3rd. Lorelei

78 3 0
                                    

Inihahandog ko sa inyo...

*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*

Dahan-dahan niyang tinulak ang rack ng mga damit ni Ms Prod papunta sa office nito.

Siya si Lorelei Ocampo. Nag-apply siya sa DNIJJ Entertainment tatlong taon na ang nakakaraan bilang assistant sa isa sa mga writer ng kumpanya.

Gumraduate siya bilang Journalist sa isang eksklusibong unibersidad three years ago. SA siya noon at nagpapartime siya sa isang maliit na clinic kaya nakapagtapos niya ang sarili niya.

Bunso siya sa tatlong magkakapatid. Ang dalawang Kuya niya ay may kanya-kanya ng pamilya at parehas nang humiwalay ng bahay.

Siya na lang ang naiwan kasama ang Papa niya na ngayon ay napakahina na para magtrabaho kaya siya na ang nag-aalaga dito. Ang Mama naman niya ay happy happy na in Heaven with Papa God and Bro. Namayapa na ito noong 12 years old pa lang siya.

Sanay na siya sa hirap kaya pagkagraduate niya ay nagapply agad siya dito. Sinuwerte naman siya at maganda ang offer sa kanya. Nabibigyan niya ng magandang buhay ang Papa niya.

Rrrrrrrriiiiiiinnnnggg!

Muntik na siyang madapa sa lakas ng ringtone niya. Shet. Niloloud pala niya iyon sa bahay. Buti na lang wala siya sa studio kundi patay na naman siya kay Ms. Angelou (Head writer ng DNIJJ at boss niya).

Tinignan niya ang caller.

Ang kuya niya?

"Hello, Kuya Liam? Bakit po? Akala ko nasa bahay ka?" Bumisita kasi ang mga ito kay Papa dahil gusto daw makita ng mga pamangkin niya ang lolo ng mga ito.

"L! Andito kami sa hospital! Si Papa sinugod!" Natatarantang sabi ni Kuya at parang hingal na hingal ito.

Nanginginig na sinagot niya ito. "A-Ano?"

"Hindi ko alam. Nakikipaglaro lang siya kela Angel, bigla na lang siyang hindi makahinga at bumagsak." Rinig na rinig niya ang takot sa boses ng kapatid niya.

"L... Kailangan ka ni Papa..."

*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*

Dali-dali niyang pinasok sa opisina ni Ms. Prod ang rack at lumapit dito.

Mukha namang nagulat ito dahil sa hindi niya pagkatok.

"Ms. Prod..." Maluha-luhang tawag niya dito.

Tumayo ito at lumapit sa kanya. Hinawakan nito ang mga balikat niya. "L, bakit? Anong nangyari?"

Hindi niya alam kung bakit sinasabi ng iba na masama ang ugali nito.

Una niya itong makilala sa isang set.

Guest ito nang isang talkshow. Tarantang-taranta siya dahil wala si Ms. Angelou at siya ang nagmanage ng mga kailangang script para sa araw na iyon.

Sa sobrang kaba niya ay nahulog lahat ng scripts na dala niya.

Natigil ang taping dahil sa ingay niya.

Galit na galit ang director sa kanya at pinagsisigawan siya sa harap ng lahat. Pinipilit niyang hindi umiyak kahit sobrang napahiya na siya. Tinanggap niya ang mga insulto nito kahit labag sa kalooban niya.

Pinulot niya isa-isa ang mga script. Ni walang nangahas tumulong sa kanila dahil sa sobrang galit nung director.

Laking gulat niya nung nakakita siya ng cream na platform shoes sa harap niya. Isa lang ang may suot noon at sigurado siya. Tumingala siya at nakita niya ang pinakaunexpected na taong tutulong sa kanya.

Married To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon