Before anything else, gusto ko lang po sana batiin si simplelifeofmine! (((o(*゚▽゚*)o))) Thank you soooooo much for the votes, for the wonderful comments and for supporting this story! Iba pala talaga ang feeling kapag may nakakaappreciate sa pinaghirapan mo. Hahaha! Don't worry, dadalasan ko na ang pagupdate para sa'yo and all the silent readers! Mwaaah!
Inihahandog ko sa inyo...
*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*
"Haaaaaaaaaaa!" Malakas na paghikab ni Czari habang nakaupo sa harap ng Guard House ng subdivision kung saan sila titira ng virtual husband niya.
"Oh, Miss Ganda, kain ka muna." Pag-abot sa kanya ng mamon ng isa sa mga security guards na naroon.
Tinanggap naman niya iyon. "Wow. Salamat, Kuya."
Hindi naman halatang excited siya sa 'Sweet House' nila ni Gabe.
Bored na bored na kasi siya sa bahay kaya thirty minutes siyang maagang dumating sa napag-usapan nilang meeting place.
Nag-offer naman ito na sunduin siya kaso magkabilang dulo ang mga bahay nila kaya siguradong anong oras sila makakarating dito kung sakali.
Nagcommute na lang siya para maranasan naman niyang makasakay sa bonggang sasakyan nito; isang 2015 Ferrari F12berlinetta. Hindi niya inexpect na ganoon ang sasakyan nito dahil parang low profile lang ito pero sagot nga nito nung tinanong niya, 'buying that sports car is one of the few luxuries that I let myself enjoy'.
Tinignan niya ang mga security guards na busy sa kanilang trabaho. Makikipagchikahan na nga lang muna siya, pampalipas-oras.
"Kuya, nakita mo na yung bahay namin dyan?" Tanong niya rito.
Ngumiti naman ito sa kanya. "Oo naman, Miss Ganda. Simple lang pero bagay na bagay sa inyo ni Sir Gabriel."
Natawa siya. "Sana nga magustuhan ko. Mahigit three months ang isstay ko diyan. Kailangan bongga."
Sinimulan niyang kainin ang mamon na binigay ni Kuya Manong Guard habang sinisipat ang mga sasakyan na dumadaan sa tapat ng subdivision.
Napabuntong-hininga na lang siya at humarap ulit kela Manong. Pinanood na lang din niya ang pinapanood ng mga ito. One More Chance. Sakit sa dibdib.
"Kuya, may inumin ka ba diyan? Nakakauhaw tong mamon na binigay mo." Tanong niya ng maubos niya yung tinapay na bigay nito sa kanya.
Muntik na siyang mahulog sa inuupuan niya ng may dumikit na sobrang lamig sa pisngi niya.
Tumingala siya at nakangiting mukha ni Gabe ang bumungad sa kanya.
"Strawberry shake, you want?"
*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*
Natawa siya nang dali-daling bumaba ng sasakyan niya si Czari para tignan ang Love House nila.
"Babe, dahan-dahan ka lang. Baka madapa ka." Paalala niya dito habang dumiretso para kunin ang mga maleta nila.
"I'm not a child, Gabe." Pagsimangot nito sa kanya at binalik ang atensyon sa bahay nila.
Simple lang ito pero mukhang perfect para sa kanilang dalawa ni Czari. Tama lang ang laki para sa 'newywed' na tulad nila.
BINABASA MO ANG
Married To You
RomanceThree houses. Three couples. Six different personalities. One reality TV Show. Akala nila simpleng play time lang ito. Pero malayong-malayo ito sa akala nila. Feelings will get involved. Magiging komplikado ang mga bagay na akala nila...