13th. Surprise Surprise

46 2 0
                                    

Inihahandog ko sa inyo...

*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*

Tahimik silang dalawa ni Sky habang nagmamaneho ito papunta sa DNIJJ.

It's Casual Tuesday kaya parehas silang nakacasual na damit. Sa sobrang pagkacasual ay parehas silang nakasleeveless. Usapan na nila iyon kaya bawat araw sa isang linggo ay terno talaga sila ng asawa niya.

Simula ng mapanuod nilang dalawa ang first episode ng Married To You ay parang lagi na itong may iniisip na hindi niya mawari.

It's been three days at parang distracted na distracted ito. Nakakapag-usap naman sila pero may pader sa pagitan nila. Alam niyang may kinalaman ang sinabi ni Kiev sa show niya. Ang pahaging na pagsabi nito na siya ang dahilan ng pagbabago nito. Sinubukan niyang kausapin si Sky tungkol doon pero umiiwas ito.

"Sky..." Panimula niya.

Ni hindi siya tinapunan ng tingin ng asawa niya. "What?"

Parang biglang nagpantig ang tainga niya. "Ikaliwa mo."

"What?" Ngayon ay tumingin ito sa kanya ng nakakunot ang noo.

"Ang sabi ko ikaliwa mo. Mahirap bang intindihin 'yon?" Seryoso niyang sagot dito at tumingin sa labas ng sasakyan.

Walang imik na sinunod nito ang sinabi niya pero ramdam niya na naiirita na ito sa kanya.

Well, the feeling is mutual!

Tahimik lang na nagdrive si Sky habang siya ay unti-unting kinakalma ang sarili.

Pakiramdam niya ay napakalayo ng asawa niya samantalang narito lang naman ito sa tabi niya.

Nang makita niya ang gusto niyang puntahan ay pinatigil niya ang asawa niya. "You can drop me off here."

Sinunod naman ni Sky ang sinabi niya.

Tinanggal niya ang seatbelt niya at binuksan ang pinto. "I know na dadaan ka sa DNIJJ. Nasa desk ko lahat ng documents na kailangan mo. If you need something, magpaassist ka na lang kay Faye. Siya ang nakakaalam kung nasan ang mga gamit mo sa opisina ko. Salamat."

Sinuot niya ang sunglasses niya at dire-diretsong lumabas at naglakad papunta sa paborito niyang tambayan.

And for the first time in three years ay hindi siya naggoodbye kiss kay Sky.

*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*

Badtrip na badtrip niyang nginuya ang hotdog sandwich na binili niya kanina bago umakyat sa napakagandang parte na ito ng La Mesa Ecopark.

Dito siya madalas magpakalma kapag nasstress na siya sa buhay niya and it never fails.

"Walang-hiyang Sky na yun. Ni hindi man lang ako kinausap. Wala rin naman akong idea na ganun yung mangyayari at sasabihin ng mga yun." Kinausap na niya ang sarili niya sa sobrang inis niya.

Totoo naman yung sinabi niya.

100% na nacaught off guard siya sa pagsipot ni Kiev sa show niya at pinakita nito sa simula pa lang ang soft side nito. Hindi niya inexpect na magsasalita ang mga ito ng ganun. Si Juno talaga ang may kasalanan nito. Masyadong prangka. Alam naman nito ang past nila ni Kiev pero hala sige pa rin sa pagdadadaldal dito. Wala siyang karapatang magalit dahil sinabi niya ngang be yourself sa show niya pero parang bumabalik sa kanya ang mga pinagsasabi niya.

At ang magaling naman niyang asawa imbes na suportahan siya just like how he usually do ay iniwan siya sa ere na lalong nakapagpadepress sa kanya.

"Bwisit kang Sky Anthony ka..." Namamaos niyang sabi.

Married To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon