Inihahandog ko sa inyo...
*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*
"Okay! Lift your chin up. That's right! A little bit to the left... Perfect!" Sinunod niya ang instructions ni Gary, ang photographer niya for this shoot, at tuwang-tuwa siya nitong kinuhaan.
Ganoon naman siya eh. Napakadali kasi niyang katrabaho. Every instruction sinusunod niya and she's aware of every single part of her body, kung paano siya magpopose according to the theme. Masyado na siyang matagal sa industriyang ito para magpakaclumsy.
She's 24 this year and she's been modelling pagka-eighteen na pagka-eighteen niya. It has always been her dream; to pose for the camera and to own the runway. And now after six years, she's become one of the sought after models in the Philippines and abroad.
She's short and she's not that pretty but everytime she poses for the camera or walk on the runway, nag-iiba ang opinion ng mga tao. She is the master of her own profession. She was born to do this.
And now she's having a photoshoot para sa isang kilalang brand ng street-style clothing line.
Binigyan pa niya si Gary ng ilang pose na bagay na bagay sa theme nila ngayon bago ito pumalakpak at sumigaw ng, "Okay everyone! That's a wrap! Great work guys!"
Niyakap at nagpasalamat muna siya kay Gary at ilang representative ng brand bago nagpaalam sa mga crew at pumasok sa dressing room niya.
Prenteng-prenteng nakaupo ang assistant niya na si Becky sa upuan niya at nakataaas pa ang paa sa sa vanity habang kinakain ang mga chocolates na kasama ng mga bulaklak sa ibabaw ng coffee table.
"Hoy Becky. Umayos ka nga. Paupo ako diyan." Tinulak niya ang binti nito habang tinitingnan ang sarili sa salamin.
Sumunod naman ito at umupo sa couch sa likod niya.. "Makahawi ka naman te. Tuturuan nga ulit kita ng Good Manners and Right Conduct mamaya."
Tumaas ang kilay niya habang tinitignan ito sa salamin. "So, parte ng Good Manners and Right Conduct ang pagkain ng chocolate na hindi naman para sa kanya?"
"Oh come on, Czari. Para namang kakainin mo 'to. You're too much of a health buff para kumain ng pagkain na makakapagpalaki ng katawan mo." Hinawi pa nito ang kamay parang sinasabi na wala lang ang sinabi niya.
"I'm not a health buff, Becky. Puhunan ko ang katawan ko so I need to take good care of it." Sabi niya habang sinisimulang tanggalin ang make-up niya.
"Yeah right. At puhunan ko din ang katawan ko dahil nakakastress kang bantayan so I need to eat a lot. 'Wag ka nga." Pagpout nito after isubo yung isang Ferrerro.
Natawa siya doon. "As if. Para ngang ikaw pa yung binabantayan ko eh. Palitan na kaya kita. Magrerequest na ako ng bagong PA kay Manager Lala."
Tumayo ito at kumuha ng dalawang basong tubig sa dispenser. "Uy, grabe ka naman. 'Wag ganun. Nakita na kitang lumaki sa industriyang ito so please 'wag mo kong papalitan kay Ate Lala."
"Becky, six months pa lang kitang PA. 'Wag kang ambisyosa diyan. Nakita mo na kong lumaki sa industriya eh ikaw nga itong bitbit-bitbit pa ng Ate mo nung siya pa yung PA ko." Sabi niya dito.
Napaisip ito at tumawa. Binigay nito sa kanya ang isang basong tubig. "Oo nga no? Pero AT LEAST, nakita kitang lumaki, di'ba?"
Napailing siya habang nangingiti.. "Ewan ko sa'yo. Bilisan na nga natin at may lunch date pa kami nila Mommy."
"Yes, madam!"
*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*
Inip na inip na siya.

BINABASA MO ANG
Married To You
RomanceThree houses. Three couples. Six different personalities. One reality TV Show. Akala nila simpleng play time lang ito. Pero malayong-malayo ito sa akala nila. Feelings will get involved. Magiging komplikado ang mga bagay na akala nila...