Inihahandog ko sa inyo...
*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*
QTEA PatooTEA
Natatawang tiningala ni Gabriel ang pangalan ng café na katabi ng lugar ng first date nila ng virtual wife niya.
Nagkalat na talaga ang mga matatabang utak sa mundo, ano? Meron pa nga siyang nakita sa highway na Ang KaTEA, TEAnkerbelle, KalapaTEA at iba pa. Iba na talaga ang creativity ng mga tao ngayon.
Pumasok siya at nag-order sa counter ng isang iced tea at strawberry smoothie para sa virtual wife niya.
Nakakaexcite! Hindi talaga siya nagsisisi na tinanggap niya ang offer na 'to.
Tumunog ang chime na nakasabit sa pinto sa likod niya pero hindi niya ito pinansin dahil akala niya isa lang ito sa mga customers.
Matiyaga siyang naghintay sa waiting counter habang ginagawa ng mga ito ang order niya.
Laking gulat niya ng may sumigaw. "Virtual husband!!! Where are you?!!"
Dahan-dahan siyang napalingon sa likod niya kung saan nakapameywang ang isang maliit at mapayat na babae. Nakasuot ito ng maong na short, puting midriff na may nakalagay na, 'Sorry Boys, I'm Married', at sneakers na puti. May nakasabit sa gilid nito na maliit na body bag na itim.
Tinitigan niya ang mukha nito. Hindi ito gaanong kaganda pero napakalakas ng dating nito. Yung tipong babalik-balikan mo ng tingin.
Bumuntong-hininga ito ng malakas at inikot ng paningin ang café.
Nagzero ang tingin nito sa kanya.
He gave her a smile at tinaas ang kamay niya.
"Virtual husband, present."
*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*
"I can't believe it. Gabriel Cho is my virtual husband. Hindi kaya may bigla na lang may sumaksak sa'kin sa labas niyan?" Natatawang sabi ni Czarina habang kinakagat ang itim na straw ng strawberry smoothie na iniinom niya.
Natatawa si Gabriel sa turan niya. "Grabe ka naman sa mga fans ko. Mababait naman yung mga 'yon."
Nakaupo muna sila ngayon sa may café habang inuubos ang drinks nila. Bawal kasi magpasok ng food and beverages sa amusement park at kailangan daw doon ka mismo bumili ng food sa loob.
Tumango lang siya. "Mabait naman talaga sila. Super possessive nga lang. Do you think magugustuhan nila ako?"
"Of course! Idol ka kaya ng mga babae. Lahat sila gustong gayahin yung mga porma mo." Sagot nito sa kanya at kumuha ng biscuit.
"But I also have my own haters."
Tumingin si Gabriel sa labas na parang malalim ang iniisip. "Lahat naman tayo merong haters. Kahit gumawa ka ng mabuti, icricritize ka pa rin nila. It's about how you face those people. Minsan kailangan lang nilang maintindihan na you're also like them. Medyo lamang ka lang sa popularity department but we're all the same. We keep on looking for the satisfaction of having someone appreciate what we're doing. Kahit minsan, they're not worth it."
Silence.
Natigilan ito at tumingin sa kanya. Mukhang narealize nito na isa itong TV Show at lahat pwedeng i-air. "Masyado ata akong nacarried away."
Hindi na niya napigilan at tumawa siya ng malakas. Yung walang halong arte o pagpapanggap. Yung natural na tawa niya sa harap ng mga taong close sa kanya. "You're really funny, Gabe. Kaya siguro humaling na humaling sa'yo ang mga babae. Aside, of course, na super talented mo sa music."

BINABASA MO ANG
Married To You
RomanceThree houses. Three couples. Six different personalities. One reality TV Show. Akala nila simpleng play time lang ito. Pero malayong-malayo ito sa akala nila. Feelings will get involved. Magiging komplikado ang mga bagay na akala nila...