I need to move forward.
That's what I kept thinking the following days. That's why I changed my usual routine. Bukod sa trabaho ay inabala ko ang sarili ko kay Franco at sa sarili ko. During weekends and days when I'm off work ay siya ang inaasikaso ko kung hindi naman ay nasa gym ako.
I tried changing my lifestyle and avoiding doing the things that would make me remember him. I'm trying to move forward, it's not an easy thing to do but I am trying my best for myself and my son.
"You're heading out?" Bungad ni Janelle isang gabi na tumawag siya sa skype para sa aming virtual meeting.
Umiling ako at ibinaba ang gym bag ko sa may sahig.
"I just got home." Sabi ko. "Galing ako sa gym."
Hinubad ko ang suot kong jacket at naupo sa may harapan ng laptop.
The usual virtual meeting went as usual. We talked about sales, mga promos, endorsement, and all. Hanggang sa bigla siyang may nabanggit.
"I'm going home." Biglang sabi niya.
Kumunot ang noo ko.
"Joaquin and I talked. Nagkita kami dito sa New York." Sabi niya. "He knows about Jax."
Hindi ako agad nakapagsalita. She kept going on with the details. Joaquin is the Father of her son. Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari sa kanila, but I know that she hid her pregnancy with him. It's complicated.
"Are you staying here for good?" Tanong ko. "How about the branch there?"
For me, it's just an honest question. I wasn't even expecting something that when she offered me to fill the New York position for her, it left me almost speechless.
"Just think about it first." Sabi niya at nagpaalam na rin.
Nang gabing iyon ay walang naging laman ang isip ko kung hindi ang offer niya. A part of me wants to take the job, pero may parte sa 'kin ang nagdadalawang isip dahil iiwanan ko si Franco dito. I love my son so much, ni hindi ko nga alam kung kaya ko ba talaga ang malayo sa kanya. Lalo na ngayon dahil sa mga nangyari.
Sumapit ang weekends at nagyaya si Rhian na lumabas para mag-unwind. Sa club ay kasama namin ang kanyang fiancé at ang ilan pang ibang kaibigan.
"To the soon to be married couple!" Sumigaw si Keith at itinaas ang kanyang baso. Nagsigawan kami at ganoon din ang ginawa.
For a while, I allowed myself to chill. Sabi ko ay kaunti lang ang iinumin, pero habang tumatagal at lumalalim ang gabi ay hindi ko namalayan na napaparami na ang inom ko kung hindi lang ako pinigilan ni Rhian.
"You've had enough." Aniya.
Umiling akong ngumiti at pinanood na lang ang ilang kaibigan sa dancefloor.
Nagpalit ang kanta sa lugar. Hindi ko mapigilan na maalala ang unang beses na nagkausap kami ni Marco.
Funny because everything started in a place exactly just like this.
Hindi ko maiwasan na makaramdam ng pait sa lahat ng nangyari. Hindi ko maiwasan na makaramdam ng sakit at galit sa lahat. Dahil akala ko, okay na kami. Na porket kasal na kami ay wala nang pwede pang makasira. Iyon pala ay hindi.
It doesn't always work like that. Not because you're already married then it's already a happily ever after for you. Well it's not for us.
"Bathroom lang."
Hindi ko na hinintay na sumagot pa si Rhian. Tumayo na ako at umalis para dumiretso sa banyo. Tuloy-tuloy ang lakad ko papunta doon pero agad na mayroong nabunggo.
Mag-s-sorry na dapat ako kung hindi ko lang agad narealize kung sino iyon.
It was Cindy.
Agad na kumirot ang puso ko.
Mula noong nakipaghiwalay ako kay Marco ay wala na akong narinig na balita tungkol sa kanya. Ang alam ko lang ay minsan bumibisita siya sa bahay kapag nasa trabaho ako para makita si Franco, pero bukod doon ay wala na.
"France." Cindy greeted me.
Hindi ko magawang ngumiti. Ni hindi ko magawa ang tignan siya nang diretso. Bawat segundo na tumatagal na alam kong nasa harapan ko siya ay mas lalo lang gustong kumawala ng galit sa sistema ko.
I wanted to accuse her of ruining my Family. I wanted to get mad at her for taking away the chance for Franco to grow up with a complete family.
Pero pinigilan ko ang sarili ko.
"I hope you're happy."
Iyon lang ang tanging nasabi ko bago ako umalis doon.
Imbes na sa banyo ay agad akong lumabas ng lugar. Bumuhos agad ang luha ko pagkalabas na pagkalabas ko. Maraming tao sa labas pero wala na akong pakialam.
Umiiyak at nasasaktan ako para sa sarili ko at para sa pag-asa ng isang buong pamilya kasama si Marco. Umiiyak ako dahil sobrang sakit na umasa sa isang bagay na hindi naman pala mangyayari. Umiiyak ako para sa pagkabigo na alam kong possibleng mangyari pero hindi ko inakala na magiging ganito kasakit at kahirap.
I wanted to disappear. Gusto ko ang mawala. Gusto ko ang mawala lahat ng nararamdaman ko. But at the same time I don't want it to happen because of Franco. Bukod sa pamilya at ilang kaibigan ay siya na lang ang mayroon ako. I don't want to disappear on him.
Dahil hindi ko na kaya pa ang bumalik sa loob ay nagtaxi na lang ako para makauwi. Nagtext na lang ako habang nasa daan kay Rhian na umuwi na ako dahil naghahanap si Franco.
When I arrived home ay tulog na nga si Franco sa kwarto ko. Katabi niya ang Yaya niya na agad ring nagising noong dumating ako.
"Ako na rito, Yaya. Pahinga ka na." Ngumiti ako.
Lumabas na rin ang Yaya. Naglinis lang ako saglit para mawala ang amoy ng alak at sigarilyo mula doon sa pinuntahan namin kanina bago ko tinabihan sa kama si Franco.
Hinaplos ko agad ang mukha niya. I smiled at the thought that it would be really impossible for me to forget about Marco knowing that every bit of Franco's face resembles him.
Maybe it won't really happen. Siguro nga hindi ko siya makakalimutan talaga kahit ilang taon pa ang lumipas. After all, he's the Father of my child. Maybe just like Janelle's situation, I can't really take Marco out of the picture because we have a child.
And maybe that's okay. Maybe in time I'll learn to accept that it's over for us but not for Franco and him. And maybe, maybe one day we could still be friends for the sake of Franco.
But it won't happen anytime soon. Hindi ngayon, hindi bukas, hindi sa isang linggo. Because right now, all I could really think of is the pain and the failed marriage we had.
And I can't deal any of those anymore. I can't deal with it now that every place I'll be or every person I'll see will just keep on reminding me of him.
I needed to be out of this place. I needed to be away. I needed to leave.
I need it. I need it to forget him.
BINABASA MO ANG
Married with the Good Boy (Del Castillo Boys Series #2)
General FictionOne night changed everything between Francesca and Marco. Ang isang gabing hindi nila pareho sinasadya ay naging dahilan para matali sila sa isa't-isa habang buhay. Hanggang kailan nga ba magtatagal ang isang relasyon na hindi naman pinagplanuhan...