Chapter 6 - Everything

3.7K 99 0
                                    


Mabilis ang naging pagpaplano namin ni Marco sa kasal. Pero bago iyon ay iyong family dinner muna ng pareho naming pamilya ang inasikaso namin. Ang alam ko ay sinabi niya na sa family niya ang nangyari, ang hindi ko lang sure ay kung ano ang naging reaksyon nila.

"Opo. Saturday, sa Diamond Hotel. 6 PM.", narinig ko ang boses ni Marco. Nasa phone ang kanyang buong atensyon.

Habang mas tumatagal kami na magkasama ay mas lalo ko siyang nakikilala. He's very caring and very kind. Ramdam na ramdam ko palagi ang pag-alalay niya sa'kin pati na rin ang pagtrato niya sa'kin ng maayos. Habang tumatagal din ay hindi ko alam pero nagugustuhan ko ang ganitong set-up namin.

Pagkatapos ng phone call niya sa mga kamag-anak niya na nasa probinsya ay tumuloy na kami sa ospital para sa check-up ko at ng baby namin.

Maayos naman ang naging resulta noon. Nakahiga ako habang nakatayo si Marco sa may gilid. Si Doctora naman ay abala sa pag-u-ultrasound sa'kin.

"Mukhang malakas ang heartbeat ng baby ngayon, ah?", nakangiting saad ni Doctora Ong. Ngumiti ako habang naririnig nga ang tunog ng hearbeat ng baby ko.

Napatingin ako kay Marco at parang hinaplos ang puso ko ng makita ko siyang nakangiti doon habang nakatingin sa monitor. Maya-maya ay naramdaman ko ang paghawak niya sa mga palad ko na nakababa sa gilid. Nakagat ko ang labi ko para pigilan ang mas pagngisi. Ipinilig ko ang ulo ko at bahagyang umiling.

Ilang sandali pang nagtagal kami doon sa loob bago kami tuluyang natapos. Niresetahan lang ako ni Doctora ng mga vitamins at ng mga milk na kailangan ko na inumin para manatili at magpatuloy ang pagiging healthy namin ng baby ko.

Pagkatapos sa clinic ay nagulat ako ng dumiretso kami ni Marco sa mall. Wala kasi ito sa plano namin. The only plan that we have for this day ay iyong sa clinic. Other than that ay wala na.

"We need to buy your vitamins and milk.", aniya noong naglalakad na kami papasok ng mall. Nakaalalay siya sa'kin kaya nakaramdam ako ng medyo pagkahiya. Kahit matagal at palagi niyang ginagawa ang ganito ay hindi pa rin ako nasasanay.

"I'm okay. You don't need na alalayan pa ako.", saad ko sa kanya. Nilingon niya ako at agad na nagtagpo ang mata namin. His eyes are dark and mysterious na palagi kong napapansin kapag tinitignan ko siya.

Nagulat ako ng ngumiti siya ng bahagya. "It's fine.", saad niya at nagulat ako ng kinuha niya ang kamay ko at hinawakan iyon.

Nawalan na ako ng imik ng tuluyan. Hindi ko alam kung para saan ang pagkabog ng dibdib ko. Kung para saan at kung ano man ang ibig sabihin noon ay wala akong ideya.

Katulad ng sinabi niya ay dumiretso nga kami sa bilihan ng gamot pati na rin ng gatas. Ako na ang pumila sa counter para sa bibilhin ko. Nasa likod ko lang siya at nakatingin lang sa'kin.

Nang magbabayad na ako ng mga nabili ko ay nagulat ako ng bigla ay siya iyong nag-abot noong card doon sa babae na kitang-kita ko ang pagtitig sa kanya. Tiningala ko siyang muli pero agad akong napalayo ng makita na sobrang lapit namin sa isa't-isa.

"I can pay for it-"

"Please let me do this. Wag na nating pagtalunan pa 'to, France.", aniya, pinuputol iyong dapat ay sasabihin ko. Hindi na ako nakipagtalo at hinayaan na lang siya sa ginawa niya.

After buying milk and medicines ay hindi na rin kami doon nagtagal. Dumiretso na kami pauwi at hinatid niya ako. Hindi pa rin sila nagkakasundo masyado ni Mommy kaya noong bumaba siya sa bahay namin ay tanging si Daddy lang ang nag-asikaso sa kanya. Miski sa'kin ay medyo malamig pa rin ang pagtrato ni Mommy. I can't blame her, though. Ako ang may kasalanan, hindi ko iyon itatanggi.

"When? Are you sure nasabi mo na sa Lolo at Lola mo?", tanong ni Daddy. Kaharap niya si Marco at ako naman ay nakikinig lang sa gilid.

Nakita ko ang pagtango ni Marco. "Opo, tito. Nasabi ko na rin sa parents ko but they won't be there sa family dinner. They're planning to go home baka po next next week pa."

Ganoon lang ang naging eksena sa bahay hanggang sa dumilim na at magpaalam na si Marco. Bago siya umalis ay binisita pa niya ako sa kwarto ko. Mabuti nalang at nakapag-ayos naman ako ng sarili ko bago niya ako pinuntahan dito.

"Do you want anything?", tanong niya nang naupo sa gilid ko sa ibabaw ng kama ko.

Umiling ako. "Wala naman. Uuwi ka ba ng San Miguel?", tanong ko.

"Oo. Baka sa isang araw pa ang balik ko dito.", aniya. Tumango ako at hindi na muling nagsalita.

Hindi ko alam pero parang ayoko na umalis at umuwi muna siya sa kanila. The thought of not seeing him tomorrow ay parang nakakairita para sa'kin. Shit? What's with me?

"Hey.", I heard him say kaya napalingon ako sa kanya. Agad ay nagtagpo na naman ang mata namin. Oh, how I wish na sana ay makuha ng anak namin ang mga features ng mukha niya. Hinding-hindi ako manghihinayang kung makukuha niya ang buong itsura ni Marco. He's goodlooking kaya sana ay ganoon rin at sa kanya magmana ang anak namin.

"Hmm?"

Tinignan ko siya pabalik at naghintay ng sasabihin niya. Imbes na magsalita ay bahagya lang siyang umiling at nagulat ako ng marahan siyang lumapit sa'kin at marahan akong hinalikan sa noo. Bigla ay bumilis ang pagtibok ng puso ko. Napapikit ako at bahagyang napahawak sa dibdib ko.

"I'll see you after tommorrow?", saad niya. "I'll call or text to check on you kaya palagi mong hawakan ang phone mo.", bilin niyang sinagot ko nalang ng pagtango.

Hinintay pa ako na makatulog ni Marco bago niya ako tuluyang iniwanan. Kinabukasan ay nagising ako ng dahil sa tunog ng cellphone ko. Nang tinignan ko ang screen noon ay agad kong nakita ang pag-flash ng pangalan niya sa screen ko.

Marco Del Castillo calling....

Agad ko sinagot ang tawag niya at agad iyong inilagay sa tainga ko.

"Hello?", saad ko.

"Good Morning. Nagising ba kita?", narinig ko kaagad ang boses niya.

Umiling ako. "Hindi naman. Bakit ka nga pala tumawag?"

"On the way na ako ng San Miguel.", saad niya. "Nga pala, nag-iwan ako ng pagkain sa maid niyo. Dinaan ko kanina bago ako bumyahe pauwi."

Agad akong napangiti sa sinabi niya. Kinagat ko ang ibabang labi ko bago tuluyang bumangon sa kama. Hindi na ako nag-ayos ng sarili ko basta ay dumiretso na ako pababa at papunta ng kitchen. Agad na bumungad doon sa'kin ang isang tupperware na nakapatong sa ibabaw ng dining table.

Binuksan ko iyon at agad na nakita ang pagkain na mukhang siya pa ang nagluto. Hindi ko maiwasan ng mas makaramdam ng tuwa dahil doon sa mga simpleng effort niya.

"Thank you! Nakita ko na.", saad ko.

"Sige. Eat your breakfast tapos take your meds. I'll text you later kapag nandoon na ako.", saad niya bago niya pinutol ang tawag.

Hindi ko alam pero dahil doon sa simpleng pag-iwan niya ng breakfast ko ay buong araw akong good mood. I don't know anymore.

Oo, wala kaming relasyon at walang label kung ano ang relasyon namin ni Marco pero kung ano man ang mayroon kaming dalawa ngayon, ayos na iyon sa'kin. Alam ko na ginagawa niya ang lahat ng iyon para sa anak namin kaya sobra-sobra ang pasasalamat ko dahil sa kabila ng lahat ng nangyari ay maayos at sobrang ganda pa rin ng pakikitungo niya sa'kin.

Oo, hindi ko alam kung ano ang magiging buhay namin sa oras na maikasal kami pero isa lang ang alam ko. Whatever happens, I'll do everything para lang mapasaya si Marco pati na rin ang magiging anak naming dalawa.

Married with the Good Boy (Del Castillo Boys Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon