"He's so cute! He looks a lot like Marco!"Ngumisi ako habang tinititigan si Rhian na buhat buhat ang anak ko.
It's been almost a month now! Hindi ako makapaniwala hanggang ngayon na nahahawakan at nakikita ko na iyong dati ay malikot na bata lang na nasa loob ng tiyan ko.
My grin grew wider when I saw Rhian poking my son's cheeks.
"His dimples will be every girl's death, I'm telling you."
This time natawa na ako. It's too early for that! Ni wala pang isang buwan ang anak ko!
Rhian can't seem to get enough of Franco. Sobrang gwapong-gwapo siya dito at ayaw talagang bitiwan kung hindi lang siya sinundo ng kanyang Fiancé.
Same as before, parang nakay Rhian lang ang buong atensyon ni Ansel. Pero noong nakita niya si Franco ay nagulat ako noong batiin niya ito.
"Hey there."
Ngumuso ako.
Hindi ko naman maipagkakaila na sobrang bagay silang dalawa. Pero hindi ko rin maiwasan na maisip kung ano ba talaga ang totoong nangyari kay Rhian at kay Greg. One of these days ay ayon siguro ang itatanong ko sa kanya.
Rhian and Ansel left after a while. Ang alam ko ay may dadaanan pa silang appointment para sa kanilang kasal.
Habang nagbabantay kay Franco ay inabala ko nalang ang sarili ko na magbasa ng magazine. The past few days ay nahihilig ako sa mga pag-check ng iba't-ibang fashion brands. It just calms me seeing beautiful women wearing beautiful clothes.
I flipped the page again at agad na napahinto. The tall girl wearing nothing but underwear caught my attention. Fierce ang kanyang itsura habang seryosong nakatingin sa camera.
I remember this girl, she's the girl from the grocery store last time! Hindi ako pwedeng magkamali! Ang ganda ganda niya talaga pero hindi ko inakala na totoong model siya.
I read the article below her picture. It says there something about the brand of the underwear she's wearing and about her.
Natigil lang ako sa pagbabasa noong umiyak si Franco. Kakagising lang niya at mukhang gutom na agad! Tumatawa akong lumapit sa crib nya at agad siyang binuhat.
"Why is my baby crying again, huh" saad ko at isinayaw sayaw siya. Mas lalo lang naman lumakas ang pag-iyak niya.
I can't believe babies could be this cute even when they are crying!
"Ito na nga po, Sir. Kakain na ka na nga po!"
Natatawa akong umiling habang umuupo sa kama.
I've been breastfeeding him since he was born. Noong una ay medyo nakakailang pero nasanay na rin ako.
Agad na tumahimik si Franco, natawa naman ako agad. Sobrang bugnutin talaga nito!
We were in that position noong bumukas iyong pinto ng kwarto at agad na pumasok si Marco. He immediately smiled at me noong magkatinginan kami at marahan siyang naglakad hanggang sa nasa may gilid ko na siya.
He gently leaned in before kissing me on top of my head and before he gently caress Franco's small hands.
"He just woke up?" Tanong niya.
"Yup. Umiyak agad," Natatawang sabi ko. "He's grumpy when he's hungry."
It was Marco's turn to laugh. Ang baritonong tawa niya ay agad na nakagulat sa tahimik na si Franco!
"You're shocking him!" Saad ko at hinampas ang braso niya.
Tumatawa pa rin siya noong hinawakan ang kamay ko. Maya-maya ay tumigil din siya sa pagtawa pero naroon sa rin sa gilid.
BINABASA MO ANG
Married with the Good Boy (Del Castillo Boys Series #2)
Ficción GeneralOne night changed everything between Francesca and Marco. Ang isang gabing hindi nila pareho sinasadya ay naging dahilan para matali sila sa isa't-isa habang buhay. Hanggang kailan nga ba magtatagal ang isang relasyon na hindi naman pinagplanuhan...