dahil nasa bahay lang naman kami.

Marco went to work afterwards. Sabi niya ay half day lang naman siya doon ngayon kaya by lunch ay uuwi na rin siya. He then asked me if I wanted to go to the mall, para na rin daw makapasyal si Franco.

Since it's weekdays at hindi naman masyadong crowded ang mga malls kapag weekdays ay pumayag na ako.

12 noon ay saktong dumating na nga si Marco. I didn't cooked lunch na rin para sa mall na kami kumain. I just packed milk for Franco at mga extra clothes at diaper.

I can't help but to feel in awe as I look at Marco who's effortlessly carrying Franco and his baby things. Halos sumabog ang mukha ko sa sobrang init at kilig habang tinitignan siya sa harapan ko habang nasa elevator kami pababa.

The elevator door opened sa 5th floor ay mayroong tatlong babaeng sumakay. Dahil doon ay mas lalo akong nausog sa may bandang likod. They all stood up beside Marco at kitang-kita ko kung paano nila lingun-lingunin ito.

"Ang cute naman ng baby mo." Bigla ay nagsalita iyong isang babae.

I smiled pero agad na nawala iyon noong napansin ko ang tingin niya kay Marco imbes na sa aming baby na kanyang pinupuri.

"Sobrang gwapo." Dugtong niya pa.

Nakagat ko na ang labi ko lalo na noong magsikuhan iyong dalawang kasama niya.

"Nasaan ang Mommy niya?" Patuloy nitong tanong.

Before I could even react ay naramdaman ko na hinila ako ni Marco sa tabi niya. Dahil doon ay napausog iyong mga babae palayo sa kanya. Marco's hands immediately reached for my hands bago niya hinawakan iyon. He didn't speak, ni hindi niya nilingon iyong mga kumakausap sa kanya.

Halos malusaw ako sa kinatatayuan ko sa elavator buong byahe namin pababa sa parking. Hindi na muli nagsalita iyong mga babae hanggang sa makarating na kami sa ibaba. When the elevator door opened ay naunang lumabas si Marco sa lahat kasama ako.

Diretso ang lakad niya papunta sa sasakyan namin na nakapark habang hindi naman mawala ang ngiti sa labi ko.

Married with the Good Boy (Del Castillo Boys Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon