Inihahandog ko sa inyo...
*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*
"If I lay here.. If I just lay here...
Would you lie with me and just forget the world?"
Inistrum niya nang panghuling beses ang gitara niya.
Sobrang tahimik.
Dumilat siya at narinig niya ang palakpakan ng mga tao sa bar na kinakantahan niya ngayon.
It's a thursday night at ayon kay Boss Jay na manager ng bar na ito, "Thursday is Broken-hearted Day".
Ngumiti siya at nagtilian ang mga babae. "Sabi ni Boss, Broken-hearted Day daw ngayon. I'll just say a few things bago ko kantahin ang last song ko."
Malakas ang pag-awww ng mga guests.
"Don't worry. You'll see me pa rin kung pababalikin pa ako ni Boss Jay kaya siya ang kausapin niyo." Tumawa siya at kinawayan si Boss na nasa bar ngayon at nag-aassist ng orders.
Umiiling-iling lang ito habang nagpupunas ng mga baso pero kita niya ang ngiti sa labi nito.
"Anyway, sa lahat ng broken-hearted ngayon... Nothing I can say can lessen the pain that you're feeling now. I know you hate it but someday soon, 'pag nakita mo siya at nagkaharap kayo, you'll find it in your heart to sincerely smile at him or her and be able to admit that you've moved on and you're thankful with everything that had happened between the two of you." He showed them an encouraging smile dahil nakita niyang marami sa mga guests ay lumuluha, babae man o lalaki. "This is for you guys."
"I've made up my mind, don't need to think it over..
If I'm wrong, I am right,
don't need to look no further.
This ain' lust. I know this love.
But if I tell the world, I'll never say enough.
'Cause it was not said to you.
And it's exactly what I need to do,
if I end up with you..."
Tuloy-tuloy ang paggitara't pagkanta niya habang pinagmamasdan ang mga guests nila ngayon.
Seryosong-seryoso ang mga ito.
Bakit ganito ang mga tao?
Masyado nilang pinaprioritize ang love life samantalang napakaraming bagay pa ang dapat nilang pagtuunan ng pansin.
Nagkakagusto siya sa babae pero it's not enough para makalimutan niya ang mga prinsipyo niya sa buhay, ang mga priorities niya.
Ang mga tao ngayon, bata man o matanda, masayadong naghahangad ng isang happy ending ngunit paano magiging masaya iyon kung namumulubi ka na?
Siguro nga masyado siyang hater. Pero ganun naman talaga eh. Yung tatay nilang Koreano na sinundan ang nanay niya dito sa Pilipinas ay masyadong dinibdib ang linyang 'When we're hungry, love will keep us alive.' Hindi ito makahanap ng matinong trabaho at lagi pang nag-iinom kaya ang nanay nila nakipaghiwalay, nag-abroad at nag-asawa ng Australiano. Bukod sa bunso niyang kapatid na babae, may dalawa pa siyang kapatid na babae sa side ng nanay niya.
Kaya nagsikap siya para kahit papano ay mabuhay niya ang sarili niya pati ang kapatid niya, well, pati na rin ang tatay niyang lasinggero.
Sabi nila Genius daw siya dahil self taught siya sa napakaraming musical instruments na tinutugtog niya. Ang hindi nila alam ay noong college, lagi siyang tambay sa Music Hall para pag-aralan ang mga instrumentong naroroon.
BINABASA MO ANG
Married To You
RomanceThree houses. Three couples. Six different personalities. One reality TV Show. Akala nila simpleng play time lang ito. Pero malayong-malayo ito sa akala nila. Feelings will get involved. Magiging komplikado ang mga bagay na akala nila...