Happy 310 reads and two comments!!! Sino nakakabasa nito? Magcomment, i-vote at magdiwang! HAHAHA! *\(^o^)/*
Inihahandog ko sa inyo...
*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*
"Alam mo ba kung saan tayo titira?" Curious na tanong ni Lorelei habang nakaupo sa passenger seat ng silver 2015 Mercedez Benz M-Class ng virtual husband niya.
Nagkibit-balikat lang ito habang nagddrive. Nginuso nito ang Mission Card na nasa pulang envelope sa ibabaw ng dashboard. "Hindi ko din alam. Ayaw akong bigyan ng clue ni Ms. Prod kung anong itsura ng bahay natin and I'm not familiar with the address they've given me."
"Hmm..." Sagot lang niya.
Hindi talaga siya makapaniwala na titira siya sa isang bahay kasama si Ryan. Naeexcite siya pero mas kinakabahan siya sa kung anong dapat niyang iakto ngayong 24/7 na may nakatutok na camera sa kanila.
"Pero pansin ko lang..." Pagkuha ni Ryan sa atensyon niya. "... ang konti ng dala mong gamit."
"Konti lang talaga yung dinala ko. Pwede naman akong bumalik sa bahay kung may kailangan akong gamit. " Sagot niya dito.
Nag-'tsk' ito. "Dalawang malaking maleta ang dala ko tas' ikaw isang maliit lang? Parang wala kang balak magtagal sa bahay natin ah."
Natawa siya nang tignan niya ito. Nakakunot ang noo at malapit nang magpout ang labi nito.
Hindi na niya napigilan. Kinurot niya ang isang pisngi nito. "Ang cute mo, Ryan."
"Cute? Ako? For your information, ang lagjng naassociate sa isang 'Ryan Salarzon' ay gwapo. Minsan pogi. But never cute. Ang cute para sa maliit na bagay and I'm not one of them." Masyadong defensive na litanya nito.
"Oh-kay... sabi mo eh." Full blast na ang tawa niya.
Hindi niya akalaing ganito kachildish ang napakasupladong Ryan ng DNIJJ. Lagi kasi itong nakaismid sa kumpanya kaya naninibago siya. Lahat actually ng talent sa DNIJJ ay binabati niya pero iilan lang sa mga ito ang nakikipagkwentuhan, madalas ay tango o tipid na ngiti lang ang sinasagot sa kanya. Minsan nga nilalagpasan pa siya. Isa sa mga ito si Ryan. Kaya natutuwa siya na mas lalong nakikilala ang virtual husband niya.
Tumingin siya sa paligid niya. Nandito na sila sa isa sa tatlong ekslusibong subdivision na malapit sa DNIJJ.
Nagkatinginan silang dalawa at bakas sa mga mata ni Lorelei ang excitement. Napakaganda ng mga bahay sa subdivision na ito. Base kasi ito sa mga apartments sa Amerika.
Inabot nila sa guard ang Mission Card nila at nginitian sila nito sabay sabi ng "Welcome, Newlyweds!" at ibinigay ang direksyon papunta sa bagong bahay nila.
Nagpasalamat sila dito at hindi mawala-wala ang ngisi sa labi silang nagpunta sa kanilang bagong bahay.
*・゜゚・*:.。..。.:*・'(*゚▽゚*)'・*:.。. .。.:*・゜゚・*
Kanina pa tawa ng tawa si Ryan sa kanya.
Paano ba naman, hindi niya akalain na napakaganda ng bahay na ibinigay sa kanila ng Married To You. Paikot-ikot siya at parang batang hindi mawala ang ngiti sa labi.
Nakaupo ito ngayon sa isa sa mga high stools sa dining room nila habang siya naman ay chinecheck ang lahat ng cupboards at mga gamit sa kusina.
Hinarap niya ito habang hawak-hawak ang mga non-stick pans na nandoon. "Ryan! Nakikita mo ba 'to? Kumpleto tayo sa gamit! Pwede akong magluto at magbake ng kung anu-ano! Shocks! Ang dami kong naiisip na lulutuin! Bubusugin kita ng bonggang-bongga!"
BINABASA MO ANG
Married To You
RomanceThree houses. Three couples. Six different personalities. One reality TV Show. Akala nila simpleng play time lang ito. Pero malayong-malayo ito sa akala nila. Feelings will get involved. Magiging komplikado ang mga bagay na akala nila...