16th. Love Pad

34 2 1
                                    

Waaah!!! 524 reads!!! Kinikilig ako!!! Hihihi. Maraming salamat sa mga nagtiya-tiyagang magbasa ng aking mumunting kwento. I love you guys! Cheers! ♪(*^^)o∀*∀o(^^*)♪

Inihahandog ko sa inyo...

*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*

"Love Pad? Tsk. Ano na naman kayang kalokohan netong Ms. Prod na 'to?" Hawak-hawak ang Mission Card at bitbit-bitbit ang dalawang maleta niya ay naglakad siya papunta sa meeting place nila ng virtual husband niya at hulaan niyo kung saan...

CHADAN!!!!

Sa DNIJJ Entertainment!

Tumigil siya malapit sa facade ng building na napapalibutan ng bulaklak. May mga upuan din kaya pwede siyang magpahinga.

Hay naku, bakit kasi tanghaling tapat pa naisipan ni Kiev Martin maglipat ng bahay? Nakakapagod ng sobra tas ang init-init pa. Pangalawang araw pa lang nilang nagmeet at consistent ang virtual husband niya sa pagiging bwisit.

Tinignan niya ang relo niya. 12:05.

Nilabas niya ang iPhone niya at dinial ang number nito.

Napagkasunduan nilang ibigay ang number nila sa isa't-isa nung pauwi na sila galing sa Yacht Club. Sa gulat ng lahat (maging siya) ay ito ang naghatid sa kanya pauwi gamit ang oh-so-sexy nitong itim na sasakyan dahil wala siyang dalang sasakyan noon.

Kinausap siya nito tungkol sa pagpaparty niya at nagdemand na ibigay niya ang number niya dito for emergency purposes. At kahit parang hilong talilong siya ay sumunod siya't ininput ang number niya sa iPhone nito.

Doon niya natuklasan na sweet pala ang virtual husband niya kahit sobrang suplado nito.

"Gatchalian." Pormal na sagot nito na mukhang nakaspeaker ang phone kaya hindi na nito natignan kung sino ang tumatawag.

"Hoy, Gatchalian. Where the hell are you? Nandito na ako sa DNIJJ, ang dami kong dala, sobrang init kahit November, mukha akong kawawa at naiinip na ako." Dire-diretso niyang sabi.

"Hey, Juno. Good noon. It's nice to hear from you too." Rinig na rinig niya ang ngisi sa sagot nito.

"Are you laughing at me? Ikaw 'tong nagsabi na 12 o'clock sharp 'tas ako pala yung maghihintay sa wala? My goodness! Nasaan ka na ba?" Iritableng sabi niya.

"I'm not laughing at you. I just find you amusing. You're such a nagger." Komento nito.

Nangigigil na siya. "I won't nag you kung tumutupad ka sa usapan. Nasaan ka na ba talaga? Sumagot ka ng maayos kung ayaw mong mapalayas sa bahay natin kahit hindi pa tayo nakatira don!"

Biglang may umihip sa kabilang tainga niya.

"Ay, anak ka ng-!" Biglang may kamay na tumakip sa bibig niya bago pa niya matuloy ang sasabihin niya.

"I told you before, right? Stop cussing." Bulong sa tainga niya gamit ang baritonong boses nito.

She turned around and saw her uber mega hot virtual husband wearing casual clothes that suits him really well.

He smirked at her. "Hey there."

Pinigil niya ang paglalaway niya at sumimangot. "'Wag mo kong i-Hey there hey there diyan, Kiev Martin, late ka at naiimbyerna ako sa iyo."

Mas lalong lumawak ang ngisi nito. "Yeah, yeah. Sorry na." Inabot nito ang dalawang maleta niya at nauna nang maglakad papunta sa oh-so-sexy na sasakyan nito na nakapark malapit sa kanila.

Married To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon