Bumyahe kami papunta ng San Miguel matapos ang reception para sa kasal namin ni Marco. Dahil hindi naman raw ganoon katagal ang byahe mula Manila hanggang San Miguel ay hindi na kami kumuha pa ng driver."Are you cold?" Tanong ni Marco at nilingon ako. Hininaan nya ng kaunti ang aircon ng sasakyan.
"Ayos lang," saad ko. "Matagal ba ang byahe?"
"Hindi masyado. Before midnight ay nandoon na rin tayo."
Inaliw ko ang sarili ko sa pakikinig ng mga kanta sa stereo ng kanyang sasakyan. Ang mga kamag-anak ni Marco ay nauna nang umuwi ng San Miguel. Sila Lolo at Lola kasama ang parents niya. Iyong Tito niya naman na galing ng States ay sa araw ba yata ang uwi.
I've never been to the province kaya ngayon ay medyo excited ako. Noong highschool ako ay naiinggit ako sa mga kaklase ko noon na tuwing bakasyon ay sa probinsya nagbabakasyon. Ako kasi ay puro out of the country ang pinupuntahan. It's either Hongkong, Japan, or Malaysia.
Habang nasa byahe ay hindi ko maiwasan na pagmasdan si Marco. Ewan ko ba, pero nitong mga nakaraang linggo ay lagi kong nakikita ang sarili ko na natutuwang pagmasdan siya. Napatingin pa ako sa may kamay niyang nakahawak sa manibela at hindi maiwasang mapangiti nang makita ko roon ang kaparehas na singsing na meron ako.
The proof that we're married.
"Daan muna tayong drive thru para bumili ng pagkain." Aniya.
"Hmm. Ipasok mo na muna, I need to pee." Nahihiyang sabi ko.
Nahuli ko ang pagngiti niya bago tumango. At katulad ng sinabi ko ay ipinasok nga niya ang sasakyan sa parking ng isang gas station na may maraming fast food na nakapaligid.
He parked the car near KFC bago niya pinatay ang makina.
"Let's go?"
Tumango ako bago dinampot ang wallet ko tapos ay sabay na kaming lumabas ng sasakyan.
Niyakap ko kaagad ang sarili ko noong makalaas kami. The wind is cold, dala na rin siguro ng damit kong hindi naman ganoon kakapal.
"Giniginaw ka?" Narinig ko na saad ni Marco sa likuran ko.
Nilingon ko agad siya para sabihin na ayos lang pero nakita ko siyang binubuksan na iyong likod ng sasakyan. May kinuha siya saglit doon at noong humarap siya ay mayroon na siyang hawak na itim na jacket. He then handed it to me.
"Baka magkasipon ka, suotin mo na." Ngumiti siya.
Sinunod ko ang sinabi niya. Sinuot ko ang jacket at nagulat pa ako nang lumapit siya at inayos ang pagkakasuot nito. Isinara niya pa ang zipper nito para sa'kin.
"There you go." Nakangiting sabi niya. Saglit niya akong tinitigan bago ko naramdaman na bigla niyang kinuha iyong kamay ko at isinabay ako sa paglalakad niya.
We entered KFC at hindi maalis ang tingin ko sa kamay naming magkahawak. It's kinda late pero marami pa ring tao sa loob at nakikita ko kung paano napupunta ang tingin nila sa amin, or should I say kay Marco.
Nothing's new about him. Bukod sa bagong gupit siya ay wala namang bago pero naaagaw pa rin niya ang atensyon ng karamihan.
"Good evening, Sir. Ano pong order nila?" The lady in the counter greeted us with a smile. Ang buong atensyon niya ay nasa kay Marco.
"Ano'ng gusto mo?" Saad ni Marco habang nakatitig na naman sa'kin.
Napunta ang tingin ko sa babaeng naghihintay at nakitang titig na titig siya sa aming dalawa ngayon. Noong makita ang pagtingin ko ay agad itong ngumiti sa akin. Ngumiti ako pabalik at nahihiyang sinagot si Marco.
BINABASA MO ANG
Married with the Good Boy (Del Castillo Boys Series #2)
General FictionOne night changed everything between Francesca and Marco. Ang isang gabing hindi nila pareho sinasadya ay naging dahilan para matali sila sa isa't-isa habang buhay. Hanggang kailan nga ba magtatagal ang isang relasyon na hindi naman pinagplanuhan...