9th. Three First Dates

38 3 0
                                    

Inihahandog ko sa inyo...

*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*

9th. Three First Dates

Nakaupo na silang dalawa ni Sky sa couch na nasa opisina niya habang hinihintay ang airing ng first episode ng show na pinroduce niya.

Ang asawa niya ay super excited habang siya ay super tense.

Two weeks kasi siyang wala sa Pilipinas dahil birthday ng Mommy ni Sky na si Mommy Yassie. Pumunta sila ng England para magcelebrate at hindi ito pumayag na umuwi sila agad.

Nagkataon naman na natapat sa two weeks na iyon ang shooting ng first two episodes ng TV show niya.

Araw-araw ay nagiinternational calls siya para lang mamonitor ang shooting ng first two episodes ng TV show niya. To hell with her cellphone bills. Sobrang nagpanic siya dahil masyadong kalmado ang kaibigan niya at batikang -despite his young age- director na si Matteo habang nagshoshooting. Smooth daw ang takbo ng lahat kaya wala daw siyang dapat ipag-alala.

"Sky..." Tawag niya rito habang ito naman ay nagbabasa ng mga legal papers.

"Hm?" Hindi man lang ito tumingin sa kanya.

Bumuntong-hininga na lang siya at umayos ng upo. Ninyenyerbyos na nanood siya ng TV.

Twenty minutes na lang...

Inabot niya ang iPhone niya at tinawagan si Matteo.

Sumagot naman ito agad. "Ms. Prod? Is everything alright?"

"Hi, Matteo. Everything's fine. Just want to ask if may final revisions pa kayong ginagawa or are you sure that it's is okay for airing natalaga or-"

Biglang may humatak ng phone niya.

Tinignan niya ng masama si Sky na seryosong nakatingin naman sa kanya. Kinausap nito ang direktor. "Hello, Matteo?... Yes, sorry... My wife's having a panic attack... Pagpasensyahan mo na... We're waiting for the airing of the show... Yes, haha, but no popcorn... Okay... Sorry for the trouble... No, no... Okay, thanks a lot... See you soon, bye."

Binaba nito sa coffee table ang phone niya at tinitigan siya.

Sinalubong niya ito ng masamang tingin. "What the hell was that, Sky Anthony?"

"Pam. Seriously. I meant what I said to Matteo. You really are having a panic attack. Baka mamaya intro pa lang, mahimatay ka na diyan. You saw the promo trailer, right? You even said it was perfect." Puna nito sa kanya at inayos ang naligaw na buhok sa noo niya.

"Stop it." Inirapan niya ito at humalukipkip habang nakaharap sa TV. "You don't know how nervous I am na maga-air yung TV show na pinaghirapan kong buuin. I wasn't there to monitor the shoot and I don't even know what to expect!"

Inakbayan siya ng asawa niya. "Hon, you are the first person to ever make a TV show that doesn't even have a script and you're letting them decide what they're going to do. At ang tanging instructions mo lang sa The Chosen Six, and take note it's via phone call, ay 'Gawin ang mga missions and just be yourself.' This is THE reality TV show. Wala nang nas magiging totoo bukod dito. And just like reality, you can only expect the unexpected so why don't you calm down and watch the show."

Hinalikan nito ang ulo niya.

Pumikit siya at niyakap ito. Siniksik niya ang mukha niya sa leeg nito. Ang bango-bango talaga ng asawa niya kahit gabi na.

"Thank you, Hon." Bulong niya at hinalikan ang leeg nito.

Hinaplos nito ang ulo niya. "You're most welcome, Hon. As always. I love you."

"Yabbumor..." Naipit na siya sa leeg nito.

Natawa ito sa kanya.

Love... Love... Love... Love... Love... Love...

Napaharap silang mag-asawa sa TV nang magsimula ang intro song habang pinapakita ang logo ng show niya.

Biglang nagsalita ang narrator. "Three houses. Three couples. Six different personalities. One reality TV Show. Will this just be another one of those heartbreaks or will they be able to find true love and finally say, 'I am so lucky to be Married To You.'"

Sinasabayan ito ng caption na nagsimulang lumabas sa ilalim habang pinapakita ang bughaw na langit pababa sa tatlong magkakaibang lugar; isang amusement park, isang yacht club, at isang hotel.

"And their love story starts here..."

*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*

Ü

Questions?

K. See you next chapter!

Vote. Comment. Spread the love.

inna

Married To YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon