Inihahandog ko sa inyo...
*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜
DAY 9
。Homey Bunch 。
"L, where are you? Ready to go?" Narinig niyang tanong sa kanya ni Ryan. From the sound of it, pababa na ito mula sa kwarto nila.
Tinapos niya ang paghahanda ng pagkain para sa virtual husband niya. "Andito ako sa kitchen. Sandali lang, patapos na ako."
Pumasok si Ryan sa kitchen at mukhang nagulat ito sa dami ng pagkain sa lamesa. "Ang dami namang pagkain. Para saan 'to?"
Kumuha ito ng isang chicken lollipop at pumunta sa ref para kumuha ng juice.
Umupo ito sa stool sa harap niya.
Pinunasan niya ang kamay niya bago tinakpan lahat ng Tupperware. "Sabi mo may shoot kayo ngayon sa Marines sa Ternate, di'ba? Naghanda lang ako ng kaunting makakain para sa'yo pati na rin sa mga staff."
"Kaunti?" Nakataas ang kilay na tinignan nito ang mga hinanda niya.
She rolled her eyes at him. "Opo. Kaunti lang 'yan kung tutuusin sa dami ng staff na tumutulong sa mga shooting niyong mga artista."
Tinaas nito ang kamay nito bilang pagsuko. "Oo na, oo na. Should we go?"
"Wait lang. Kukunin ko lang yung-"
Itinaas ni Ryan ang Herschel Dawson backpack na binigay nito sa kanya. "I got it already."
She smiled at him and kissed his right cheek. "Thanks."
He return her smile with one of his. "You're welcome, Sweetheart."
*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*
7 o'clock na nang makarating sila sa DNIJJ.
Naroon na halos lahat ng staff na kasama niya sa Ternate and as per usual, wala pa rin si Direk Jojo, isa sa mga matatagal nang nagtratrabaho sa DNIJJ. Forte nito ang action na siyang shinooshoot nila ngayon. Sa tagal niya sa showbiz ay dalawang beses lang ito pumasok ng on time: isa noong sinundo nila ito at pangalawa ay noong pinatawag ito ni Ms. Prod para sa isang importanteng project.
Hininto niya ang sasakyan sa entrance ng building at tinanggal ang seatbelt niya bago naunang bumaba.
Ganoon rin ang ginawa ni L at humarap muna sa kanya. "O pa'no? Mauna na ako."
Inabot niya ang kamay nito at hinila papasok sa building. "Ihahatid na kita."
"Ha? Ano ka ba? 7 o'clock ang call time niyo at nandon na lahat ng staff! Bumalik ka na doon!" Pilit na hinihila ni L ang kamay nito habang siya naman ay parang wala lang na patuloy na naglalakad papunta sa elevator paakyat sa opisina ng virtual wife niya sa 18th floor.
"You know how Direk Jojo is. Baka after 30 minutes pa 'yun dumating dito." Sagot lang niya dito at pumasok na sa elevator.
Sumunod ito pero hindi pa rin nawawala ang kunot ng noo at pout nito.
Pinipigilan niya ang matawa dahil clear ang repleksyon nila sa pinto ng elevator.
His wife is so adorable. Minsan ay hindi niya mapigilang asarin ito para lang makita ang reaksyon nito. Napakacute nito kapag naiinis. Kadalasan nga lang ay nakakagat siya ng 'di oras dahil ang hilig niyang akbayan ito.
BINABASA MO ANG
Married To You
RomanceThree houses. Three couples. Six different personalities. One reality TV Show. Akala nila simpleng play time lang ito. Pero malayong-malayo ito sa akala nila. Feelings will get involved. Magiging komplikado ang mga bagay na akala nila...