11th. First Date: Hotel Rooftop

54 3 1
                                    

Para kela dangcalingacion, mafepot0220, 0220joi and rivasxelizalde na nag- add sa Married To You sa kanilang Reading Lists... isang malaking THANK YOU! (@⌒ー⌒@)

Inihahandog ko sa inyo...

*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*

Lucullan Hotel and Casino

Kanina pa naghihintay si L sa harap ng five-star hotel na ito. Yung mga valet ay pinagmamasdan siya. Pati yung mga receptionist sa loob ay nagtatakang tinitignan siya.

Ang sabi sa kanya ay four o'clock. Maaga siya ng ten minutes kaya wala siyang ibang magagawa kundi maghintay.

Four thirty na. 30% na rin yung pagkainip niya.

Wala naman siyang makuhang matinong sagot mula sa staff ng show basta ang sabi ng mga ito ay 'Ito ang inutos ng virtual husband mo.' Hindi pa niya nameemeet ang virtual husband niya pero he's already showing his dominance on her.

'Wag nga ito. Hinding- hindi siya magpapaunder sa lalaking hindi naman niya kilala. Subukan lang nito at masasaktan ito ng pisikal. Black-belter ata siya. Iyon lang ang natatanging luxury niya noong nag-aaral pa siya; ang mag-aral ng iba't-ibang klaseng martial arts.

Grabe ang kabang nararamdaman niya ngayon.
Kanina sa bahay ay hindi niya alam kung anong isusuot niya para sa first date eme nila ng virtual husband niya.

Hinalughog na niya ang damitan niya pero wala siyang makita ni isang magandang isuot. Puro T-shirt, pants at sneakers ang naroon.

Pumunta siya sa kwarto ng Papa niya at tumingin sa mga cabinet nito. Puro damit nito iyon.

Bumuntong-hininga siya.

Nakakalungkot naman.

Mukhang magpapakita siya sa virtual husband niya as her usual tomboy self. Hindi niya alam kung bakit pero gusto naman niyang iprove na she can be pretty and strong at the same time.

Isasarado na sana niya ang cabinet nang mahagip ng mata niya ang isang malaking itim na paper bag na nakatabi sa ilalim ng mga nakasabit na polo ng Papa niya.

Kinuha niya iyon.

Forever 21.

May naka-attach na note.

Lorelei anak,

Pumunta kami ng kuya mo sa mall kanina. Binilihan kita ng regalo na alam kong hinding-hindi mo inaasahan. Hindi ko alam kung paano ko ibibigay sa'yo ito dahil alam ko namang ayaw na ayaw mo sa mga 'kaartehan'. Masyado kang nagfocus sa pagtaguyod ng pamilya natin na hindi mo na naiisip ang sarili mo. Pasensya ka na anak na walang magawa si Papa kung hindi tumanggap lang ng tumanggap. Alam mo naman 'pag mga sixty plus na, lahat masakit. Proud na proud ako sa'yo. Ikaw pa rin ang baby girl ko. Gamitin mo ito at isipin mong babae ka rin. Puro T-shirt na lang damit mo. Mahal na mahal kita pati ang mga kapatid mo. You are my life. Salamat anak.

Papa

Grabe ang hagulgol niya ng makita iyon.

Tinawagan niya ang Papa niya at nagpasalamat.

Sinuot niya ang itim na floral dress na binigay nito. Fitted ito sa ibabaw at flowy sa ibaba na umabot hanggang gitna ng hita niya. It's too short for her liking pero bagay naman sa kanya kaya ginamit pa rin niya iyon.

May kasama pa iyong maliit na brown na body bag.

Ginamit niya ang brown na Dr. Martens niya na bumagay naman sa suot niya.

Married To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon