18th. The Gatchalians

36 2 2
                                    

Inihahandog ko sa inyo...

*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*

DAY 3

Love Pad

"Juno..."

"Mmmm..."

"Juno..."

"Hmmm?"

"'Pag di ka pa gumising dyan, hahalikan kita."

Napadilat siya at mukha ng kanyang very fresh na Hubby ang bumungad sa kanya. Nakabihis ito habang nakatayo sa tabi ng kama nila. Napangisi siya. "Then I won't wake up. Pabor na pabor sa'kin yang threat mo."

Napailing lang ito sa sagot niya pero may ngiti sa labi nito. "Don't seduce me so early in the morning, Wife. C'mon, stand up."

"Anong meron? Day off ko ngayon, I think I deserve to wake up a little later than usual." Nagpupungas na umupo siya sa kama nila.

Isang makalaglag panty na titig lang ang sagot nito sa kanya. Nailang tuloy siya sa suot niyang maluwag na T-shirt dahil parang humahagod ang tingin nito sa buong katawan niya.

Iniwas niya ang tingin niya dito. "Ano na naman yang tinginan na yan?"

Bumuntong-hininga lang ito bago tumalikod. "Nothing. Maligo ka na at maluluto na yung breakfast natin."

*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*

Naghahain na siya sa lamesa nang bumaba si Juno.

Napangiti siya sa suot nito. Simpleng-simple lang ang suot nito at hindi mukhang may-ari ng isang napakalaking architectural firm pero hindi ibig sabihin noon ay nakabawas ito sa appeal nito.

"Saan ba talaga tayo pupunta?" Umupo na ito sa hapag at tinignan ang mga nakahain. "Wow. American style breakfast naman tayo ngayon ah."

Nilapag muna niya ang kape nito bago siya umupo. "Hindi tayo magheaheavy breakfast 'coz we're going somewhere with lots of food. Baka hindi ka makakain ng maayos."

Nilantakan nito ang omelette habang tinititigan siya. "Which goes back to my question, saan ba tayo pupunta?"

He just smirked.

For sure ay matataranta ito 'pag nalaman nito kung saan niya ito balak dalhin.

"'Wag mo kong nginingitian diyan! Saan nga tayo pupunta?" Nakasimangot na ito habang punong-puno ng toast ang bibig nito. Cute.

Kumuha na lang siya ng omelette at inalok dito. "Here. Eat."

Tinaasan lang siya nito ng kilay. "Eat that yourself."

"Juno..."

"Kiev Martin..."

Bumuntong-hininga na lang siya.  "Whatever."

They ate in silence for a few minutes 'til he felt Juno poking his hand on the table.

Bigla naman itong ngumiti at itinapat ang toast sa bibig niya. "Here. Eat."

Married To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon