Chapter 26 - Labor

1.6K 44 10
                                    

Days flew a lot faster.

Kung hindi sa trabaho abala si Marco ay sa pag-aasikaso niya sa 'kin siya nagiging abala. I don't mind, really. Mas gusto ko nga ang ganoon dahil medyo nahihirapan na rin akong gumalaw galaw sa bahay dahil sa malaki ko na ngayon na tiyan.

"Are you sure?" Marco asked.

Umirap ako at bahagyang natawa. Hindi ko na nabilang kung pang-ilang beses kong sinagot ang tanong niya na 'yan.

"Yes, Sir!" Saad ko.

Nakita ko na bahagyang kumunot ang noo niya at ibinalik ang tingin sa laptop sa harapan niya. May binabasa siya ngayon doon na tingin ko ay tungkol sa trabaho.

Umiling ako at nagtungo sa kitchen.

Today's Friday. Off ni Marco kaya narito siya sa bahay. Dahil busy pa rin ay nagw-work from home siya kaya ako ang nagpresinta na magluto para sa aming lunch.

Para sa ulam ay parang nagcrave ako sa Sinigang. Kumpleto naman ang rekados sa ref kaya hindi ako nahirapan. Nagsimula na akong pakuluan ang meat para palambutin at isa-isang inilagay ang mga usual nitong ingredients.

An hour later ay naghahain na ako. Pagkatapos noon ay binalikan ko si Marco sa living room na ganoon pa rin ang itsura katulad noong umalis ako. Nakatalikod siya sa 'kin kaya hindi niya napansin ang paglapit ko.

Nasilip ko ang kanyang screen at nakita ang isang presentation doon. I don't know if that's his pero mukhang pinag-aaralan niya iyon.

"Kain na?" Marahang tanong ko.

Hindi siya umimik pero ibinaba niya na iyong screen ng laptop. Pagod siyang humilig sa may couch at nakita kong napapikit siya saglit.

Pagod na pagod talaga ito noong mga nakaraang araw. Hindi naman lingid sa kaalaman ko ang expansion ng business ng family nila. Siya ang panganay na apo at anak kaya siya ang namamahala.

"Are you tired? Do you want to take a nap first?" Saad ko.

My hands immediately went to his shoulders. Marahan ko iyong minasahe. I saw him tensed a bit bago ko nakita ang marahang pagdilat niya at pagtingin sa 'kin.

"Let's eat." Deklara niya.

We ate lunch together tapos ay bumalik na ulit siya sa ginagawa niya. Ako naman ay pumasok na muna sa kwarto para magbasa. As much as I want na kulitin siya ay hindi ko ginawa dahil alam kong busy siya.

I read some books at agad nakaisip ng isang bagay.

Now that I remembered ay hindi pa kami nakakaisip ng ipapangalan sa aming baby.

Ngumisi ako at kinuha ang phone ko. I browsed the internet para maghanap ng mga pangalan.

I want something simple pero ilang minuto na ay hindi pa rin ako makakita ng pangalan na pumapasa sa taste ko.

I'm busy doing that kaya hindi ko napansin na nakapasok na si Marco sa kwarto at tumatabi na sa 'kin. Siguro ay napagod na sa pagbabasa kaya magpapahinga muna.

"What are you doing?" Aniya at dinungaw ang cellphone ko.

Medyo nahiya ako at huli na bago ko pa naitago ang screen. Nakita niya na iyon dahil agad niyang kinuha ang phone ko mula sa 'kin.

"Baby names?" Nakangiting saad niya.

Nahihiya akong tumango.

"Wala akong mapili sa mga nakikita ko," sabi ko. "Do you have something in mind?"

Nakita ko ang pagnguso niya nang bahagya. Ang gwapo niya lang talaga! Kahit na anong ekspresyon ay hindi nagbabago!

"Franco." Biglang sinabi niya.

Married with the Good Boy (Del Castillo Boys Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon