5th. Ryan

58 3 3
                                    

Inihahandog ko sa inyo...

*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*

"Ms. Prod called me again today." Panimula ni Manager Raffy (Short for Rafaela) habang nasa dressing room sila at inaayusan siya for his new TV commercial.

Gusto niyang iikot ang mata niya but his makeup artist's doing his eye makeup. "Ano na naman ba ang gusto ng baliw na 'yon? I told her that I'll do what I want. Kahit anong sabihin niya na masama sa image ko ang clubbing, I'll still do it. It's what I want."

Binaba ng manager niya ang iPad na hawak nito. "Ryan, Ms. Prod's the President and COO of DNIJJ. Siya ang nagbigay sa'yo ng opportunity para mapunta ka sa lugar kung nasaan ka ngayon. You should try listening to her paminsan-minsan."

"No."

"Ryan..." She's starting to sound exasperated.

"Manager Raff, she wants me to stop doing what I love. I love drinking, meeting other people and just having fun." Itatry niya iexplain sa manager niya ang point niya. "It's a good thing that I'm not like other actors my age na napapabayaan ang trabaho nila dahil sa mga bisyo nila."

"I know that, but still..."

Tinignan niya sa salamin ang itsura niya. Hmm. Pwede na. Pinasalamatan niya ang makeup artist niya bago ito umalis. "And besides, buti nga I'm not involved in any scandals. Malinis ang record ko. Ms. Prod's just afraid na madungisan 'yon."

"You can't blame me, Ryan Salarzon."

Napalingon sila pareho ng manager niya sa pinto ng dressing room niya kung saan kasalukuyang nakatayo ang pinag-uusapan nila kanina pa.

He sighed. "Talk of the devil and the devil shall come."

"Ryan! A little respect, please!" Pinalo siya ni Manager Raff sa ulo ng magazine na nakapatong sa coffee table na naroroon.

"Aray naman!" Reklamo niya.

Pumasok ito sa loob at umupo sa katabing stool niya. "It's alright, Raffy. Sanay na ako sa bastos na bunganga ng batang ito."

"I'm not a child anymore! I'm 28, for goodness' sake!" Sigaw niya dito.

"And I'm 31. I'm old enough to still call you a kid. Isa pa, you were 20 when you first auditioned here. I can still remember how desperate you were-"

Tumayo siya. "Stop it! Hindi ka nakakatuwa!"

Natawa naman ito sa turan niya. "Bakit? Matuto kang lumingon sa pinanggalingan mo, dear. Dahil kung hindi ka nagmakaawa noon na ipasok kita kahit isang extra, wala ka ngayon dito sa shooting ng bago mong commercial at nagswiswimming sa dami mong salapi."

Natahimik naman siya. May punto ito. Masyado niya kasing kinakahiya ang pagmamakaawa niya dito noon. Every chance she got kasi ginagamit nito iyon laban sa kanya.

Parang napagod na umupo siya sa stool niya. "Whatever. Bakit ka nandito? Bukod sa guluhin ang tahimik kong buhay?"

"I'm going to give you a big project." Walang anu-anong sabi nito sa kanya.

Napanganga siya.

Matapos niyang pasakitin ang ulo nito ay bibigyan siya nito ng isang malaking project?

Pero bakit?

Naunahan siya ng manager niyang magtanong. "Pero bakit po, Ms. Prod? I mean I know kung gaano po kayo nasstress sa attitude ni Ryan, so..."

Nagdekwatro ito, dahilan upang makita nila ang flawless nitong legs na kahit minsan ay hindi nila nakitaan ng stockings. "Simple. He's perfect for the job. He's single, straightforward, famous, and handsome. Isa siya sa mga characters na kailangan ko."

Married To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon