Inihahandog ko sa inyo...
*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*
DNIJJ Entertainment, Quezon City
"Ms. Prod, good morning." Pumasok ang isang maliit na babae sa kanyang opisina.
May dala itong bilog na tray at napabusangot siya nang maamoy kung ano ang ipinasok nito sa opisina niya.
Nilapag nito ang tasa sa harap niya at ngumiti. "Here's your coffee. Do you need anything else?"
Nginitian niya ito ng pagkatamis-tamis. "Good morning, miss. I presume you're Reina's substitute now that she's on her maternity leave?"
Mukhang nastarstruck ito sa pagkakangiti niya. Well, she has that effect on people. At ginagamit niya iyon every chance she got.
"Yes, Ms. Prod. I'm Faye Yanzon, Ms. Reina's apprentice. I'll be your temporary assistant for two months while Ms. Reina is on her maternity leave." Ngiting-ngiti itong sumagot sa kanya.
Tumayo siya at nakita niyang hangang-hanga na tinignan nito ang suot niya. She's just wearing a white business suit. Pero sabi nga sa Metro Magazine nang nagpaunlak siya ng six page feature dito and she quotes, "We are sure that even in rags, DNIJJ Entertainment's President and COO will still look exquisite."
"Okay. Since this is your first day, I'll spare you." Binawi niya ang napakagandang ngiti niya at sinample-an niya ito ng infamous death glare niya.
Napatayo ito ng maayos at bakas sa mga mata nito ang gulat at takot na kadalasang iniimpose niya sa mga empleyado niya. "M-M-M-Ms. Prod?"
Humalukipkip siya. "First, I do not like coffee. The taste, the smell, anything about coffee. Do you understand? And let me warn you, kapag hindi mo natanggal ang amoy kape dito sa opisina ko, I'll get pissed off all day and I'm sure na hindi ka magtatagal 'pag nangyari 'yon."
Nanginginig na ito ngayon at mukhang nag-iisip na ng paraan para mawala ang napakabahong amoy ng kape sa opisina niya.
Good dahil baka himatayin siya sa sobrang baho.
FYI, hindi siya buntis. Ayaw lang talaga niya yung amoy ng kape. Ang sakit sa ilong, gumuguhit yung amoy sa lalamunan. Argh! Nasusuka na siya.
"Second..." Huminga siya ng malalim. "... do your job right dahil we do not let incompetent individuals stay in this company."
"Y-Y-Y-Yes, Ms. Prod." Kulang na lang ay itaklob nito sa ulo nito ang tray na hawak nito.
Umupo na ulit siya sa executive swivel chair niya. "You may leave now, dear."
Yumuko ito at lumabas na.
Pero bago ito makaalis ay nagsalita siya. "Oh, and lastly..."
Tumigil ito at humarap sa kanya. "P-P-P-Po?"
Sincere na siyang ngumiti. Which she doubts na maipagkakaiba nito sa plastic niyang ngiti kanina.
"Welcome to DNIJJ Entertainment."
*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*
Humarap siya sa labas ng office niya kung saan matatanaw ang buong siyudad. Well, her office is on the 50th floor at puro glass wall ang pinalagay niya. Takot siya sa heights pero nakasanayan na niya ito.
Narinig niya ang pagclick ng pinto.
Bumuntong-hininga siya.
Dalawang tao lang ang malakas ang loob na pumasok sa opisina niya ng walang paa-paalam.
Yung isa ay nasa Japan para sa isang contract signing ng partnership nila nang pinakamalaking entertainment company doon. Ito ang laging rumerepresent sa kanya sa loob at labas ng bansa dahil sa totoo lang ay napakaraming dapat asikasuhin dito sa opisina lalo na ngayon at may pinroduce siyang malaking project na siya mismo ang nagaasikaso.
Anyway, sigurado siya na yung isa pa ang nangahas na pumasok.
"Pau- este, Ms. Prod. Eto na yung mga files na nirequest mo. Everything's going according to plan." Inikot niya ang upuan niya at hinarap si Jeremy.
Isa ito sa pinakapinagkakatiwalaan niya dito sa DNIJJ. Well, why not? Eh childhood friends sila. Lahat na ata nang bagay sa buhay nang isa't-isa ay alam nila.
They're BFFs.
At siya mismo ang nakakita sa evolution nito from Jeremy to Jerica. Yup, he's gay. Pero yung casual na gay. He dresses like a man, acts like a man, pero sabi nga nito, deep inside his everything, babaeng-babae ito.
Maraming nagkakagusto dito dahil super pogi nito. Tall, fair skin, Brazilian features. He's a Mendez, from a Brazilian clan that's well known in the industry. Sa lahat ata ng bansa ay may mga talent na hindi basta-basta itong pinapadala.
She grinned. "Glad to hear that, Jer."
Tumingin ito sa desk niya at inabot ang umuusok pa ring tasa ng kape. "No wonder that temporary assistant of yours looked like she saw a ghost when she went out." Uminom ito at umupo sa couch. "Nakalimutan ata sabihin ni Reina. Hm. In fairness, masarap yung timpla niya."
She rolled her eyes. "It's not my fault. I really hate it."
"Yep, at nagtratransform ka kapag nakakaamoy ng kape." He stated.
"I do not."
Humalakhak ito. "Yes, you do. Nakakatakot ka kaya. Anyhoo, are you sure about The Chosen Six?"
Napatigil siya sa tono ng pananalita nito. He sounded unsure, scared even. "Of course I am. Why?"
"Well... unang-una, they have no idea what's in store for them being part of this show. And yung mga pinili mo pa yung tipong hindi papacontrol sa ibang tao." Sambit nito.
Binuklat niya ang folder na dala-dala nito. Lulan nito ang profile ng mga napili niyang bibida sa kanyang pinakamalaking project ever.
Czarina Ramos
Lorelei Ocampo
Juno Villapando
Ryan Salarzon
Gabriel Cho
Kiev Martin Gatchalian
Each prominent figures in their own fields, well, except for one.
Napangisi siya. "Don't worry about it. Hindi ko naman sila pipiliin kung hindi ako gumawa ng paraan para umoo sila."
"Really? How can you be sure na o-oo talaga sila?"
Nagkalumbaba siya at mas lalong lumapad ang pagkakangisi niya. "Of course I'm sure. Alam ko ang likaw ng bituka ng mga 'yan..."
Humarap ito sa kanya habang nakadekwatro. "Pinainvestigate mo ba sila or nameet mo na sila before?"
Sumandal siya at pumikit.
"They're my friends."
*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*
Ü
Questions?
K. See you next chapter!
Vote. Comment. Spread the love.
inna
BINABASA MO ANG
Married To You
RomanceThree houses. Three couples. Six different personalities. One reality TV Show. Akala nila simpleng play time lang ito. Pero malayong-malayo ito sa akala nila. Feelings will get involved. Magiging komplikado ang mga bagay na akala nila...