7th. Kiev

49 3 0
                                    

Inihahandog ko sa inyo...

*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*

"We need to launch this new item by next week if we want to meet our projected sales for the year." Pormal na sabi niya habang nakaupo sa dulo ng mahabang conference table at tinitignan ang bagong modelo ng cellphone na bago nilang produkto para sa taong ito.

Tumikhim ang isa sa mga executives ng kumpanya niya, si Mr. Rodriguez. "Pardon the intrusion, Mr. Gatchalian. But don't you think the projected sales that was presented at the start of this year is too high for us? It's the highest we've ever tried to reach. Furthermore, we only have two more gadgets to be launched this year. Nasa seventy percent pa lang tayo ng projected sales. It's already October."

May ilan-ilan na tumango ngunit karamihan ay umikot ang mata sa sinabi nito.

Tumayo siya at lumapit dito. Sumandal siya sa table na nasa kaliwa nito. "So, are you saying, Mr. Rodriguez, that there is no hope for us to reach that projected sales?"

"I'll be frank, Sir. I believe it's impossible. No more time, our gadgets to be launched are too few, we have to reach another 30 percent of sales. We also have to take into consideration yung mga competitors natin na nagmumultiply every single day." Confident na sagot nito sa kanya,

Tumango-tango siya at bumalik sa upuan niya. Pinabuksan niya ang ilaw at hinarap ulit si Mr. Guevarra. "You have a point. But I'm surprised at how dubious you are of our dear ol' company's success."

Mukhang nanigas ito sa sinabi niya.

Nabalot naman ulit ng katahimikan ang conference room kung nasaan sila.

"Wala kang tiwala na kaya nating maabot ang 30 percent ng projected sales in two and a half months? Then I'm sorry to say that you're not worthy to be called one of this company's executives." Seryosong turan niya dito.

Nag-iinit ang ulo niya dito.

Tinitigan niya ito. "Our employees are trying hard to achieve that sales 'tas ikaw wala man lang kahit ni katiting na kumpiyansa? You are such a disappointment."

"B-But sir..."

"Shut up. From now on, you are demoted. You're going to be one of our sales agents. Ikaw ang maghahanap ng mga kliyenteng kayang punan ang 30 percent ng projected sales natin. Understand?"

Wala itong masabi. Nakayuko lamang.

Inilibot niya ang paningin sa mga tao sa conference room.

"Any more comments?"

Katahimikan lang ang sagot ng mga ito sa kanya.

*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*

Kahit narinig niyang bumukas ang pinto ng opisina niya ay hindi niya pinansin ito.

Sigurado naman na ang pinsan niya yan.

"Hey Kiev, hanggang ngayon ba naman nagtratrabaho ka? Try mo rin kayang umuwi ng maaga." Lumapit sa kanya si Lance, ang vice president ng Gatchalian Group of Companies.

Sumunod ito sa kanya bilang pinakapinagkakatiwalaan ng buong angkan nila sa napakaraming business na itinaguyod ng mga ito noon na hanggang ngayon ay sobrang successful.

Kahit isa't kalahating baliw ito ay pinagkakatiwalaan niya ito ng sobra pagdating sa business. Lahat halos ng problema ng kumpanya na hindi na niya kayang asikasuhin ay ito ang tumatrabaho. And his cousin does it the way he wants it to be done.

"Tigilan mo ko, Lancelott, kailangan kong maayos ang launching para next week. Ipapamukha ko diyan sa dumbass na 'yan na we'll reach 100 percent of our projected sales." Sagot niya dito habang nagtytype ng plan for next week. Kaunti na lang at matatapos din niya ito.

Married To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon