8th. Ms. Prod and Mr. Perfect

51 3 0
                                    

Inihahandog ko sa inyo...

*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*

May narinig siyang kaunting kaguluhan sa labas pero wala siyang pakialam. She's nursing her broken ego. How dare that bastard?!

She trusted him all her life 'tas ngayong kailangan niya ng tulong nito ay gagaguhin siya nito? Well, damn him! Hindi niya ito kailangan! Nakausap na niya before si Lance at pumayag ito na pumalit kay Kiev once na mag-inarte ito. And mag-inarte he did! Bwisit siya.

Kalimutan na nitong nagkakilala sila!

Kalimutan na rin nitong tinulungan siya nito sa business nito.

Bukas na bukas din ay ipapacut niya lahat ng advertisement na ginawa niya para sa kumpanya nito.

Hindi pala kailangan ng publicity ah.

Ilang minuto lang ay naramdaman niyang may yumakap sa kanya mula sa likod at ipinatong ang baba nito sa kanang balikat niya. Hinalikan siya nito sa leeg sa ilalim ng tainga niya. "I'm sorry for that, Hon. I didn't know."

Nagpakawala siya ng hininga. "Hindi mo kasalanang irecommend siya. It's my fault for not anticipating his outburst. Nakalimutan kong he hates surprises. Especially if it's against him."

Ipinatong niya ang kamay niya sa kamay nitong nakapulupot sa tiyan niya. She felt something wet. She looked down and his knuckle is bleeding. "Sky! Ang kamay mo!"

Sky Anthony Evans chuckled. "He deserves it after making my beautiful wife cry. Ako lang ang pwedeng magpaiyak sa'yo. And besides, matagal ko nang gustong gawin 'yon after knowing that he's the one who got your virginity."

"Ano ka ba naman?" Tinanggal niya ang pagkakayakap nito sa kanya at hinila ito papunta sa couch. Pinaupo niya ito roon at kinuha ang first aid kit niya sa banyo. "You shouldn't have done that."

Umupo siya sa tabi nito at sinimulang gamutin ang sugat nito.

"I couldn't help it. Kakaunti lang ang taong nakakapagpalabas ng totoong ikaw na napakafragile and I'm pissed off na isa siya sa mga taong iyon." He said as a matter-of-factly. "Idadag mo pa na he took your virginity."

Tinignan niya ito ng masama at pahagis na binalik ang kamay nito. Nakabandage na ito ngayon. "Paulit-ulit ka about sa virginity ko. Nakaka-offend ka na! I told you beforehand, di'ba? Nagsisisi ka ba?"

"Pam. Stop pouting and you know that's not what I meant. I wanted me to be your first and only in everything but to think na he touched the places that I love to touch now, I get jealous." Pag-amin nito sa kanya.

"You're jealous?" Hindi makapaniwalang tanong niya. "How could you be jealous? We're married, for goodness' sake!"

Tumahimik silang dalawa. Nakita naman niyang sumandal ito at pumikit like he's contemplating something.

She smiled. Lumapit siya dito at umupo sa kandungan nito. Dumilat lang ito at pinagmasdan siya.

Naguguluhan siya. Akala niya napakacomposed nang asawa niya. She never took him for a jealous man. Akala niya siya lang ang laging nagseselos because let's admit it, her husband's super hot. Guess she's wrong. And she doesn't know why she feels giddy.

Hinawakan nito ang nakalugay niyang buhok at tumawa ng mapakla. "I know that we're married but a man's jealousy is something you can't decipher. We can easily get jealous just because. And malas ko, you're fvcking gorgeous. Buti na lang you're such a dominant kaya hindi ka nila nilalandi. But the way they all look at you... Ugh!" Kumpleto pa ito sa pagwagayway ng kamay. "Why can't we have a baby, Hon?"

Married To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon